#Chapter19

858 12 0
                                    

#Chapter19

Misha's POV

Tahimik naman kaming dalawa ni Eric buong mag damag. Nasa kama ako at nag cecellphone lang habang siya kaharap ang laptop niya katabi ko lang ito.

Tumingin naman ako sa bintana at nakita kong gabi na pala, di ko man yun napansin.

"Gutom ka na wife?" napatingin naman ako kay Eric pero yung atensyon niya nasa laptop niya padin.

Di ko nalang siya pinansin at lumabas ng cabin ko. Sa paglabas ko nakita ko naman si JM na natutulog sa duyan na ginamit ko kanina, nilapitan ko naman ito.

Ang himbing ng tulog niya, masyado siyang anghel tignan habang natutulog, ano ba ginawa ni Ville sakanya at ganito kahimbing yung tulog niya?

Hindi talaga ako makapaniwala na siya ang pinagtripan ni Ville at ginawa pa itong bitag para lang gulohin ang pananahimik ko dito.

Kailangan ko pa palang malaman kung anong rason bakit ito andito, bakit niya ako sinusundan.

At hahanapin ko pa yun kung saang lupalop ito, gusto ko siyang makausap, at alam ko ang takbo ng utak ni Ville, palipat lipat ito ng lugar para lang hindi siya matunton ng kung sino.

"uhm.. a-andiyan ka pala S-snow" naagaw naman ang atensyon ko sa umungol na bagong gising, nag stretching pa ito bago umupo.

Papikit pikit itong tumingin saakin.

"Gabi na pala" mahina niyang sabi, siguro dahil bagong gising siya kaya nanghihina pa ito.

"Ilang oras ka na bang andito?"

"Anong oras na ba?" kinuha niya naman ang phone niya para masagot ang tanong niya.

"Tatlong oras na pala akong tulog"

"Bakit ka dito natulog? what happen to you earlier is not a lesson for you?"

"Presko kasi dito at isa pa, may araw akong natulog dito eh marami namang tao kaya hindi na siguro yun mag tatangka"

"Not everyone around you is good JM, you should know that, that's only a basic fact." Nagkibit balikat lang ito at humiga ulit sa duyan.

"Amoy mo itong nasa duyan" inirapan ko naman siya, bakit ko ba kausap itong isa to? at bakit ko ba ito nilapitan.

"Sino yung kasama mo kanina? yun ba yung asawa mo?"

"It's my friend"

"Oh akala ko yung asawa mo"

"Wala akong asawa"

"May babae palang dinideny ang pagiging kasal sa lalaki, tell me what happen to your married life?" nag arm cross pa ito at ngumisi saakin.

"Wife?" naagaw naman ang atensyon namin ni JM kay Eric, alam kong si Eric yun, nilingon ko ito, nasa tabi na pala namin ito, masamang nakatingin kay JM.

"Oh? akala ko kaibigan?" nagugulohang tanong ni JM.

"Who are you?" tanong ni Eric, bumangon naman si JM, ngumiti pa siya kay Eric bago tumayo.

"Justin Mark Flix, attorney at you service" kumindat pa ito saakin bago hinarap si Eric.

"So you must be the husband?"

"Yes"

"No!" sabay naming sabi ni Eric, sinamaan ko naman ng tingin si Eric pero hindi ito natinag, nakatingin lang ito kay JM na sinusuri niya ang kabuohan nito, napailing nalang ako.

"Sinong papaniwalaan ko?"

"Depende sayo attorney" Eric

"Mga gago, mag sama nga kayo, puro kagagohan nasa utak niyo eh!" Nag walk out naman ako, narinig ko pa ang pag tawag saakin ni Eric pero hindi ko ito pinansin at pumasok nalang sa cabin ko.

Snow White and the Poisonous Apple ✔Where stories live. Discover now