#Chapter38

503 6 0
                                    

#Chapter38

JM's POV

"What the fvck people!?" napatalon kami sa gulat sa pag baksak ng pinto.

Natahimik naman ang mga kasamahan ko sa sala ng mansyon nila Alexander. Nakita ko ang pamumutla ni Ashton at ni Alexander.

Kahit ako nakaramdam din ako ng takot sa nangyayari.

Hindi ko alam anong nangyari, tinawagan lang ako ni Ashton at sinabi saakin na nawawala daw ang anak namin, dali dali akong pumunta dito, wala pang sinabi saakin si Ashton.

Muntikan ko na itong mabugbog kanina kung hindi lang ako pinigilan ng mga pinsan niya at ni Zyryl.

"M-misha" sa isang iglap nasa harapan na ito ni Ashton at kwenilyohan.

"Ipinagkatiwala ko ang anak ko sainyong mga hinayupak kayo pero anong nangyari?!" napatayo naman ako nang tumingin ito sa gawi ko.

Nakakatakot ang awra ni Misha ngayon, na parang pag may binitawan kang maling salita, baka yun na ang huling salita mo.

"Nasaan ang anak ko Ashton!?" nakita ko naman ang pagkagulat din nila Alice sa pag sigaw niya.

"We're tracking your daughter now Misha, calm down" kalmang sabi ni Alice, busy itong pakikipag usap sa telepono, kahit si Zyryl may pinagkakaabalahan din tawag at si Belle naman kaharap ang laptop nito at busy sa pag tipa.

"Calm down? huh? seriously Alice?! sa dami daming mag sabi saakin niyan ikaw pa talaga? from you? your a mother for pete sake!" natigilan naman si Alice sa kausap niya sa telepono, binaba niya ito at humarap kay Misha at malamig niyang tinignan ito.

Nag iba ang atmosphere ng buong paligid sa pag harap ni Misha at Alice.

"If I'm you, kalma kong hahanapin ang anak ko"

"What the, you should understand me! you're a mother too!" napasinghap naman ako nang mag labas si Misha ng baril at tinutok ito kay Alice.

"Shit!" sabay naming pag mura ni Ashton nang pati si Alice kay nag labas din ng baril.

"Bakit hindi mo nalang hanapin ang anak mo Misha kaysa nakikipag tutokan saakin ng baril?" ngumisi naman si Alice.

"Pointing a gun to each other can't help to find our little Masha everyone" biglang singit ni Belle, hindi man lang siya nag abalang tignan ang mga pinsan niya.

"Misha, JM's here" paalala ni Ashton.

"I don't care, makita niya kung anong makikita niya"

Mag sasalita na sana ako nang umalingawngaw ang putok ng baril, malaking mga mata kong tinignan si Misha.

Umuusok pa ang baril niyang hawak habang naka tutok sa akin, nanginig akong tumingin sa likod ko, nakita ko ang basag na vase.

"Fvck Misha! not Mommy's vase!" Alexander

Binalik ko ang paningin ko kay Misha, ngumisi lamang ito saakin at inikot ikot sa kamay niya ang baril na hawak niya.

"Psycho" komento ni Alice at may putok na naman kaming narinig sa pagkakataong ito hindi na kay Misha galing kundi kay Alice na naka tutok sa paahan ni Misha. Hindi man lang gumalaw si Misha.

"Mag kakalat lang ba kayo sa pamamahay ko?!" Alexander

sa ikatatlong pagkakataon nakarinig ulit kami ng putok, nawala na sa dating pwesto si Alexander, katabi na siya ni Ashton.

Nakarinig kami ng nabasag ulit na vase.

"Now ilabas niyo ang anak ko, I know tinatago niyo lang siya saakin" ngising sabi ni Misha.

Snow White and the Poisonous Apple ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon