#Chapter7

1.1K 9 0
                                    

#Chapter7

JM's POV

"Ano ba ang nangyari Attorney Flix?" madiing tanong saakin ng mag asawang Patron.

"Pag paumanhin niyo Mr. and Mrs. Patron, pero may hawak nila ang ebidensyang nakakapag turo sa anak niyo"

Kanina nang inanunsyo ang resulta ng pag dedebate ay may dalawang ingay akong narinig sa loob ng korte, ang masayang ingay dahil nakamit nila ang hustisya at ang pagmumura saakin ng bunsong anak ng mga Patron dahil sa pagkatalo at pag sampa sakanya ng parusa.

Ano nga ba ang kaya kong gawin don? kahit anong depensa ko sa mga nilatag nilang ebidensya wala akong magawa.

Naiwan naman ako ng dito sa labas ng korte habang umaalis ang pamilya Patron.

"hey JM nice work" bati saakin ng kapwa ko abogado, ngumiti naman ako sakanya.

"minumura ka nga lang ng kliyente mo" tumawa naman ito kaya siniko ko ito para tumigil.

"Dahil panalo ako, let's celebrate?"

"Madami pa akong asikasohin Grey"

"Sus! sige aayain nalang kita bilang kaibigan"

"Wala ka bang trabaho ngayon Grey?"

"wala dahil panalo ako sa kaso?"

"Gago ka" tumawa ulit ito siniko ko ulit siya kaya tumikhim ito at pumormal, umalis naman kami sa lugar na yun.

Grey is my great fvcker friend, magkakaibigan na kami simula palang bata kami, kaya nung malaman niyang magkasama ulit kami sa iisang kaso, at magkalaban sobrang tuwa ng gago.

Sometimes our playground is the court. Syempre ibang laro ang ginagawa namin don, kailangan padin namin mag seryoso dalawa hindi yung larong para sa kasiyahan lang, nakasalalay din kasi saamin yung tadhana ng mga kliyente namin.

"Saan ka ba ngayon JM?"

"Sa kompanya deritso ko bakit?"

"Sama ako"

"Talaga bang wala kang gagawin?"

"Meron actually, may hawak akong annulment case, pero hangang ngayon wala pang ebidensyang maiibigay saakin ang kliyente ko para mapawalang bisa ang kasal nilang mag asawa kaya.." ngumiti naman ito saakin at tinaas baba niya pa ang mga kilay niya, umiling na lamang ako sakanya at sumakay sa kotse ko.

Pagkarating ko sa kompanya namin, napailing nalang ako ng makita ko si Grey talagang sineryoso niya ang pagsasama dito saakin.

"Good Morning Attorney" tumango na lamang ako sa pag bati saakin ng isang empleyado.

"JM" Binigay ko naman kay Frank ang mga files na hinatid niya saakin nung nakaraang araw.

"Attorney Grey"

"Hi Frank"

"Andito na ba si Jassie Frank?"

"Nasa opsinina mo JM."

"Good" Pumasok naman ako sa opisina ko, at nakita ko nga si Jassie don na busy, nakakunot pa ang noo nito habang nakaharap sa computer, nilapitan ko naman ito.

"Pft!" pigil na tawa ni Grey nang makita namin ang ginagawa ni Jassie.

"Good Job Jassie" pinitik ko pa ang noo niya kaya natigilan siya sa ginagawa niya at humarap saamin na may malaking mata.

"Kuya!"

"Ang galing mo palang mag laro ng PUBG Jas hahaha" tawa ni Grey sa likod ko.

"Makakatulong yang ginagawa mo Jas"

Snow White and the Poisonous Apple ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon