#Chapter44

480 4 0
                                    

#Chapter44

Misha's POV

"Mag bihis ka na, aalis tayo ngayon"

Hindi na ako nag salita pa at hinayaan siyang bihisan si Masha, nag patuloy ako sa pag hahanap ng damit ko.

Nang makahanap ako ng damit, nag bihis naman agad ako, pagkatapos ko humarap ako sa kanilang dalawa.

"Baby what about this?" napalingon naman silang dalawa na parang silang dalawa ang mag judge kung okay na ba ang suot ko.

"You're pretty mom right dad!?"

"h-huh? ah yeah she's lovely and beautiful" tamis na ngiti ni JM, umupo naman ako sa kama, nilibot ko ang paligid

"I think kayo lang muna ang gumala"

"Huh? bakit?" tanong ni JM

"Kailangan kong mag ayus dito" nakakalat ang tatlong maleta, ang mga maleta namin at ang mga pinamili nila.

"No let's do this after, I'll help you, Masha is hungry right baby?"

"Uhm yeah"

"Okay fine" nakita ko naman ang pag ngiti nilang dalawa, naalala ko din na hindi ko pwedeng iwan ang dalawang to, nasa panganib na din ang mga buhay nila.

Kinarga niya ulit si Masha at lumapit saakin para hawakan ang mga kamay ko.

"May kotse kayong dala?"

"Yes! pinadala ni Ashton"

"Talagang plinano lahat ni Ashton?"

"Maybe, I don't know"

"No one knows what's in Kyril's mind"

Pagkadating namin sa kotse, sa backseat si Masha at ako ang katabi ni JM, siya ang mag dadrive.

"San ba kasi tayo pupunta? ang init init tapos gagala tayo? pwede naman mamayang gabi nalang"

Wala man lang sumagot saakin.

-

Pagkatapos namin mamasyal, wala namang masyadong pasyalan dito kaya mabilis din kaming nakauwi, kumain lang si Masha tapos non namasyal sandali at umuwi agad.

Dumiretso naman ako sa kwarto, ang una kong inayos yung mga dami ni Masha, nilagay ko ito sa closet, sinunod ko yung akin, bago ko pa mapakialaman ang kay JM siya na mismo nag ayus nito.

"Pinanuod kitang mag ayus and you looked like my wife" ngumiti pa ito bago ako tinalikuran.

Umiling na lamang ako at inayos yung pinamili nila at syempre yung ibang kalat.

"I'll just need to make a call" paalam ko kay JM, hindi ko na hinintay ang sagot niya lumabas na agad ako ng cabin.

Kailangan ko talagang tawagan ang mga Kyril. Hindi pa ba nakauwi sila Alice sa Pilipinas? ang una kong tinawagan ay si kuya Ashton.

"Oh? good thing at gising ka na"

Ah! yeah ngayon lang akong araw nagising pero parang pakiramdam ko ang dami dami ng nangyari, ang bagal naman ata ng takbo ng oras ngayon.

"I told you no vacation, I just want to see my daughter! I have this feeling that this vacation is not good as what you expected Aladdin!" bungad ko sakanya.

Kung sinunod niya lang siguro ang sinabi kong gusto ko lang makita ang anak ko, walang makakaalam na may anak na ako at walang madadamay na buhay!

Bobo din minsan mag isip tong kapatid ko, hindi ko alam saan nag mana, alam ko naman sa sarili ko na matalino ako.

Snow White and the Poisonous Apple ✔Where stories live. Discover now