#Chapter29

631 5 0
                                    

#Chapter29

JM's POV

Kagagaling ko lang sa korte at nakipagbakbakan don. Kaya pagod na pagod ako ngayon, pabagsak naman akong umupo sa sofa.

"Problema mo?" natigilan naman si Ashton sa pag dating ko.

Andito ako ngayon sa opisina ng bar niya, balita ko kasi bagong dating itong gago galing sa Spain.

"Kamusta si Misha?" nakita ko naman ang pag ngisi niya at umiling iling pa ito, ganito nalang lage ang tinatanong ko sa tuwing babalik siya dito galing Spain.

"Mataba na yung kapatid ko, gusto mo padin ba?" nag kibit balikat naman ako.

"Lage kong kwento sakanya na may girlfriend ka at magpapakasal na kayo"

"Gago, hindi ko nga kasi girlfriend si Nicole."

Isa din sa mga problema ko si Nicole, ganon pa din siya, habol ng habol saakin kaya ngayon nagulat nalang ako na ikakasal na pala ako sakanya.

Ilang taon na nga ba akong sinusuyo siyang itigil niya ang kabaliwan niya? simula pa talaga nung nagkakakilala kami kaya ngayon parang pasan ko ang problema ng buong mundo.

Kamusta na kaya si Misha? ano na kaya ang itsura niya ngayon? kasi naman kung alam ko lang yun na pala ang huli naming pagkikita edi sana sinamtala ko nalang pala yun.

"Nga pala muntik ko ng makalimutan Happy Fathers' day" nakangisi nitong sabi saakin.

"Hindi ako tatay para batiin mo niyan"

"Tatay ka na kaya! Hahaha"

"Matagal na akong tigang Ash, at wala pa namang lumalapit saakin at sabihan ako na panagutan ko sila, safety first" pagmamalaki kong sabi sakanya pero pinag tawanan niya lang ako at binigyan ako ng isang baso na may lamang alak.

"Kuya! I need a c--" napatingin naman kami Ni Ashton sa pintuan, pabagsak kasi itong bumukas.

"Misha?" bulong kong tawag sakanya, what the fck? andito pala ito ngayon sa Pilipinas?, napatingin naman ako kay Ashton, nakangisi lang ito.

"I told you, Happy fathers' day, problema mo lil sis?"

"Sa mansyon nalang tayo mag usap" tatalikod na sana ito pero pinigilan ito ni Ashton.

"Hindi ka man lang ba babati sa bisita ko Misha?"

"Misha" tumayo naman ako at lumapit sakanya, ngumiti naman ako sakanya pero inirapan niya naman ako.

"Long time no see, I have to go"

"Teka lang ngayon lang ulit tayo nag kita"

"I need to go JM" hindi naman siya nag papigil kaya napatingin naman ako kay Ashton.

"Ihatid mo yun, wala pa yung kotse ngayon sa bahay ha?" tumango naman ako bilang sagot at sinundan si Misha.

"Hatid na kita sa bahay niyo?" tumabi naman ako sakanya.

"mag tataxi nalang ako" tinignan ko naman ang mukha niya, ngumiti naman ako sakanya.

"It's really you"

"Ano ba kailangan mo?"

"Hindi ka man lang nag paalam saakin bago ka umalis, akala ko pa naman okay na tayo non"

"I'm in danger when I'm here JM"

"Bakit ka bumalik?"

"May pinapatrabaho lang saakin"

"So uuwi ka na naman ng Spain pagkatapos mo dito"

"Yes ofcourse"

"Hatid na kita sainyo Misha, pag bigyan mo na ako" nakita ko naman ang pag buntong hininga niya at humarap saakin.

Snow White and the Poisonous Apple ✔Where stories live. Discover now