#Chapter17

890 13 1
                                    

#Chapter17

Misha's POV

Clue: The neighbor's resort

Napabuntong hininga nalang ako, tumayo na ko at pumasok sa cabin ni JM bukas din naman eh.

At totoong wala siya dito! blangko ang cabin niya I mean walang JM na andito puro lang mga gamit at gamit niya.

Kinuha ko naman yung laptop niya at pinakialaman.

Tinype ko naman ang number ni JM doon at inenter. Ito lang ang paraang alam ko para mahanap si JM at alam kong dala dala niya ang cellphone niya.

Nag loading naman ito kaya hinayaan ko muna at tinawagan si Alice.

"Bakit?"

"I think I can't get out in this country as clean" gigil kong sabi.

"Bakit? may nakaaway ka diyan? may napatay ka? what a good news"

"Fck! someone's life is in line Alice! okay lang na ako yung pag tripan niya pero kasi may sinali siyang sibilyan"

"So be it kung gusto mong umalis sa bansang to na malinis edi hayaan mo, unless kung may pake ka sa taong yun"

"Wala, pakiramdam ko lang na dapat ko siyang iligtas"

"Ano ba dapat kong maitulong?"

Yun talaga ang totoong nararamdaman ko ngayon, pakiramdam ko kailangan kong iligtas si JM.

Binaba ko nalang ang tawag nang makita ko na okay na yung pag tatrack ko kay JM.

Napakuyom naman ako sa mga kamao ko ng makita ko kung saan ngayon si JM.

Hindi nga ito nalalayo sa resort, nasa mala gubat lang itong parte ng katabing resort.

Bago ako lumabas ng cabin ni JM niligpit ko muna yung ginamit kong laptop at pinuntahan sila.

3rd Person's POV

"Uhm!" tahimik na sigaw JM habang pumipiglas sa pagkakatali niya sa puno.

"Chill someone's gonna save you" nilaro laro pa nito ang hawak na pocket knife habang pabalik balik sa pag lakad.

"Why did I said until midnight? tsk idiot" umiling iling pa ito at humarap kay JM na ngayong masama ang tingin.

"Are you hungry?" pero tinignan lang siya nito ni JM ng masama, tinaas niya naman ang dalawa niyang kamay at inosenteng tinitignan si JM.

"I didn't do anything to you, how can you look at me like a criminal?" malambing nitong sabi, nag pumipiglas ulit si JM at sumisigaw ito kahit may nakatakip sa bibig niya na isang tape.

"This game is getting me bored fck"

Lumaki naman ang mga mata ni JM ng masaksihan niya ang pag tumba nitong babaeng nag tali sakanya.

"uhm!" sigaw ulit ni JM

Tumayo naman itong babaeng kimidnap kay JM at humarap kay Misha na siyang nag sipa nito mula sa likod.

"Let him go"

"Hi Snow"

"Stop this fcking bullshit Ville"

"No way, I'm just starting Snow why so kj?"

"Tomas el civil Ville" diing sabi ni Misha.

Pinulot naman ni Ville ang kanyang pocket knife na nabitawan niya ng masipa siya ni Misha sa likod.

JM's POV

Nagising nalang ako na andito na ako, nakatali na ang mga kamay at paa ko at naka duck tape na ang bibig ko.

Ang huling naalala ko kagabi ay ang nag uusap kami ni Nicole, iniiyakan niya ako, yun naman lage niyang ginagawa kaya ako nag mumukhang boyfriend niya padin na nag papaliwanag sakanya.

Yun ang huling naalala ko nagising nalang akong ganito na, una ako lang mag isa, tatakas na sana ako pero masyadong mahigpit yung pagkakatali na kahit anong gawin ko hinding hindi ko matatanggal, hanggang sa nag pakita itong isang babae saakin na may ngiti sa labi.

Sumigaw sigaw pa ako kanina na humihingi ako ng tulong pero siya pala yung kagagawan nito.

Nagulat nalang ako na si Snow yung kausap niya kanina kaya napaisip ako na kasamahan ito ni Snow, pero sa nakikita ko ngayon parang hindi.

Nakita ko siya kanina na palapit sa pwesto namin pero hindi ko inaakalang ganon siya kabilis nakalapit at nasipa niya pa itong babaeng nag kidnap saakin ng hindi siya napapansin.

"Just cooparate I miss this" ngumisi naman itong tinawag na Ville ni Snow, mahigpit naman itong nakahawak sa pocket knife niya.

Napatingin naman ako sa gawi ni Snow, nakatayo lang ito at tinitignan lang siya.

"uhm!" sigaw ko kay Snow na siyang nag paagaw nga sa atensyon niya, tumango lang ito saakin at ngumisi kay Ville.

Pinasidahan ko naman ng tingin ang buong katawan ni Snow mula ulo hanggang paa, naka beach bra lang ito ng itim at naka palda pa ito ng malabulaklak na mataas na palda.

Teka pumunta ba ito para makipag away o para lang kunin ako? kasi yung suot niya?

No siguro pumunta ito para kunin lang ako pero kasi sinipa niya kanina ng napakalakas si Ville.

Sinugod naman ni Ville si Snow na siyang nagpagulat saakin, armado itong si Ville habang si Snow walang dala kahit isang gamit!

Sumigaw naman ako kahit may takip ang bibig ko pero itong si Snow tumagilid lang ito at nilagpasan siya ni Ville.

Sinipa niya ang binti nito na siyang nag paluhod kay Ville, sasaksakin na sana si Snow pero mabilis nitong sinipa ang kamay ni Ville na may hawak na kutsilyo.

Pinulupot naman ni Snow ang braso niya sa leeg ni Ville at may binulong nito na siyang nagpagalit kay Ville, kitang kita ko itong magalit dahil sa mga mata niya.

Hinila naman ni Ville ito paikot sa harapan ni Ville pero imbis na matumba si Snow, nakatayo ito at humarap kay Ville.

Nag suntokan ang dalawa pero parehong nadepensahan nila ito, ang magawa ko lang ngayon ay ngumanganga sa harap nila kahit na may takip ang bibig ko.

Napatalon naman itong si Snow para maiwasan ang sipa ni Ville sakanya, mabilis masyado ang galaw nilang dalawa na hindi ko na masundan.

"Fck!" malutong na mura ni Ville nang tinaponan siya ng buhangin ni Snow, naka ngisi naman itong si Snow habang nakatingin lang kay Ville.

"Vete a Ville antes de te mataré" madiin na sabi ni Snow na siyang naging dahilan sa pag alis ni Ville.

"Volveré contigo Snow" yan ang huling salitang binitawan ni Ville bago ito tuluyang nawala sa paningin namin.

Lumapag naman ang paningin ko kay Snow na ngayong nakatingin sa daang tinatahak ni Ville.

Kayang kaya niyang makipag suntokan, kahit ang pag iwas sa kutsilyo basta kaya niyang makipag away ng hindi man lang nasusugatan.

She's indeed a Kyril, everyone knows na kayang kaya nilang protektahan ang mga sarili.

Alice Kyril know how to use knifes and guns, pano ko nalaman? yun ay dahil kalat saamin ang aksidenteng nangyari nung hinahabol siya kasama ang imbistigador na ngayong asawa niya na at doon sa abandong building na sinabi niyang self defense ang nangyari pero nakaya niyang patayin lahat ng andon.

Can Snow do that too? sa nakikita ko kanina ako mismo yung pinapawisan pero siya parang kahit isang butil lang ng pawis wala akong makita.

At Masyado siyang mabilis kung gumalaw nahihirapan yung mata kong humabol sa mga galaw niya.

"Ito ang mga napapala sa mga taong malibog"

Snow White and the Poisonous Apple ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon