#Chapter48

459 3 0
                                    

#Chapter48

Misha's POV

Kumunot naman ang noo ko, kakauwi ko lang galing Germany.

"Asan si Masha?" tanong ko kay Kein, siya ang taga bantay nito.

"She's with Ashton"

"I told you kahit saan pumunta si Masha sundan mo"

"Sinabihan ako ni Ashton na wag na, he's my boss here Misha" umikot naman ang mga mata ko dahil sa pag tawag niya sa pangalan ko.

Noon ay apilyedo ko talaga ang tawag niya pero simula nung tumagal ang pagbabantay niya saamin at naging close niya si Masha, unang pangalan ko na din ang tinatawag saakin, sabi niya noon utos daw ito ni Ashton sakanya.

Ito ang naging bantay ni Masha, kahit saan pa pumunta si Masha, nakasunod ito hindi naman na iilang si Masha sa presensya niya dahil komportable siya dito at close na silang dalawa.

Si Jackson naman ay sila Alice mismo nag aalaga nito, bantay sirado din ito dahil sanggol pa ang anak ko.

Busy na din kasi si JM dahil sa sunod sunod na kasong hawak niya ngayon.

Every weekend lang kami nag kakasama at inaasikaso na din namin ang kasal na gusto ng mga magulang ko.

"How about Jackson?"

"Aba malay ko" napanganga naman ako sa sagot ni Kein, gagong to naging komportable na makipag usap saakin.

"Aalis muna ako lubosin ko muna ang oras ko" bago pa ako makapag salita, umalis na ito at iniwan ako.

Umiling nalang ako at tinawagan ko si Ashton, wala daw ito ngayon sa bahay sabi ng kasambahay na sumalubong saakin.

"M-misha"

"Umuwi na kayo, gusto kong makita ang anak ko"

"Wait! Misha"

"Problema mo?" kumunot naman ang noo dahil sa tono ng pananalita niya parang hindi siya mapakali.

"This is not a prank right?"

"Ano bang pinagsasabi mo? alam mong pagod ako ngayon Ashton, umuwi na kayo"

"I'm with JM and Masha"

"Really? good"

"But right now hindi ko na sila kasama" tumaas naman ang kilay ko sa sinabi ng kapatid ko, kahit na may kaunting kaba ang nararamdaman ko, binaliwala ko ito.

"I've been calling JM but he's not answering the damn phone Misha"

"Don't tell me..."

"They are missing, we've been finding them 30 minutes na pero hanggang ngayon hindi namin sila makita."

"Fvck this bullshit Ashton, I know you're pranking me and I'm not in the mood"

"No hindi ako nag bibiro Misha, I already call Kyril, papunta na kami diyan sa bahay wait for us uhm? okay? please?"

Napabagsak naman ako ng upo sa sahig pagkatapos ibaba ni Ashton ang tawag, narinig ko pang sumigaw ang isang katulong pero hindi ko ito pinansin.

Mas iniisip ko ang kalagayan ni Masha at ni JM ngayon, sana okay lang sila, I know sino ang may pakana nito, hindi na ako mag dadalawang isip, si Hansel lang.

"Misha" may naramdaman akong humawak sa balikat ko pero hindi ko ito pinansin.

"How about Jackson?" mahina kong sabi pero wala akong natanggap na sagot na siyang nakapag pahina saakin.

Tumulo na ang mga luha ko sa iniisip ko.

If Hansel wants me, ako lang sana ang harapin niya hindi yung ganito, dinadamay niya ang pamilya ko.

Snow White and the Poisonous Apple ✔Where stories live. Discover now