#Chapter8

1.1K 13 0
                                    

#Chapter8

JM's POV

"Saan ka ngayon Jas?" tanong ko sakanya, busy siya sa study table niya, ayoko na siyang lapitan at usisain kung ano ang ginagawa kasi alam kong nag lalaro lang ito.

"Ha? shit!" napailing nalang ako dahil hindi man ito tumingin saakin.

"Aalis ka ba?"

"Hindi!, shit yan buti nga sayo!"

"Aalis ako, siguradohin mong sinasabi mong hindi ka aalis pag ikaw nakita ko mamaya at siguradohin mo din na lock itong bahay bago ka matulog"

"Yeah whatever" napailing ulit ako, umalis na ako ng bahay pero sinigurado ko ng lock ang mga bintana at nilock ko na din sa loob ang pinto ng bahay bago umalis.

Pag dating ko agad kong hinanap si Grey, madami ng tao sa loob at nagkakasiyahan na silang lahat kahit maaga pa may nakikita na akong nag sasayaw na kabataan sa dance floor, lumapit na lamang ako kay Grey na nasa counter, tinapik ko pa siya para maagaw ang atensyon niya.

"Libre mo" agad niyang sabi nang makaupo ako sa tabi niya, kumunot naman ang noo kong tumingin sakanya.

"Talo ka remember?"

"Work is work Grey, ikaw nag aya bakit ako mag babayad ng iniinom mo ngayon? hindi pa nga ako nag order"

"tsk damot mo mayaman ka naman"

"I'm not, dahil panalo ka at aya mo to ikaw mag babayad" ngisi kong sabi sakanya.

"No way" tinawag ko naman ang bartender at nag order ng inomin ko, ginawa niya naman ito sa harapan ko.

"Alam mo wala ka naman trabaho ngayon, si Frank naman ngayon ang may hawak sa kompanya mo bakit hindi ka mag bakasyon?"

"For what?"

"Mag hanap ng girlfriend? or just to relax"

"I'm fine Grey ikaw nalang ang mag bakasyon"

"Kung katulad mo lang ako na walang trabaho bakit hindi diba?"

"Bakit?"

"May trabahong nag hihintay saakin eh, I mean ako lang pala ang nag hihintay don"

"Iniisip ko palang ang magbakasyon parang ayoko na so nope!"

"Workaholic ka talagang lalaki ka, kaya hindi ka nagkakagirlfriend eh!" binigay naman saakin yung inomin na inorder ko, nag kibit balikat na lamang ako sa kanya at ininom iyon.

"Nga pala balitang balita na yung pagkapatay ni Ben Samñetaño"

"Huh? yung isang mayaman na negosyante?"

"yeah kanina binalita, bigla nalang daw siyang natumba at nanginginig habang bumubola ang bibig tapos ayun"

"Tsk, ganon lang?"

"Sabi sa balita food poisoning daw yung nangyari at hindi lang simpleng food poisoning ang nangyari, nakakatawa nga dahil parang kilala ng lahat sa espanya kung sino ang pumatay"

"Talaga? so nahuli na?" umiling naman ito bilang sagot na siyang nagpakunot sa noo ko.

"Kilala mo ba si Red Riding Hood?"

"Sino ba ang hindi nakakakilala sakanya?"

I know her, dahil sa tuwing nanunuod ako ng balita siya ang palaging laman ng balita noon, pero ngayon tahimik na at tinapon sa basura ang kaso niya dahil hindi nila mahanap hanap kung sino siya, akala nga ng lahat nahuli na pero yung hinuli pinatay ng totoong red riding hood. I don't know basta ang alam ko siya ang laman ng balita noon pa.

Snow White and the Poisonous Apple ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon