#Chapter14

962 9 0
                                    

#Chapter14

Misha's POV

"I have to go"

"No wait! wife who the fvck is that? I heard it, it's a guy!"

"Eric!" nakita ko naman ang pag pipigil ng tawa ng anim habang si Eric nalilito, ewan minsan talaga masakit sa ulo itong pitong to!

"Tsk fine! see you next week"

"Okay bye"

"Take care"

Kumaway kaway naman silang pito bago nila binaba ang tawag, nilog out ko naman ang lahat ng account ko bago ko ito inoff.

Pumasok naman kami sa cabin niya at nakita ko nga ang table na ready na sa pagkain namin.

Nilagay ko naman sa dating kinalalagyan yung laptop niya bago ako dumiretso sa dining area.

Tahimik naman kaming kumakain.

Masarap nga siyang magluto, natikman ko na ang adobo sa Spain noon, katulong namin yung nag luto, pero iba yung pagkakaluto niya, masarap, mas masarap pa kaysa sa luto ng katulong namin.

Napangiti naman ako habang kumakain.

"Masarap ba?"

"Yes ofcourse, thanks"

"Walang anuman"

"Uhm hindi ka ba mag tatanong?"

"Saan?"

Sa napapansin ko kasi sa taong to sa tuwing may nalalaman itatanong niya talaga para mas maging malawak ang kanyang kaalaman, attorney indeed.

Sa na encounter niya kanina nung tinawag niya ako habang kausap ang pito, si Eric lang yung nag react at alam kong bakit.

Ganon sila sa tuwing may lalaking lalapit saakin o may mangliligaw si Eric talaga ang hinahayaan nilang mag react o si Klyde o si Vince, salitan ang tatlong yan, dahil sila lang naman ang tumatawag saakin ng kung ano ano kaya siguro wala akong maging boyfriend dahil lang naman sakanila.

"Nevermind" sabay kibit balikat at nag patuloy na ako sa pagkain ko.

It's a good thing na hindi na siya mag tatanong tungkol don.

"Salamat" ngiti ko ulit sakanya, hinatid niya ako sa cabin, hanggang ngayon tahimik pa din siya, ngumiti naman ito sa akin.

"Sabihin mo lang saakin kung kailangan mo ng tulong andiyan lang naman ako sa cabin ko"

Tumango naman ako sakanya at pumasok na sa cabin ko.

JM's POV

Napakamot naman ako sa batok ko at bumalik nalang sa cabin ko.

Hindi ko naman alam na may asawa pala yun!

At sino naman ang gagong hindi sasamahan ang asawang mag gala dito sa foreign place para sakanila.

Bago pa ako makapasok sa cabin ko, nag ring yung phone ko sa bulsa, kinuha ko naman ito at nilock yung cabin ko.

Mag lakad lakad na muna ako sa tabi ng dalampasigan.

"hello?" sagot ko sa tumatawag saakin.

"Kuya!"

"Jassie, kamusta ka diyan?"

Nakalimutan kong kamustahin ang kapatid ko ngayong araw, kanina kasi bago ko nakita si Snow yung nag hahanap siya ng pagkain, tatawagan ko sana ang kapatid ko pero nawala sa isip ko yun.

"Okay lang po ako, ikaw? may maiuwi ka na bang girlfriend kuya?" narinig ko pa ang pag tawa niya.

"Pinagsasabi mo diyan, kasama mo ba si Frank? kakausapin ko siya"

Snow White and the Poisonous Apple ✔Where stories live. Discover now