#Chapter34

604 5 0
                                    

#Chapter34

Misha's POV

"A-anong ginagawa mo dito?" nanghihina kong sabi, nagising ako nang may naramdaman akong dumapi sa noo ko, hindi naman ako tulog mantika para hindi ako magising.

"Pwede ba akong tumabi kay Masha?" naamoy ko sakanya yung alak, dahan dahan naman akong bumangon at tinitigan siya.

Sinabi saakin ni Alice kanina nung naabotan niya akong umiiyak nasa baba lang si JM, tulala at tinatanong sila Ashton.

Hindi naman masakit para saakin ang hindi niya tanggapin si Masha sa buhay niya, andito naman ako, andito naman sila kuya para maging tatay Masha, pero nasasaktan ako para sa anak ko na ang sarili niyang tatay hindi siya tanggap.

Masakit din isipin na ang iniisip pala saakin ni JM ay isang malandi at kahit kanino lang nagpapapasok sa pagkababae ko, sarap niyang patayin nalang wala din naman siyang kwentang lalaki.

"Hindi ka kailangan ng anak ko JM, bakit mo ba siya tatabihan?"

Nagulat naman ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko at yumuko ito.

"I'm sorry Misha, sorry sa mga nasabi ko kanina, Ashton told me everything at nag sisisi ako sa ginawa at sinabi ko kanina please, alam ko namang ayaw mo saakin ngayon pero gusto kong bumawi sa anak ko Misha"

"No, umalis ka na dito JM"

"Please"

"Hindi mo tanggap si Masha right? umalis ka na, lasing ka lang"

"Mommy, what's going on?" napalingon naman ako kay Masha, mapupungay ang mata nito, alam mong kagigising lang, bumangon ito at tinignan kami dalawa ni JM.

"Go back to sleep Masha"

"Masha baby"

"Hi why are you here??"

"Just call me daddy please"

"Mommy" nagugulohang lingon saakin ni Masha, napabuntong hininga nalang ako.

"You want to meet your father right?"

"Ofcourse mommy"

"He's your father Masha" turo ko kay JM na hanggang ngayon nakaluhod pa at nakatingin lang kay Masha.

"Daddy?" nakita ko naman ang pag iyak ni JM nang tawagin siyang daddy ni Masha.

"Y-yes baby" tumayo naman itong si Masha at nilapitan si JM, agad niyang niyakap si JM.

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo nalang din.

Aalis na sana ako nang tawagin ako ni Masha, napalingon naman ako sa gawi nila.

"Where are you going mommy?"

"Outside, promise I'll be back"

"No! daddy, I want to hug also mommy, family hug" excited nitong sabi, napalingon naman si JM saakin, umiling nalang ako at umalis ng kwartong yun.

3rd Person's POV

Dahil madaling araw, lahat ay mahimbing ang tulog.

Ngumisi at umiling nalang si Snow at tahimik siyang pumasok sa mansyon ng isang pamilya na isa ding target niya.

Malaya siyang nag lakad papuntang kusina at nag hanap ng kutsilyo.

Nang hawak niya na ito hindi na siya nag aksaya ng oras dumiretso na siya sa pangalawang palapag, binuksan niya lahat ng mga pintong andon hanggang sa makita niya ang dalawang matanda na mahimbing na natutulog.

Isinara niya naman ang pinto at sabay niyang sinaksak ang dalawa, nagulat naman itong gumising.

"A-ano"

Snow White and the Poisonous Apple ✔Where stories live. Discover now