#Chapter23

846 10 0
                                    

#Chapter23

Misha's POV

Bumukas naman ang pinto at lumabas ang asawa ni Belle.

Nag pakilala ito saakin kanina habang ginagamot niya ako sa unang palunas lang.

"Ang dami daming pasyente pero ikaw palang yung nagising" kumunot naman ang noo ko.

"Madami bang nadamay?"

"Hindi naman parang nasa bente ka sibilyan ang nadamay at yung iba na trauma sa nangyari tapos lima ang namatay on the spot"

"Ano? fck alam na ba sinong may pakana? where's my kuya?"

"Walang gagawa non, dahil lahat kayo may tama sa baril"

"Ano?" Akmang na sana akong tatayo pero dahil nasa binti ko ang tama ng baril nahirapan ako.

Binigyan naman ako ni Voltaire ng wheelchair kaya agad akong umupo don at siya ang nag tulak.

"Yung boyfriend mo ba gusto mong puntahan?"

"Sinong boyfriend?"

"Yung attorney"

"Hindi ko yun boyfriend, gusto ko munang makita si kuya"

Di naman siya umimik at sinunod nalang ang sinabi ko.

Pag nalaman ko sino ang may pakana nito mapapatay ko talaga ng ilang ulit.

Pumasok naman kami sa isang kwarto at nakita ko ang kuya kong nakahandusay doon at mahimbing na natutulog.

"Tulad mo sa binti din siya natamaan."

"Bakit ba lahat kami natamaan? palabas lang ba ang lahat ng to?" masama kong tinignan si Voltaire pero parang wala lang sakanya, inaasikaso niya ang pag check kay kuya.

"I don't know what happen, hindi ko alam bakit nung dumating si Zyryl at ang mga pulis hinayaan nila ang mga sarili nilang mabaril, buti nga itong kapatid mo isang bala lang ng baril, si Alice tatlo isa sa braso, isa sa tiyan at binti, habang si Belle dalawa sa tiyan niya at malapit sa dibdib niya, buti nalang hindi natamaan ang vital nila at si Alexander naman sa balikat niya ito at sa isang daplis sa pisnge niya habang si Nethon ang apat ang tama ng baril hindi niya sinabing natamaan na pala siya bago sila pinagbabaril ng mga armadong lalaki pero okay na ang mga lagay nila ngayon natutulog nalang."

"Ang mga anak niyo?"

"Ligtas sila, nasa mansyon sila ngayon kasama ang mga magulang niyo"

Ano ba ang pinag iisip ng mga ito, hindi ko na alam ang nangyari pagkatapos niya akong gamotin, nawalan ako ng malay ng hindi ko maintindihan kung bakit.

"Bakit ako nawalan ng malay nung ginamot mo ko?"

"yun? uhmm" ngumisi pa ito habang kinakamot ang batok niya, sabi na nga eh! may ginawa itong asawa ng gagang si Belle! sinamaan ko naman siya ng tingin, kung hindi siguro ako nawalan ng malay nakapaglaro pa ako non! at malalaman ko ang rason bakit hinayaan nila ang sarili nilang mabaril.

"Alam na alam ko na kasing hindi ka titigil hanggang hindi natatapos ang kagulohan, I know you I mean I know what Kyril always do, Belle proves that to me, nasa dugo niyo ata yang pagiging matigas ang ulo eh, kung hinayaan naman kita sigurong mawawalan ka ng maraming dugo at hindi lang iyan ang matatanggap mo"

"Doc, gising na din po yung asawa niyo, hinahanap po kayo"

"Sama ako" hindi nalang umimik si Voltaire at sinama niya ako papunta sa kwarto ni Belle.

Pag pasok namin doon nakita ko naman ang pag upo niya at kumakain pa ito ng mansanas.

"Okay ka na ba?" lumapit naman itong si Voltaire sa asawa niya at iniwan ako dito sa bandang paanan ni Belle.

Snow White and the Poisonous Apple ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon