#Chapter20

946 13 0
                                    

#Chapter20

JM's POV

Tahimik naman kaming kumakain sa labas ng cabin ni Misha, may table kasi at mga upuan na nakalaan kaya napag desisyonan namin na dito nalang kumain.

"Sabihin mo nga saakin wife, pano ka napunta dito?"

Hindi padin ako sanay na may tumatawag na wife sa isang babae na hindi niya naman talaga asawa. Ewan ang hirap.

"Navigator" tipid na sagot ni Misha, wala padin ba siya sa mood niya dahil sa mga tinginan namin ni Eric kanina sa una naming pagkikita?

Nagalit kaya siya kanina dahil sa sagotan namin at tinginan namin sa isa't isa, nag walk out nga diba?

"Pano mo nalaman ang lugar nato? tell me this is not your first time? diba? tama ang hinala ko?"

"It's my first time Eric, wala bang internet sa Spain? kami lang ba ang meron?" Napakamot naman itong si Eric sa ulo niya at parang frustrate na frustrate siya sa sagot ni Misha, binara lang naman siya eh.

"Sa dami daming lugar dito sa bansang to pero dito ka talaga napadpad"

"Tinignan ko lang kung anong anytime na aalis na na flight at sa davao nga ako napadpad"

"Kuya Aladdin knows where are you"

"Talaga sinabi mo?"

"Hindi ah! siya pa nga nag sabi saakin na andito ka nung pagkatapos kong matrack ka" napahilot naman itong si Misha sa noo niya na parang sobrang laki ng problema niya dahil alam ng kuya niya na andito siya.

Talaga bang nag layas ito? ano ba meron sa mga Kyril at mahilig mag layas? don't get me wrong ah?! pero literal na sila talaga lage laman ng news sa tuwing may problema o kung anong masayang nalita tungkol sa pamilya nila.

Kaya alam ng samabayanan ng Pilipinas kung anong nangyayari sa mga Kyril, sa ngayong henerasyon ng mga Kyril lang naman nag kaganyan eh.

Belle and Alice? yung dalawang hindi naman lumaki dito pero kung ibalita kulang nalang pati anong ginagawa sa loob ng bahay nila gagawan pa ng article.

Binalita ng paulit ulit ang kasal ng dalawang babaeng Kyril, si Belle at Alice, alam ko nga na pangalawang beses kinasal si Belle pero with the same guy lang naman.

Tapos yung nag layas sila bago sila nag pakita ulit at kinasal dito pa! siguro itong si Misha pag balik nito sa bansa niya ikakasal nato dahil ganon din naman nangyari sa dalawa diba?

Hindi naman ako fan ng pamilya Kyril, I love watching news, everyone should love news.

"Justin kanina ka pa tahimik okay ka lang?" napatingin naman ako kay Eric, tumango lang ako bilang sagot at pinagpatuloy ang pagkain.

"Talaga? tinatanong kasi kita eh pero hindi ka sumasagot."

"Uhm? ano ba yun?"

"Ano ba meron ngayon? dumadami na yung tao eh"

"Summer Frolic"

"Oh, lahat ng andito aattend ng summer frolic?, masaya yun! wife sali tayo bukas"

"Wala tayong ticket Eric"

"Ay, meron ba non? san makabili?"

"Tanongin mo ang front desk mamaya, baka alam nila ang sagot ng tanong mo"

Kinabukasan, mas dumami nga ang mga tao at may paghahanda na para sa event.

Nakakuha din ng ticket si Eric tapos si Misha, binigay ko sakanya yung extra kong ticket, sayang naman kung hindi magagamit diba?

Snow White and the Poisonous Apple ✔Where stories live. Discover now