#Chapter18

908 12 0
                                    

#Chapter18

JM's POV

Lumaki naman ang dalawang mata ko sa sinabi niya habang pinapakawalan ako.

"Aray!" reklamo ko nang tanggalin niya ang duck tape sa bibig ko.

"Wala akong alam sa sinasabi mo" depensa ko sa sarili ko sa sinabi niya.

Narinig ko ang buong pag uusap nila ng Ville na yun, kaya gulat na gulat din ako sa mga lumalabas sa bibig ng Ville na yun.

"Really? next time wag kang mag palinlang sa mga mukhang anghel na mukha dahil hindi lahat ay mababait"

"Like you?" aalis na sana siya pagkatapos niya akong napakawalan pero natigilan ito sa tinatanong ko.

Bakit? she have an angelic face at kinukwestyon ko na din ang totoong ugali niya.

"Think whatever you want" at tuluyan na itong nag lakad. Sumunod naman ako sakanya habang hinihilot ang pulsohan kong may bakat pa sa tali.

Sa nasaksihan ko kanina, di na ba ako pwedeng mag tanong? napailing nalang ako at tinitignan nalang ang likod niya.

Everyone have a evil side, bakit hindi niya sabihin na ganon?

"Ang huli ko nalang naalala ay yung kausap ko si Nicole sa telepono at yung umalis ka na, yun lang" pag papaliwanag ko nang masabayan ko na ang paglalakad niya.

"Esa perra, no es posible, realmente quiero besarla" diing sabi niya nilingon ko ito, nakikita ko pa ang galit sa pag mumukha niya.

"Ano?" kunot noo kong tanong sakanya, kahit na nakakatakot yung aura niya ngayon.

"Wala, minsan mag ingat ka hindi dahil bansa niyo to alam niyo na na ligtas kayo, this world have a secret and dangerous side, you should know that, abogado ka diba?" tumigil naman kami sa pag lalakad at humarap ito saakin, kitang kita ko sakanya na pinipilit niyang kumalma.

"Not everyone knows the darkest side of this world or even in this country, yes I'm an attorney but not everything about this country alam ko, I'm just an ordinary attorney who defend those who needs me, how about you Miss Kyril?"

"Sorry to dissapoint you Mr. Attorney I can't answer that question, no soy tonto para derramar un gran frijoln"

Tangina ang sexy niya talaga pakinggan basta ginagamit ang lenggwaheng kinagisnan niya.

"Why? are you hiding something?" ngumisi naman ako sakanya.

"Wala"

"Then tell me"

"I don't have time for you JM" inirapan niya naman ako at mabilis na nag lakad palayo saakin.

Someone's really hiding something... sinundan ko ito ng tingin at ngumisi nalang. What's you up to Miss Kyril?

"Hey thank you for saving me Miss sexy!" sumipol pa ako.

Misha's POV

Gagong yun, hindi man lang nag pasalamat, hindi na nga ako na satisfied sa away namin ni Ville hindi niya pa ako pinasalamatan.

Imbis na ako yung magalit sakanya, dahil sa kapabayaan niya kaya siya ang napag tripang gawing bitag ni Ville binaliktad niya pa ang mga tanong ko sakanya.

Attorney nga siya, ang easy niya lang baliktarin ang lahat, wala akong magawa kundi ang umalis nalang sa harapan niya.

"Hey! thank you for saving me Miss Sexy!" simipol pa ito.

Lumingon naman ako sakanya, hindi ito nakaharap saakin pero may mga ngiti pa ang labi niya.

Umirap nalang ako at pinagpatuloy ang paglalakad, parami ng parami na nga ang tao dito sa resort at wala akong kaalam alam kung bakit.

Snow White and the Poisonous Apple ✔Where stories live. Discover now