#Chapter27

665 5 0
                                    

#Chapter27

Misha's POV

"Just don't burn this house kuya" sabi ko nito, napatingin naman silang dalawa saakin, umupo na lamang ako sa dinning chair at tumingin sakanila.

"You know the machines that connected to your body a while ago? konektado yun kila Belle, probably they're panicking right now." Kuya Ashton.

Napansin ko nga kanina bago ako lumabas ng kwarto ko may pinag tatanggal pa ako, hindi ko naman malaman kung bakit may mga ganon now I know.

"Let them, by the way kaninong bahay to?"

"Granny's House why? ngayon ka lang ba nakapunta dito?"

"Obviously yes, ngayon lang ako sa tanang buhay kong nakatungtong sa Pilipinas so ngayon lang nga ako nakapunta dito"

"Tsk by the way may blessings na siya saakin" inakbayan niya pa si JM na ngayon katatapos lang mag handa, hihintayin nalang maluto yung kanin at adobo.

"Blessings?" kunot noo nitong tanong kay kuya.

"Dahil binuhay mo ulit ang kapatid ko! sayo na siya!"

"Gago ka kuya! hindi ako gamit! and I told you, gising na ako nung nag dadrama ka palang!"

"Ah basta I like him to you"

"Edi kayo ang magsama" umirap naman ako sakanila.

"Sinabi ko na ba sayo na masungit lang yan sa una?" narinig kong sabi ng kuya ko.

"Masungit talaga yan saakin"

"Kailan ka ulit naging malambing Misha?"

"A-aray" nag iinarte kong sabi, pinag kakaisahan nila ako at mga gago sila, ilalagay ko talaga sa isip ko na hindi ito pwedeng magsama si kuya at JM, may nagiging kakampi na ang gago!

Hinawakan ko naman ang tiyan ko habang iniinda kuno yung sakit, naramdaman ko naman ang paglapit saakin ni Kuya kaya napangiti nalang ako. Tanga padin siya kahit kailan.

"Okay ka lang? dapat hindi ka nalang bumaba" Nag hila pa ito ng upuan at umupo sa tabi ko, pinaharap niya naman ako sakanya.

Ngumisi naman ako at agad sinipa ang upuan niya kaya tumilapon palayo saakin si Kuya, ngumisi naman ako sakanya agad siyang nilapitan at pinatungan ko ang ng isang tuhod ko ang binti niyang may tama ng baril, ngumiti naman ako ng napakatamis.

"Ngayon po ako huling naging malambing kuya" malambing kong sabi sakanya, nakita ko naman ang sakit sa pag mumukha niya.

"Dudugo yan! ugh! gago!" umayos naman ako ng tayo at humarap kay JM.

"Ikaw gusto mong maranasan ang pagiging malambing ko?"

Bago ko pa marinig ang sasabihin ni JM naramdaman ko nalang ang pagkapulupot ng braso ng kuya ko.

Hinawakan ko namn ang braso niya at pwersang binalibag siya. Umirap naman ako sakanya at hindi ko pinansin ang mga ungol niya dahil sa sakit.

"Misha!"

JM's POV

Nakita ko naman ang pag dudugo ng tiyan niya pagkatapos niyang ibalibag ang kapatid niya.

"Misha!"

Agad din naman akong lumapit sakanya nang mawalan siya ng malay, kinarga ko ito, dumiretso sa sala at dahan dahan siyang nilatag sa sofa.

Tititigan ko pa sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng mansin. Napatingin naman ako dito at sinabihan silang wag mag ingay.

Lumabas naman si Ashton sa kusina at napatingin din sa pintuan habang iniinda ang sakit ng pagkabalibag ni Misha sakanya.

"Anong nangyari dito? bakit flatline na yung mga makina?" tinuro naman ni Ashton ang kapatid na walang malay.

"Binalibag siya" tinuro ko naman si Ashton, nakita ko ang pagkagulat ng mga pinsan niya.

"Hindi ako magugulat kung binalibag niya ang kapatid niya pero magugulat ako pano siya nagising" Belle

Lumapit naman si Voltaire kay Misha at tinignan nito kung okay na, ginamot pa nga niya ang nag dudugo nitong tiyan.

"Hinalikan ni JM!" sigaw ni Ashton na nag palaki sa mga mata ko at napatingin ako sa gawi niya.

Gago naniniwala ba siya don!? sinabi na ni Misha na gising na siya bago ko pa siya hinalikan! hindi ko naman akalaing kalalaking tao alam na alam ang mga fairytale.

Nakaturo pa ito saakin, kaya napakurap ako ng ilang beses bago ako bumalik sa katinuan ko.

Napatingin naman ako sa mga pinsan niya pero nakakunot lang ang mga noo nitong nakatingin kay Ashton.

"Totoo! tignan niyo pa ang cctv!"

Agad naman kinuha ni Belle yung phone niya at may tinitignan, may cctv nga sa buong lugar at nasa phone lang ito na Belle nakakonekta?

"Ano pumasok sa isip niyo?" Alice

"Ang sabi ni Misha, gising na daw siya bago ko siya hinalikan"

"Yun naman pala, anong akala mo Ashton totoo ang Snow White? na pag mahalikan siya ng isang prinsipe ay magigising na siya?"

"Totoo naman eh! ayan nga oh nagising na binalibag pa nga ako!"

"She's okay now, nawalan lang ng malay dahil nabinat ito pero any moment magigising na yan"

"Ano yung naamoy ko?" Alice

Lumaki naman ang mga mata ko, nakalimotan kong may niluluto pala ako!, agad naman akong tumakbo papunta sa kusina at inoff yung stove.

Muntik ng ma overcooked buti nalang naamoy ni Alice hahaha.

Babalik na sana ako kay Misha nang makita ko ang mag pipinsan na sumunod pala saakin.

"Manghuhula ka ba?" kumunot naman ang noo kong nakatingin kay Belle.

"Kagagaling lang namin ni Alice sa kompanya kaya hindi pa kami kumakain!"

"Ako din!" Alexander

"Ako din galing pa ako ng hospital nang tawagan ako ng asawa ko" Voltaire

"Hoy! kay Misha yun! lagot kayo pag nagising yun ulit tapos wala yung nirequest niya!"

"Okay lang, mag luluto nalang ulit ako?" patanong kong sabi at ngumiti sa mga pinsan ni Misha.

Hinanda ko naman ang mga pagkain tapos si Belle yung nag handa ng mga gagamitin nila pangkain. Buti nalang marami rami itong niluto ko.

Sumabay naman si Ashton sa pagkain nila kaya umalis muna ako at pinuntahan si Misha.

"Iniwanan na kita ng pagkain mo Misha, aalis na ako" ngumiti naman ako at tinitigan muna siya ng ilang segundo bago ako nag desisyon na bumalik sa kusina upang mag paalam.

"Ashton, aalis na ako, may iniba ako para kay Misha, nasa oven yun"

"Hindi ka ba kakain?"

"Hindi na, may nag hihintay saakin sa bahay" ngumiti naman ako sakanya, naalala ko pala yung kapatid ko hindi pa naman ako nag paalam sakanya na gagabihin ako.

"May asawa ka na!?"

"Hahaha wala kapatid ko"

Nagpaalam na din ako sa mga mag pipinsan na tapos na palang kumain at nag uusap usap nalang tungkol sa mga bagay bagay.

Snow White and the Poisonous Apple ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon