#Chapter28

656 7 0
                                    

#Chapter28

Misha's POV

"Wala ka ba talagang planong sabihin yan kay JM?" napatingin naman ako kay kuya Ashton.

It's been four years? I think?

"Don't you dare kuya, this is just an accident but I love Masha" napatingin naman ulit ako sa harap ko, napangiti nalang ako.

Gagong yun ang galing galing palang mag shoot! hindi man lang ako sinabihan. Pano nga ba ako sasabihan non? pareho kaming lasing nung mga panahon na yun.

"May karapatan padin si JM niyan"

"Wala kuya, pag sinabi kong wala talagang wala."

Pagkagising na pagkagising ko noon, agad din akong umalis non madaling araw, yun na din ang huli naming pagkikita dalawa.

Bumalik ako dito sa Spain ng walang problema, bumalik ako sa dati kong buhay, pero natigil din ang lahat dahil sa mga symptoms na nangyayari saakin.

Nag aalala ang mga magulang ko saakin noon kaya pinacheck up nila ako at doon namin nalaman kung bakit ako nag hahanap ng mansanas palagi which is hindi naman talaga ako kumakain non dahil nga yun sa poisonous apple signature ko pero kumain padin ako.

Tapos kung bakit sumusuka umagang umaga at yung pagiging mailap ko sa mga ibang pagkain kahit sa kapatid ko naging mailap ako non dahil ayaw na ayaw ko yung baho niya.

Tinanggap naman ng mga magulang ko ang nangyari saakin, pero yung mga kaibigan ko parang hindi makapaniwala sa nangyari saakin. Kahit itong kapatid ko ayaw na ayaw, inalam niya pa kung nakikipag sex ako kahit kanino dito sa bansa para lang mapatay ko yung mga target.

Nagawa ko kasi yan noon, pero hindi pumunta sa puntong nahubad ako ng mga nagiging target ko noon kaya natanong yun ng kapatid ko sinabi ko wala kahit ang humawak saakin hindi yun nangyari.

Pero naalala ko yung nangyari saamin ni JM pati ako nagulat.

"Anak niya padin yan Misha"

Pagkatapos kong manganak ay pina dna namin si Masha at JM, kumuha ng sample si Kuya Ashton kay JM sa Pilipinas at tama nga ang hinala namin, si Masha nga yung naging bunga ng pagkalasing namin dalawa.

"Mommy, I'm hungry" lumapit naman si Masha saakin at niyakap ang binti ko.

"Gutom ka baby? ano gusto mong kainin?" si Kuya Ashton ang kumuha kay Masha kinarga niya ito at nag usap sila.

Malaki na si Masha, 3 years old na ang bata at kitang kita ko sakanya yung ilong at mata manang mana kay JM.

Bakit ko nga ba hindi sinabi kay JM? natatakot ako, not thr fact na natatakot akong hindi niya tanggapin si Masha pero natatakot akong matali sakanya.

Sinabihan ako ng mga magulang ko, hindi maganda sa imahe ng mga Kyril ang pagkakabuntis ko ng walang nanagot, dapat kong puntahan si JM at magpakasal kaming dalawa.

Kahit ganito ako, mahalaga din saakin ang kasal, ayokong makasal sa hindi ko mahal, hindi nga ako nag boboyfriend ng hindi ko gusto! hindi ko mahal si JM, hindi bunga si Masha sa pagmamahal, bunga lang yan ng kalasingan namin pareho.

Hindi ko nga tinurong na kaibigan ang lalaking yun dahil alam kong hindi na ulit ako babalik sa bansang yun, walang kwenta ang pakikipag kaibigan ko don.

Bumuntong hininga nalang ako at hinayaan ang kapatid kong dahil si Masha sa kusina.

Pinalabas nalang sa lahat na anak si Missy ng mga magulang ko pero sa kasulatan pangalan ko ang nakalagay, dala dala niya ngayon ang apilyedo ko hindi kay JM.

Snow White and the Poisonous Apple ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon