#Chapter9

1K 11 0
                                    

#Chapter9

JM's POV

Nagising naman ako sa hindi pamilyar na kwarto, napabuntong hininga na lang ako at nilagay ang braso ko sa noo ko at pinikit ulit ang mga mata ko.

Fvck did I just sex with someone again?

Tumayo na lamang ako at hinayaan ang sariling nakahubad papuntang cr.

Pagkatapos kong maligo, sinuot ko ulit yung damit kong suot kagabi, wala namang nawala saakin kahit piso.

Nag ring naman ang phone ko kaya tinignan ko kung sino ito.

"Grey"

"Asan ka?"

"Ikaw ang asan"

"Fvck masakit ulo ko kagigising ko lang"

"Yeah? paalis na ako ng hotel gonna go"

"Expected"

Sa pag bukas ko ng pinto bumukas din ang kaharap kong hotel room, kumunot naman ang noo ko.

"Andiyan ka pa ba Justin Mark Flix?"

"I'm infront of you sucker" binaba ko naman ang tawag.

Halatang kagigising niya nga lang talaga at una niyang ginawa sa pag bangon niya ay ang mag suot ng damit.

Tumingin naman ito saakin, ngumiti naman ito saakin at inakbayan ako.

"Fresh mo ah? masarap siguro kaya fresh ka"

"You look like a victim of gang bang Grey!"

Agad niya naman tinanggal ang pagkakaakbay saakin at inayos ang sarili niya.

Siya ang naunang nawala kagabi tinangay na siguro ng babae niya kagabi which is tama ako. Kaya siguro nasa iisang hotel lang kami dahil ito ang pinakamalapit na hotel sa bar.

"Okay na ba? fresh na ba ako tulad mo?"

"Hindi" tipid kong sabi, totoo naman, naligo kaya ako bago umalis hindi tulad niya na nag bihis lang at aalis na.

"Tsk"

"Libre ka naman ng breakfast" sabi niya.

"Nabubuhay ka ba sa libre Grey? kasi sa pagkakaalam ko ako nagbayad ng ininom mo kagabi"

"Oh sige libre ko nalang" nag mamaktol na sabi niya, umiling nalang ako.

Ibang iba kami sa naging propisyon namin, kung titignan mo kami ngayon hindi mo aakalaing mga abogado kami, we're still single at ang babata pa namin kaya ganon nalang lage ang nangyayari sa tuwing nag babar kami.

Pero pag dating naman sa trabaho namin naging propresyonal kaming mga tao kaya hanggang wala kami sa trabaho ganito lang simple lang.

Dahil may fastfood chain naman sa harap ng hotel, Mcdo, doon na lamang kami kumain.

Oh well masarap naman dito why not.

"Ano ba nangyari JM?" pag oopen up niya ng kumakain na kami.

"Gusto mo bang sabihin ko sayo ang detalye?" inosente kong sabi at uminom ng kape.

"Try mo" sabi niya habang hindi ako tinitignan at patuloy lang itong kumakain.

"Inaya niya akong sumayaw pumayag naman ako, ginilingan niya naman ako tapos kinagat niya ang tenga ko na siyang nagpagising sa alaga ko." narinig ko naman ang pag ubo niya kaya kumunot naman ang noo ko, ininom niya naman ang tubig niya at sinamaan niya ako ng tingin.

"Ano?" tanong ko.

"Kailangan mo talagang sabihin?"

"Sabi mo eh" nag kibit balikat naman ako at pinagpatuloy nalang ang pagkain ko.

"Hindi yan ang sinasabi ko"

"Yun naman talaga ang nangyari saakin"

Natigilan naman kaming dalawa nang mag ring ang phone ko, kinuha ko ito sa bulsa ko nang makita ko sino ang tumatawag ay hinyaan ko na lamang ito sa mesa.

"Sino yan?"

"Si Nicole" tipid kong sabi.

"Sagotin mo ako na naman kasi gagambalain niyan."

Kukunin niya sana ang phone ko pero agad ko itong nadampot sa mesa at tama lang at tumigil na ito sa pag riring, sinilent ko naman ito para hindi ako makaagaw ng atensyon sa mga tao dito, tinago ko ulit ito sa bulsa ko.

"Bakit hindi mo sinagot? ako na naman gagambalain niyan eh!" reklamo niya.

Nicole is my ex girlfriend, actually napilitan lang akong maging mag kasintahan kami, high school kami nag kakakilala, nagkagusto ito saakin, binibigyan niya pa ako ng kung ano anong regalo noon tapos nung sinabi niya saakin na mahal na niya ako sinabihan ko siyang hindi ko siya type, hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya saakin.

Tumigil naman siya noon pero dumating yung araw na binantaan niya akong magpapakamatay siya kung hindi ko siya maging girlfriend, hindi naman ako naniwala noon pero nung magtatangka siyang tumalon ng building doon ako nagpaka super hero at hinayaan siyang maging girlfriend ko, siya pa nga nagpakalat noon sa school namin na kami na.

May mga nagtangkang lumapit saakin na mga babae noon pero kinakawawa niya noon kung sino man ang lalapit saakin, may mga kaibigan siyang tumutulong sa pag bubully sa mga babaeng binibiktima niya, sinasabihan ko naman siya pero hindi siya mag paawat nung minsan ngang pinagtatanggol ko yung naging biktima niya, mas nagalit siya harap harapan niyang dinumog ito.

Kaya nung mag college na ako, sobrang tuwa ko pa noon dahil hindi ko na siya makikita pa, dahil junior ko siya, naiwan siya doon. Nakipaghiwalay ako sakanya dahil sinabi kong sa state na ako mag aaral noon, lahat ginawa ko ng rason para lang mahiwalay sakanya.

Natagumpayan ko naman pero hindi padin siya tumigil kakasunod saakin, kung saan akong university nag aral andon din siya, hanggang ngayon na may mga sarili na kaming mga trabaho!

Sinusundan niya padin ako, kahit ang number ko alam na niya, at no use ang pag papalit ko ng number dahil malalalaman at malalaman niya din ito.

Tinatawagan niya ako araw araw pero araw araw ko din itong hindi sinasagot, binoblock ko nga number niya pero no use din dahil naghahanap talaga siya ng paraan para matawagan lang ako.

Para padin siyang girlfriend ko kung umasta, at nakakabaliw.

"Mag palit ka na ng number mo Grey"

"Tulad mo walang silbi dahil malalaman at malalaman niya padin ang number ko"

Naramdaman ko ulit ang pag vibrate ng phone ko sa loob ng bulsa ko hinayaan ko na lamang ito.

"Ano bang meron sayo at nababaliw ang babae sayo?" tanong ni Grey

"ewan ko at hindi ako masaya doon" busangot kong sabi, tinapos ko nalang ang pagkain ko.

Natigilan naman si Grey nang mag ring ang phone niya, bumuntong hininga naman ito at sinagot ang tawag.

"Nicole"

"Talaga? bakit?"

"Ah oo, okay wait"

binigay niya naman saakin ang phone niya na siyang nagpagulat saakin.

Nag kibit balikat naman ito, sinamaan ko siya ng tingin.

"Sagotin mo nalang JM" kinuha ko naman sakanya ang phone niya at bumuntong hininga din.

"Nicole"

"JM! bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?!" napangiwi naman ako nang marinig ko ang boses niya, nakita ko naman ang pag pigil ng tawa ni Grey, sinamaan ko ulit ng tingin.

"I don't have time"

"Kailangan pa talagang si Grey ang tawagan ko para lang makausap ka! asan ka ba! may nag sumbong saakin na nag check in ka sa isang hotel at may kasamang malanding babae!"

Napahilot naman ako sa sentido ko dahil sa haba ng lintaya niya.

Snow White and the Poisonous Apple ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon