#Chapter22

852 8 0
                                    

#Chapter22

3rd Person's POV

Masaya naman ang lahat ng dumalo sa kasiyahan ng pagtitipon ng mga Kyril.

Ang pag dating ni Nethon at kanyang mga magulang ay katulad din ng pagsalubong kay Misha, Ashton at ang kanilang mga magulang. Nakatuon lang ang atensyon ng lahat ng dumalo sa kasiyahan sa pamilyang bagong dating.

Katulad nila Misha, nasa ibang bansa din ito nakatira, at ngayon lang ito nakatungtong sa lupa ng Pilipinas. Lumaki si Nethon sa bansang Korea pero magaling din itong managalog.

Bumalik naman sa dating ingay ang buong paligid nang masali na ang bagong dating na Kyril sa mesa kung saan nang titipon ang mga Kyril.

"Tumigil ka na nga!" sa kabilang banda, sinusuway ni Misha si JM na tumigil na sa pag iinom ng alak, kanina pa sila umiinom pero tumigil na itong si Misha habang si JM hindi padin tumitigil.

"Alice, diba yun yung pinsan mo?" tanong ni Zyryl kay Alice na abala sa pag susungit ng kanilang bunsong anak.

Napatingin naman si Alice sa gawi ni Misha at JM, pag dating ni Misha ay hindi niya pa ito nakakausap sa personal.

"Oo bakit?"

"Sino yang kasama niya?"

"Mind your own business will you?" inirapan niya naman ang kanyang asawa.

"Nakausap ko na yang kasama ni Misha ngayon" singit naman ni Belle sa usapan, tumaas naman ang kilay ni Alice dahil don.

"Oh tapos?"

"Kaibigan niya daw yan, attorney nga eh"

"Hilig mo sa chismisan" Lumapit naman si Venice kay Alice at kinuha si Alicia sakanya, siya naman ang nag alaga sa dalawang pinsan at dalawang kapatid niya.

Napatingin naman si Alice sa kanyang nakakatandang kapatid na hanggang ngayon busy sa pakikipag usap sa mga ka usosyo niya sa larangan ng negosyo.

"Kailan kaya mag aasawa ang matandang yan?" tanong ni Alice na siyang umagaw sa atensyon ni Belle at sa mga asawa nila.

"It's my pleassure Mr. Frank" ngumiti naman itong si Alexander at nakipag kamayan sa kausap niya ngayon.

Sa pag alis ni Frank na siyang kausap ni Alexander ay siya namang lumapit ang secretary niya.

"Sir"

"Kumain ka na ba Kenna?"

"Not yet sir but I'm okay"

"Just set me an appointment to Flix company tapos kumain ka na, sumabay ka sa table nila Alice" turo niya naman sa nakakabata niyang kapatid na nakatingin sa gawi niya.

"Maliwanag?" tumango tango naman itong secretary niya at umalis sa harap niya.

Nag patuloy ang sayahan ng lahat..

Ang hindi alam ng lahat, may nag mamasid sa kaganapan, nakangiti pa ito habang tinitignan ang lahat.

"Sir" rinig niyang sabi mula sa ear piece na suot suot niya.

"Count until 20 moron then go"

"Inimini minimo" inisa isa niyang tinignan lahat ng Kyril.

"Who's first?" tanong niya sa sarili niya at tumigil ito sa gawi ni Nethon.

"My favorite" komento niya naman

Narinig niya naman ang pag sabi ng go ng nasa baba para sugodin ang nasa loob.

Ang kaninang maingay dahil sa kasiyahan ngayon naging maingay ito dahil sa takot, puro sigawan na ang lumalabas.

Ang kaninang abala na si Misha ay naagaw ang atensyon dahil sa putok ng baril, napatingin naman siya sa gawi ng kanyang pamilya.

Snow White and the Poisonous Apple ✔Where stories live. Discover now