#Chapter26

771 6 1
                                    

#Chapter26

JM's POV

Ilang araw na ang lumipas, nakauwi nalang si Nethon sa bansa niya, hindi padin nagigising si Misha.

Wala akong alam bakit ganon pero ang nakapagtataka ay bakit masyadong makalma lang ang mga pinsan niya at hindi tinatanong kung bakit hanggang ngayon hindi padin nagigising si Misha.

Nakauwi nalang si Nethon sa bansa niya, kahapon lang siya umuwi, sa pagkakaalam ko hindi pa masyadong magaling ang mga sugat niya pero kailangan niya na daw umuwi kasi may importanteng press conference siya at hindi to pwedeng ipagliban muna yun lang ang nalalaman ko.

"Bakit parang wala ka atang trabaho ngayon JM?"

"Si Frank ang humahawak sa kompanya eh"

"Walang kasong hawak?"

"Wala, Walang sumunod kay Patron"

"Baka may humaharang kasi natalo mo ang kaso"

"Edi mas mabuti, mas matuonan ko ng pansin ang kompanya"

"Hindi naman sa kompanya ang atensyon mo! nasa babae gago, kaya ako na naman ginugulo ni Nicole"

Binibisita ko si Misha araw araw pero ganon padin ang bumubungad saakin,  walang malay na Misha.

Si Nicole ilang ulit na akong tinatawagan pero hindi ko ito sinasagot masyado siyang sakit saulo.

Naalala ko na naman yung na hospital ako, nakatulog na ako sa sofa non sa kwarto ni Misha pero ginising ako ni Voltaire at kailangan kong bumalik sa kwarto ko kasi may nag hahanap daw saakin.

Pagkapasok ko sa kwarto ko parang gustong gusto kong bumalik nalang sa kwarto ni Misha at mag kulong don kaysa sa nakita ko si Nicole ngayon.

Niyakap niya pa ako at umiyak sa harapan ko kesyo ganon ganito basta! nagiging feeling girlfriend ko na naman nung araw na yun.

Imbis na hindi pa ako lalabas, napilitan nalang akong mag discharged at hinatid ko siya sa bahay niya bago umuwi at bumalik sa hospital.

"Nga pala kamusta yung kaso ng tatay mo?"

"Wala padin akong mahanap na ebidensya"

"Pano ka makakahanap na wala ka ngang trabaho ngayon andon ka naman sa crush mo, para ka namang high school dude"

"Ayaw niyang mag paligaw! kahit andon ako nag hahanap padin ako ng pwedeng mag turo saakin kung sino ang pumatay sa tatay ko"

Simula nung nilipat si Misha sa mansyon ng lola niya, hindi kami nag kakaabotan ng pinsan niya sa tuwing bibisita ito si Ashton lang ang naabotan ko don.

Sinabihan niya pa ako nung tinawag ko siyang Aladdin, hinding hindi niya gustong tawagin siyang Aladdin ng kung sino man kaya Ashton na yung tawag ko sakanya.

Wala na akong ka alam alam sa mga nangyayari sa pamilya ni Misha, nung nilipat sila, kahit kay Misha, bumibisita man ako pero wala akong nalalaman na bago sakanila.

Hindi ko na din nakikita ang mga magulang ni Misha don sa Mansyon parang wala ngang tao don eh! masyadong mahigpit ang seguridad pero wala namang katao tao kaya nakapagtataka.

Sobrang tahimik ng lugar kahit pag hinga at pag lunok mo naririnig mo, kung hindi mo alam na may babaeng walang malay na nag tatago don di mo talaga malalaman, kahit ang mga nag babantay don hindi mo makikita.

Kahit ganon parang natatakot kang gumawa ng mali kahit maliit lang dahil parang hindi ka talaga lalabas ng buhay don.

Wala din akong nakikitang cctv camera pero pakiramdam ko meron ewan ko ba sa mansyon na yun.

Snow White and the Poisonous Apple ✔Where stories live. Discover now