#Chapter32

556 3 0
                                    

#Chapter32

JM's POV

Nagulat naman ako sa kinatatayuan ko sa pag biglang pag iyak ni Misha, agad ko naman itong nilapitan pero nginitian niyo lang ako.

"Maybe, it's time"

"Ha?"

"Alam mo bang bakit walang ama si Masha?" tumingin naman ito sa anak niya, kaya napatingin nalang din ako pero agad naman bumalik ang tingin ko sakanya.

Nakaluhod ako ngayon sa harapan niya at tinititigan siya habang nakatitig ito sa anak niya, tumutulo padin ang luha niya pero pinupunasan niya naman ito.

"Hindi dahil takot akong kunin niya saakin ang anak ko, I can do everything para hindi niya makuha ang anak ko sakin, yes he have a rights to my child but he have no rights to take my child away from me, magkakamatayan nalang siguro hinding hindi ko hahayaang kunin niya ang anak ko sakin"

"Misha, no one can take Masha from you I promise that, poprotektahan ko kayo kung gusto mo" ngumiti naman ako, napatingin naman si Misha saakin na parang may sinasabi gamit ang mga titig niya saakin pero hindi ko ito maintindihan.

"Really? you're not going to take Masha away from me?"

"Yes" nagugulohan man ako sa tanong niya pero sinagot ko ito.

"Ang totoong kinatatakotan ko lang ay ayaw kong makulong sa isang taong hindi ko naman gusto, I can introduce Masha to her father but I can't give her a complete family like she wanted, like what my parents wanted for us, I am selfish? dahil sarili ko lang iniisip ko?"

"You know JM, you're a shooter"

"huh?" gulo kong tanong sakanya.

"Just don't take Masha away from me and please, nag mamakaawa ako sayong tulongan mo kong awatin ang mga magulang ko, ipakasal tayo"

"Teka ano? ikasal tayo?" napatayo naman ako bigla, kaya tumingala si Misha saakin at bumuntong hininga.

"Yes, my parents want us to get married JM"

"fck? I like you Misha but I'm sorry wala pa sa plano ko ang magpatali, I can't"

"Yes, thank you for rejecting me, please help me"

"Teka ano nga bang rason bakit gusto ng mga magulang mong ikasal tayo? Ashton never told me about this and I know your parents won't do that decision without a reason"

"Masha is the reason Jm"

"Masha? how come Masha is the reason Misha?" natigilan naman ako at napatingin sa batang sobrang himbing ng tulog ngayon sa kama niya, yakap pa nito ang unan niya.

"don't tell me" bigla kong naalala ang mga sinabi saakin ni Ashton.

"Nga pala muntik ko ng makalimutan Happy Fathers' day" nakangisi nitong sabi saakin.

"Hindi ako tatay para batiin mo niyan"
"Tatay ka na kaya! Hahaha"

"Matagal na akong tigang Ash, at wala pa namang lumalapit saakin at sabihan ako na panagutan ko sila, safety first"

At pumasok sa isip ko ang pag uusap namin ni Misha nung una naming pagkikita muli.

May problema nga ako sa kasal thingy ngayon, I can't deny that pero trust me, single ako, walang girlfriend walang anak, unless may lalapit saakin at sabihin na may anak ako sakanya"

"Bakit pag meron ba pananagutan mo?"

"It depends baka pinapa angkin lang saakin yun"

"What if sayo talaga?"

"Edi pananagutan ko"

"That's good to hear"

"Yes JM, it's yours, she's your daughter, I'm sorry"

Napaluhod nalang ako ulit sa harap ni Misha, nakayuko na ito at hindi niya ako tinitignan.

"W-what?"

"I can introduce you to Masha as her father JM, ikaw ang ama niya"

"Hindi ibang lalaki?" nakita ko naman ang pagkagulat niya sa tinanong ko, wala akong balita sakanya simula ng umalis ito ng bansa baka may naging boyfriend siya don at may nangyari sakanila.

"Ano ba tingin mo saakin?"

"No I mean, Okay I'm sorry, wala akong alam Misha simula nung umalis ka"

"Hindi ako nakikipag sex sa ibang lalaki Jm!"

"Oh really?" tanong ko pero sampal lang yung natanggap ko sakanya.

Hindi nga ba siya nakikipag sex sa ibang lalaki? kasi ibang lalaki din ako noon pero may nangyari saamin.

"If you can't believe me then it's okay, hindi kita kailangan JM, hindi ka kailangan ni Masha, kung hindi mo siya tanggap so be it, just don't mingle in ourlives please, umalis ka na"

Nakalimutan nga niya noon na may nangyari saamin, no I mean nakita niya akong gising sa tabi niya at kapwa kami hubo't hubad pero hindi niya naaalala ang nangyari saamin, baka ganon din nangyari sa Spain.

I like her but this is too much, kaya ko namang tanggapin si Masha kahit hindi ako yung ama, pero wag niya naman sanang sabihin na akin yan, kahit hindi pa siguradong akin yan.

Sabi ng mga matatanda, nakakaramdam ng lukso ng dugo ang mga magulang sa mga anak nila pero hindi ko yun naramdaman nang makita ko si Masha, komportable lang naman ako sa anak niya pero hindi ibig sabihin non anak ko na talaga so Masha.

"Leave, umalis ka na sa kwarto ng anak ko no I mean umalis ka nalang din sa buhay namin, ayokong makita ang pag mumukha mo JM umalis ka na, I loathed you so much right now, kaya kong tanggapin ang pag ayaw mo sa gustong mangyari ng mga magulang ko pero hindi ko kayang marinig na ayaw mo sa bata"

Napabalik nalang ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang paghila saakin ni Misha, huli na bago ako makapag react dahil naisara na niya ang pinto, bubuksan ko sana ulit ito pero nakalock na.

"fck"

"What the fck? ano ba ang nangyayari?" ginulo ko nalang ang buhok ko at umalis nalang sa harap ng pinto ng kwarto ni Misha at Masha.

Naalala ko yung sinabi saakin ni Misha na nasa pool area lang sila, kaya dumiretso na ako don, nakita ko pang nag uusap ang mga mag asawa at sila Alexander at Ashton.

Natigil naman si Ashton at Alexander at tinatanong ako gamit lang ang mga mata nila. Huminga naman ako ng malalim at umupo na din sa bakanteng pweste, katabi lang kay Ashton, kinuha ko naman ang bote ng iniinom nilang alak at tinongga ito pero inagaw lang ito ni Ashton saakin at tinitigan ako.

Ginulo ko ulit ang buhok ko at napatingin sakanilang lahat.

"Fck what did just happen?" wala sa sariling tanong ko sakanila, nakakunot namana ng mga noo nila saakin.

"May anak ba talaga ako?" mahina kong daing sakanila, pero tahimik na malamig na gabi lang ang sumagot sa tanong ko.

Snow White and the Poisonous Apple ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon