#Chapter21

862 12 0
                                    

#Chapter21

JM's POV

Nakatulog si Misha sa tabi ko nung bumabyahe kami pauwi ng manila, hinayaan ko na itong sumandal sa balikat ko.

Pag gising ko nung umaga pagkatapos ng frolic totoong wala akong maalala pero unti unti naman itong pinaalala saakin, hindi na ako nagulat na magising sa isang kama at may katabing babae pero ang nakakagulat sa umagang yun si Misha yung katabi ko, naka yakap pa ito saakin habang inuunan ang braso ko tapos nakayakap din ako sakanya.

Nagising nalang ako non dahil sa pag tulak niya saakin, napatawa naman ako ng mahina dahil nakikita ko na naman sa imahenasyon ko ang pag mumukha ni Misha na gulat na gulat nong umagang yun.

Hinayaan ko nalang na iwasan ako ni Misha, sa katunayan siya lang yung babaeng yung umiwas saakin pagkatapos ng mangyari.

Napangiti naman ako nang sumandal ito sa balikat ko pero pandanlian lamang yun dahil mabilis lang yung byahe namin.

Pag lapag na pag lapag ng private jet, humiwalay naman ako sakanila ng daan dahil si Frank yung kukuha saakin sa airport.

Binalitaan naman ako ni Frank na imbitado kami sa mangyayaring reunion ng mga Kyril, hindi ko alam pano nangyari yun basta nakatanggap nalang daw si Frank ng invitation at mismong si Alexander Kyril pa ang nag hatid nito, tinanong naman ito ni Frank pero ang sinagot sakanya napag tripan lang daw kaming imbitahan ni Alexander.

Nakahanda na nga ang lahat, ang susuotin naming dalawa ni Frank, kulang nalang ang mag attend kami at ito nga kami ngayon nakikihalubilo sa mga businessman.

Ngayon kausap ko ngayon si Alexander.

"I'm so grateful when you invite me with this reunion party Alexender pero hindi mo mawawala saakin ang kuryusidad kung bakit mo kami inimbitahan, sorry but I don't take your excuses na binigay mo sa sekretarya ko" ngumiti naman ako sakanya, tumawa naman ito ng mahina habang nilalaro ang basong hawak niya, umiling iling pa ito.

"I don't get it, how come naging kaibigan ka ng isang Kyril" kumunot naman ang noo ko sakanya, ngumiti naman ito saakin.

"Sorry what? wala akong kaibigan na Kyril"

"Poor cousin she's been denied"

"Hindi nga ako kaibigan ni Misha eh hindi niya ako trinatong kaibigan so why bother?"

"Someone reported me na mag kasama kayong dalawa sa Davao, hindi ba pagiging kaibigan yung magkasama kayo? sumama ka pa nga sakanya, and! magkasama kayong umuwi dito"

"Because Eric offer me though"

"Tell me something about her, and her stay there"

"Wag mo ng alamin hindi naman masyadong interesado ang nangyari don" ininom ko naman ang wine ko.

Nilibot ko naman ang paningin ko, nakikita ko ngayon an mga may ari ng mga malalaking kompanya, Kyril is indeed powerful.

Nakita ko naman si Frank na may kausap na isang businessman, hinayaan ko na lamang ito at nilibot ulit ang paningin.

Masyadong elegante ang party nato, wala ka din namang makikitang mga nanggugulo dahil nga puro malalaking tao ang imbitado dito.

Nakita ko si Eric may mga kausap itong mga lalaki, nag tatawanan pa sila.

"Stop roaming your eyes Flix, she's still at the mansion"

Napatingin naman ako kay Alexander pero ang atensyon nito wala saakin kundi nasa nilalaro niyang baso.

"Hindi ko siya hinahanap" tipid kong sabi.

Nakita ko naman si Alice may kasamang bata.

"Alice Kyril Hilgen and Investigator Zyryl Hilgen! with their daughter Alicia Hilgen and son Zyros Hilgen!" sigaw ng nasa tabi ng pintoan, nakita ko naman ang pag ngiwi ng mukha ni Alice dahil sa pag anunsyo na andito na sila, lahat ng atensyon nasa kanila.

Snow White and the Poisonous Apple ✔Where stories live. Discover now