#Chapter13

975 13 0
                                    

#Chapter13

Misha's POV

Dahil pagabi na hinayaan ko na lamang siya sa gusto niya pero sa cabin niya mismo siya magluluto.

Masyado na ata siyang sinuswerte kung sa cabin ko pa ito magluluto.

"Can I borrow your laptop?" lumingon naman ito saakin, tinuro niya yung kama niya

"Side bed table" tumango na lang ako at sinunod siya, agad ko naman ito nakita.

Binuksan ko ito, binuksan ko yung email ko at sunod sunod namang lumabas ang mga bagong email.

Lumabas na muna ako kasama ang laptop ni JM at umupo sa upuan, may upuan at mesa kasi dito sa labas ng cabin.

Isa isa ko itong binasa, ang nakakarami lang talaga ay si Kuya.

May bagong email na dating, napangiti naman ako dahil sa nag padala.

Sinabi ko bang wala akong kaibigan? wala nga akong kaibigan pero may pitong lalaking mahilig gulohin ang buhay ko, they are not my friends, kapatid ang turing ko sakanila.

From: klyde.tan@gmail.com
To: misha kyril
Mishaaaaa baby! can't contact you, 너 니?

To: klyde.tan@gmail.com
From: misha kyril
skype

Binuksan ko naman ang skype ko, agad naman tumawag si Klyde kaya sinagot ko ito.

Pero hindi lang pala si Klyde ang makakausap ko ngayong gabi.

"Mishaaa"

"Baby!"

"Where the fvck are you?"

"Hey!"

"Misha love! sama mo sana ako diyaaaan"

"Snow!"

"Wife"

Napangiwi naman ako nang tawagin nila ako lalo na si Eric ang panghuli, kaya napagkakamalan ako minsang may asawa o may boyfriend dahil sa mga tawag nila saakin.

Nung elementary ako sila nakilala, hindi ko alam pano basta ang alam ko bigla nalang silang lumapit saakin at dahil di naman nawawala yung bully kahit saan ka pa mapadpad sa mundong to, isa din ako sa biktima noon nung bata pa ako, alam ko pano lumaban pero dahil uto uto ako noong bata pa ako na sinabihan ako ng teacher ko na masama daw manakit kaya ayun, na bully ako at itong pito ang nag protekta saakin.

Hanggang sa may kanya kanya na silang trabaho, hindi na nawala saakin.

Kaya sinasabi kong wala akong kaibigan dahil hindi ko naman sila kaibigan eh, mga kapatid ko sila at mga alalay nalang din.

Kung sa totoo kong kuya nagiging alalay niya ako, dito sa pitong to nagiging prinsesa ako.

"Asan ka?" Hanse

"Secret, sundan niyo palang ako"

"Talagang susundan kita Wife!" Eric

"Stop calling me that Eric"

Hindi ko alam bakit nahihirapan padin akong intindihin ang tagalog pag mabilis silang mag salita na sa katunayan, napapalibotan ako ng mga pitong fluent sa Filipino tapos sa bahay pa puro Pilipino ang mga katulong at tagalog lang yung lenggwaheng dapat gamitin don.

"May kasama ka diyang lalaki no?" Keanu

"Bakit?"

"Bakit hindi kita ma kontak Misha? ha?" Troy

"Asan ba kayo? ang gugulo niyo"

Nag kibit balikat naman silang lahat.

"I miss you baby" Klyde

"Yeah we miss you, hindi ka man lang nag paaalam na aalis ka" Charles

"Love, pasalubong ah?" Vince

"Bakit alam niyong umalis ako?"

"Pumunta kaya ako sainyo tapos sabi ni mama wala ka na don, pumunta ka daw sa Pilipinas, hindi mo man lang kami sinama eh" Eric

Yes nakiki mama at papa na din silang pito sa magulang ko, ganon din naman kasi ako sa mga magulang ko, at hindi ko yun kagustohan, kagustohan yun ng mga magulang nila na tawagin ko silang mommy, daddy o kahit ano pang tawag sa magulang.

"Pupunta kami diyan ngayong sunday ata or saturday?" Troy

"Bakit? don't tell me you already track my location?!"

"No silly hahaha, invited kami sa reunion eh" Charles sabay taas sa invitition niya, kumunot naman ang noo ko dahil doon.

"Kyril ba kayo?"

"Hindi pero mama explained to us why we are invited" Vincent

"Now I'm curious tell me"

"Uhm" Dent

"Sabi saamin na hindi lang Kyril ang andon kahit yung mga kaibigan daw o basta may malaking connection sa Kyril invited" Klyde

"Masyado naman atang effort si kuya para mapabalik ako sa kung saan man siya ngayon"

"They even paid our trips and our accommodation" Hanse

"Ofcourse alam kong don lang kayo sa Kyril Hotel titira pang samantala" sabay ikot sa mata ko

"Hindi ba kayo magkasama ni Kuya Aladdin wife?"

"Hindi, gagawin niya lang akong alalay dito"

"San ka pala ngayon love?" Vince

"Nope! I won't tell you all"

"May plano ka namang mag pakita sa reunion right baby?" Klyde

Nagkibit balikat naman ako sa kanila.

Sa totoo lang wala pa akong plano dahil ngayon ko lang din ito nabalitaan.

Siguro sa ilang araw kong mag stay dito makapag isip isip pa siguro ako kung ano gagawin ko.

"Magpakita ka"

"Di ko pa alam dahil si Kuya Alexander at si Kuya Aladdin ang nag plano non for sure para yun mapilitan akong mag pakita and yun ang role niyo ang pilitin akong mag pakita"

"Hindi ko alam basta mag pakita ka don"

"Pag iisipan ko muna, mag papakita man ako don edi masaya kung hindi edi hindi na ako makakalabas sa bansang to hahaha"

"Magpakita ka nalang para sabay tayong uuwi"

"Bakit pag nagpakita ba ako sa kuya ko hahayaan na niya akong umalis? I don't think so lalo na ngayon na banned akong lumabas ng bansa"

"We can help?"

"You can? are you sure? hahaha even Alice and Belle my cousins can't help me with this banned thingy"

"Edi mag pakita ka nalang yun lang siguro ang solusyon sa problema mo"

"Siguro, malalaman niyo lang ang desisyon ko kung makikita niyo ako don"

Wala talaga akong choice no? my brother is also a Kyril, kayang gawin ang lahat para lang makuha ang gusto! kaya ito ako, kapatid niya mismo ang nag hihirap dahil sa kagagohan niyang magpakita ako.

Alam ko naman pag nag pakita ako sa kanya gagawin niya na naman akong alipin, isusumbong ko talaga siya kay mama.

"Sasabay kami kay mama pupunta diyan wife"

Sila mama? tama uuwi yun.

"Okay may plano na ako, mag papakita na ako don, but please shut the fvck your mouth about this okay? kahit sa magulang ko!"

"Okay!" sabay sabay nilang sabi na may mga ngiti pa sa labi.

"Snow tapos na akong mag luto kain na tayo?" naagaw naman ang atensyon ko sa pinto ng cabin ni JM, lumabas doon si JM na may apron pang suot.

"Who's that wife?"

Snow White and the Poisonous Apple ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon