#Chapter33

584 5 0
                                    

#Chapter33

JM's POV

"Dude" rinig kong tawag ni Ashton, nanghihina akong tumingin sakanya pagkatapos non ay nilibot ko ang paningin, wala na pala ang mga pinsan nila Misha at mga asawa nito.

"Ilang minuto ba akong lutang?" malumay kong tanong kay Ashton. Kaming tatlo nalang yung naiwan dito.

Hindi ko na napansin na umalis na pala sila Alice.

"Isang oras na" tipid nitong tanong saakin at ininom ang alak na nasa baso niya.

"Naubos mo na nga yan" turo naman ni Alexander sa hawak kong bote.

"Sabihin niyo saakin"

"Ang alin?"

"Na may anak ako? akin ba talaga yun?"

"Gago ka, sarap mong upakan sa tanong mo"

"May pruweba kami JM na anak mo si Masha" kalmang sabi ni Alexander saakin.

"Ano ba na tingin kapatid ko? kahit sino ang pumapasok?"

"May nangyari saamin noon kahit hindi pa kami masyadong magkakilala, what do you expect?"

"Gago JM! ang alak sa tiyan nilalagay hindi sa utak!" kwenilyohan na ako ni Ashton, kitang kita ko sakanya ang galit niya.

Hinding hindi ko yun maiisip kung walang nangyari saamin ni Misha noon sa Summer Frolic, hindi pa kami masyadong magkakilala pero may nangyari saamin at iba malasing si Misha.

"Ano ba kumalma ka nga Ashton lasing yang kausap mo" Alexander

Lasing nga ba ako? ang tino tino ko pang mag isip ngayon, parang walang epekto saakin ang alak ngayon.

"Mapapatunayan kong anak mo ang pamangkin ko JM" madiing sabi ni Ashton at binitawan niya naman ako, bumuntong hininga nalang ako.

"Kaya ba? kaya ba kung bumati ka saakin ng Fathers' Day parang may anak talaga ako?"

"Yes, because you really indeed have a daughter fvcker, you're a great shooter"

"Sir" naagaw naman ang atensyon namin na bagong dating lang.

"Gina, pasensya ka na kung naabala kita" ang secretary pala ni Ashton, ano ba ginagawa niya dito?

"Ito na po yung pinadala niyo sir, wala yun sir trabaho ko naman po eh" ngumiti naman ito at may binigay na papeles kay Ashton.

Binagsak naman ni Ashton sa harap ko yung dinala ng secretary niya, tinitigan ko lang yung folder nito at hindi ko ginalaw. Ano ba gagawin ko? may ipapatrabaho ba si Ashton saakin? at talagang ngayon pa? may iniisip pa ako.

"Bakit hindi mo buksan yan JM?" tanong naman ni Alexander na ngayong nakatingin lang saakin, busy pa pakikipag usap si Ashton sa secretary niya.

Bumuntong hininga naman ako at binuksan ko yung folder at kinuha yung unang pahina, binasa ko ito.

DNA Test Result...

Akin at kay Masha and it's positive, agad ko naman kinuha ang isa pang papel, ang dami kong binasa pa pero iisa lang ang ibig sabihin non.

Anak ko nga si Masha.

Napatayo naman ako pero biglang akong nahilo at napaupo nalang ulit sa upuan ko.

"fck" mahinang mura ko, kailangan kong puntahan si Misha, kailangan kong puntahan yung anak ko.

Kailangan kong humingi ng tawad sakanya kung bakit ko yun nagawa.

Kailangan kong humingi ng tawad kay Misha bakit ko yun natanong sakanya.
"Alam mo na?" napatingin naman ako kay Ashton na kararating lang, di ko alam san siya pumunta.

"Kailangan kong puntahan ang mag ina ko"

"No they're resting fcker, pinuntahan ko ang kapatid ko pero tulog na siya at alam mo bang may luha pa yung mata niya? ang gago mo din pala JM, botong boto pa naman ako sayo sa kapatid ko pero sa ginawa mo ngayon, sarap kalimutan ang pagiging mag kaibigan natin at gusto kitang patayin nalang"

"Ashton" pagtawag ni Alexander sakanya.

"Sa tuwing uuwi ako ng Espanya, palagi kong kinukulit si Misha na sabihin sayo at nung bumalik siya dito ako mismo nag hanap ng paraan para lang makilala mo yung anak mo, wala akong pakialam kung magalit man saakin si Misha ang gusto ko lang bigyan ng ama yung pamangkin ko pero gago ka pala"

"Itigil niyo na yan, matulog na kayo" narinig ko sabi ng isang babae sa likodan ko, lumingon naman ako don at nakita ko si Alice, lumapit pa ito saamin.

Hindi pa pala ito umuuwi? o dito sila matutulog?

"Matulog na kayo, tulog na yung mga tao sa loob ng bahay kayo nalang ang hindi pa, wag niyo ng pauuwiin si JM, patulogin niyo nalang dito"

"No ako mag hahatid sakanya"

"Dito na patulogin Ashton" matigas naman na sabi ni Alice.

"Gusto mong makilala ng pamangkin mo ang ama niya diba? hayaan mong bumawi si JM sa anak niya at kay Misha Ash, lahat naman tayo nag kakamali"

Ang gulo ng isip ko ngayon, kahit anong pag intindi ko magulo talaga, wala man lang akong naintindihan, yung mag ina ko lang ang iniisip ko ngayon.

Pano nga ba ako babawi kay Misha? alam ko naman na masakit yung sinabi ko sakanya.

Dahil sa mga pruwebang nakita ko ngayon, naniniwala akong anak ko talaga si Masha.

"I feel bad na hindi ko man lang na tunghayan ang paglobo ng tiyan ni Misha, hindi ko man lang naranasan ang mag hirap habang nag bubuntis siya" matabang kong sabi, wala na akong pakialam sino man ang nakarinig sa sinabi ko.

"Hindi ko man lang narinig ang unang iyak ng anak ko, hindi ko man lang natunghayang lumaki si Masha"

"Halika ka na, wag ka ng mag drama gago" napatingin naman ako kay Ashton na ngayon nakangiti na.

Ewan ko ba minsan napapatanong nalang ako, may sakit ba to sa pag iisip ang gagong to? tulad nalang kanina.

Galit na galit ito saakin tapos ngayon nginingitian na niya ako.

"San tayo?" pwede ko munang masilip si Masha?"

"Yeah whatever dude, bukas nalang tayo mag usap ng matino"

Inalalayan niya naman ako papasok sa bahay nila, hindi paman ako masyadong lasing nahihilo lang ako.

Kanina nung nagsama kaming mga lalaki, nag inoman kami at wala pa akong kain non tapos nung andito na kami, nilagok ko yung alak na nakita ko kanina.

"Ingatan mo pamangkin ko, mahal ko yun lalo na yung kapatid ko. Sige na pumasok ka na. Magdahan dahan ka diyan, natutulog na yung mag ina mo"

"Mag ina ko" ngumiti naman ako ng mapait, ang sarap sa tenga pero hindi naman akin si Misha.

Umalis naman sa harap ko si Ashton, kaya pumasok na ako sa kwarto.

Nakita ko nga si Misha na yakap yakap yung anak namin at natutulog sila.

Dahan dahan naman akong lumapit sakanila.

"Misha, I'm sorry" napatingin naman ako sa anak ko tumulo nalang ang mga luha ko habang tinititigan siyang natutulog ng mahimbing.

"Masama akong klaseng daddy baby, hindi ko man lang naramdaman na anak kita"

Snow White and the Poisonous Apple ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon