Chapter 4

11.4K 369 1
                                    

"Karaoke Night, Julie? Yuck!"

Maarteng naitikwas ni Charo ang kanyang mga daliri sa deklarasyon ng kanyang kaibigan sa theme ng birthday party nito. Noon pa niya alam na guilty pleasure ng babae ang mag-karaoke pero para gawing theme iyon ng party nito ay sobra-sobra na. Hindi niya ma-take!

"It's my birthday, Charo."

"Oh, please!" tili niya. "How many times do I have to tell you to call me by my nickname? It's Venice."

Tinawanan lang siya ng kanyang kaibigan. Pasalamat ito at best friend niya ito kaya hindi na siya nagtaray pa. How she hated her name. She didn't look like a Charo at all. She really looked more like a "Venice." Siya ang nag-imbento ng palayaw na iyon at pilit pinagamit sa lahat ng kanyang kakilala. Pero sa isang tulad ni Julie na kaklase niya mula kindergarten ay mahirap nang palitan ang katawagan sa kanya.

"Let's make it a masquerade ball instead. I'll provide the venue."

"Puwede ba, Charo? Birthday ko ito. Mas baduy ka sa masquerade ball na sinasabi mo."

"We'll do it with taste! Unlike Karakoke Night, no matter how hard we try we cannot give it class."

"Shut up!"

"I'll give you an Hermes if you drop the Karaoke Night theme."

Biglang natigil ito sa pagtataray at hinarap siya. "Not a Birkin though."

"Of course not a Birkin. So you're dropping karaoke night?"

"Of course!" Ang lakas ng tawa nito, tuwang-tuwa. May isang taon at kalahati na ang nagdaan mula nang tigilan nito ang pagbili ng mga mamahaling bag sapagkat pinutol na ng ama nito ang allowance nito. Katwiran ng ama nito ay beinte-otso na ito ay wala pang trabaho at ayaw ding tumulong sa kompanya kaya putol ang allowance nito. Thankfully, her father was not as cruel as Julie's.

"You're birthday's coming up, too," anito sa kanya.

"Oh, yes, I really want to ask dad for my own plane." Itinirik nito ang mga mata. "What's wrong with that? He can afford it. He already has two. Ayoko lang na nakikipag-agawan ako sa kanya at sa alalay niya ng schedule ng eroplano. I'm busy a girl, too, you know. And the last time I flew commercial I lost my iPad."

"I wish I had your life."

Hindi siya kumibo. Higit na mayaman ang kanyang ama kumpara sa ama ni Julie. Ang kanyang ama ay nagmamay-ari ng mataas na commercial building sa Makati, maging sa Ortigas at Cebu. Nangunguna rin ang kanilang kompanya sa real estate companies ng bansa. Marami silang pag-aaring subdivision at condo tower. Marami ring iba pang negosyo ang kanyang ama. Mayroon itong conglomerate. She was a daughter of a billionaire. She deserved to have her own private jet.

Noon nag-ring ang kanyang cellphone at nang mabasa ang pangalan doon ng ama ay agad niya iyong sinagot.

"Daddy, how's the trip?" Alam niyang galing itong Singapore kung saan mayroon itong inaayos na negosyo.

"It's fine. I want to talk to you, hija."

"Of course! I'll see you in an hour." Binalingan niya si Julie. "That's Daddy. I have a feeling we're going to talk about his birthday present for me." Taun-taon ay tinatanong siya ng matanda kung ano ang gusto niyang regalo at lahat ng iyon ay ibinibigay nito sa kanya.

Bata pa lamang siya ay madalas na nitong sinasabi sa kanya na siya ang suwerte sa buhay nito. Mahal na mahal siya ng Daddy niya at kahit maaga siyang naulila sa ina ay hindi niya iyon nadama. Pinunan ng kanyang ama ang lahat ng pangangailangan niya. Oh, she loved her father to bits.

Ang sabi ng kanyang ama sa kanya, ang kanyang ina raw ay pumanaw noong siya ay isilang. Sampung taon na siya nang una niyang makita ang larawan ng kanyang ina. Ang sabi ng kanyang ama ay nasunog daw ang lahat ng mga larawan ng mga ito sa dati nilang bahay at nakita lamang nito ang larawang iyon na naitago pala nito at nahalungkat lamang kamakailan. Bridal portrait iyon. Naka-wedding gown ang kanyang ina sa larawan at napakaganda nito. Hiling niyang sana ay nakilala niya ito ngunit sadyang sapat na rin sa kanya ang pagmamahal ng kanyang ama.

Hinagkan niya ang pisngi ng kaibigan at umalis na sa bahay nito, sakay ng kanyang Jaguar na minamaneho ng isang bodyguard. Mayroon silang convoy na dalawang SUV. Nakasanayan na niya ang ganoong set-up bata pa lang siya. It was the price to pay for being born rich.

Nang makauwi ay agad niyang hinanap ang ama na natagpuan niya sa library. Ngiting-ngiti siya ngunit napansin niyang humumpak ang pisngi nito, malaki ang ipinayat gayong tatlong linggo lamang itong nawala.

"Daddy, you lost so much weight." Agad na napuno siya ng pag-aalala.

"Sit down, hija."

Hindi maalis ang pag-aalala niya. "What happened to you?"

Bumuntong-hininga ito at naupo sa couch. Lalo nang tumindi ang pagkabahala niya. The old man looked drained. Maging ang mga braso nito ay pumayat, lumaylay ang balat doon.

"Hija, I'm sick."

"W-with...?"

"The big C."

Agad siyang napaiyak. "Please tell me you're kidding, Daddy."

"Unfortunately, I'm not."

Agad niya itong nilapitan at niyakap. "Don't worry, Dad, I'm gonna stay beside you, take care of you, until you get better. You will get better. I promise you that."

Hinaplos nito ang kanyang buhok. "Hija, nag-aalala ako para sa 'yo. Napakalaking kompanya ang iiwan ko."

"Daddy, please! You are not leaving anything. You're just not. You'll live forever." Ni minsan ay hindi dumapo sa isip niya ang posibilidad na iyon. Marahil dahil bata pa lamang siya ay hindi na niya nakitaan ang lalaki ng kahinaan. He was fearless. Para sa kanya ay kaya nitong gawin ang kahit na ano. He was larger than life. He was better than Superman. He was the father any person would want to have. He was perfect. He was great.

And no, he cannot die.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now