Chapter 35

10.3K 348 3
                                    

NANG magising si Charo na madilim na madilim ang paligid at malakas ang hampas ng ulan sa pader ng bahay ay saglit siyang nag-alala. Brownout at mukhang nagtuloy na ang bagyo. Babangon sana siya upang maghanap ng tanglaw ngunit bumukas ang pinto at nakita niya ang bulto ni Iñigo.

Nagkunwari siyang tulog. Nadama niyang naupo ito sa kanyang kama. Mayamaya ay tinabihan siya nito ng higa at niyakap siya. Pinabayaan niya ang kanyang sariling damhin ang init nito hanggang sa madama niya ang paghalik nito sa kanyang batok. Gumalaw siya, umaktong nagising na.

"A-ano'ng ginagawa mo rito?"

Hinigit nito ang kanyang kamay at napahiga siyang muli. Idinantay nito ang mga binti sa binti niya, niyakap siya nang mahigpit. Nakaharap siya rito. Isang pulgada lang ang pagitan ng kanilang mga mukha.

"Don't tell me to let you go. I will not."

"W-why are you doing this?"

"I'm trying to prove something, honey." Hinagkan siya nito. Nang maglapat ang kanilang mga labi ay intensiyon niyang itulak ito ngunit iba ang halik na iyon sa inasahan niya. Punung-puno iyon ng pagsuyo. It was the kind of kiss she needed, it soothed her, calmed her.

At marahil malaking kahangalan sapagkat tumugon siya rito. O marahil iyon ang pinakatamang gawin niya, dahil huli na iyon. Anong masama kung pagbibigyan niya ang puso niya sa huling pagkakataon? Nanatiling masuyo at banayad ang mga labi nito, nagbibigay at hindi mapaghanap. Nalulunod siya roon, umaapaw ang emosyon sa puso niya. Matagal bago niya malilimot ang halik na iyon, batid niya. O baka hindi niya malilimutan kahit kailan.

Hinaplos nito ang kanyang mukha pagdaka. "Exactly my point, honey."

"W-what?"

"Alejo is not giving you what you need."

"And you are?"

"You doubt it? Tell me what you need."

Ibig niyang mainis sa sarili niya dahil gusto niyang maluha sa biglang hapdi sa puso niya. Laro pa rin ito para sa lalaki. Ang hiling na lamang niya ay matuto itong magpatawad at makalimot, sa gayon ay magkaroon ng kapayapaan ang isip at puso nito. Kung hindi ay darating ang panahon na wala na itong matatagpuang kasiyahan sa kahit na anong aspeto ng buhay nito.

"There's only one thing I need, Iñigo. I need some peace of mind and I will never have it with you around."

Bigla itong lumayo sa kanya at tumayo. "And you're happy with Alejo?"

"I'm happy starting over!"

Tuluy-tuloy na itong lumabas sa silid at sa katahimikan ay pilit niyang pinalis ang lungkot na bumalot sa puso niya. Mahirap palang piping humihiling na makasama pa ang isang taong hindi niya makakasundo kailanman. Mahirap na iba ang gusto ng puso at iba ang gusto ng isip.

Kung malalaman ni Iñigo kung gaano niya ito kamahal, marahil maiisip nitong sapat na ang naging pagganti nito. Anuman ang mangyari, sa kabila ng lahat, marahil hindi niya babaguhin ang sitwasyon. Naunawaan niya sa mga sandaling iyon na sa kabila ng sakit, ang mga panahong asawa niya si Iñigo ang pinakamasasayang araw sa buhay niya.

That jerk---that royal jerk---would always be the first man she ever loved and what they had, although brief and fake, was very special to her. Wala na siyang pakialam kahit siya lang ang nagmahal. Ang alam niyang totoo, naging masaya siya sa piling nito. Hindi niya iyon kayang itanggi. Marahil iyon ang siyang pinakamalaking dahilan kung bakit mahihirapan siyang kalimutan ito.

Kinabukasan ay maliwanag na ang kalangitan. Tumawag siya sa airline at nagpa-reserve na ng ticket. Alas-otso ng umaga ay nakahanda na siyang umalis at hinanap nasi Tiyang Lening.

"O, bakit nakaempake ka na? Akala ko ba'y nagkasundo na tayong hindi ka muna uuwi?" tanong ng matanda.

Napangiti tuloy siya. "Kailangan po ako ni Dad, Tita. S-si Iñigo po?"

"Nasa itaas pa. Dito lang iyon kung magising ay tanghali na. Saglit at tatawagin ko lang."

Kinakabahan siyang makita muli ang lalaki ngunit kailangan niyang magpaalam rito. Ngunit nabale-wala ang kanyang kaba nang muling bumaba si Tiya Lening.

"Naku, eh, natutulog pa. Hayaan mo't sasabihin ko na lang na lumakad na."

Alam niya sa puso niya na hindi natutulog pa si Iñigo. Alam niyang kung natutulog man ito ay ginising ito ng matanda at nagpasya ang lalaking huwag na siyang harapin. And it hurt. It was too bad because she wanted to see him one last time.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now