Chapter 17

8.5K 307 6
                                    

NAPALUHA si Charo habang naglalakad patungo sa altar. Animo siya nakalutang sa ere. Dahil sa sitwasyon ay hindi niya naisip na magiging ganito ang damdamin niya sa araw ng kanyang kasal ngunit heto siya, handang mapaiyak anumang oras. Para bang nauunawaan niya sa bawat paghakbang na sa kabila ng lahat ay ito pala ang kanyang pangarap. She wouldn't change this even if she had a chance.

Ang kanyang ama ay nakatingin sa kanya. Huli na para pigilan nito ang mga luha. Sa katunayan ay kanina pa pana yang punas nito sa mga mata at pisngi. Naroon ito sa gitna ng aisle, napakatikas sa kabila ng sakit nito at edad, suot ang tuxedo nito. Nang abutin nito ang kanyang kamay ay pinunas niya ng mga mata nito.

"I'm happy, Daddy."

"I know, hija. I know. He will take care of you."

"I'm sure of it, Dad. We made the right choice."

Ihinatid na siya nito hanggang sa altar at saka nito niyakap si Iñigo. "You had better take care of him."

"Rest assured, Dad, I will," tugon ni Iñigo.

He heart melted, seeing the two men she cared for the most treat her like she was the most precious thing in the world. Nabiyayaan siya ng mga taong labis na nagmamahal sa kanya at para roon ay nag-uumapaw ang pasasalamat niya sa Diyos. Sigurado siya, mayroon nang pagtingin sa kanya si Iñigo sapagkat hindi maaaring itrato siya ng ganoon ng isang taong walang nadaramang pagmamahal sa kanya. Tila ba siya ang pinakamahalagang tao sa buhay nito. Marahil ay totoo rin iyon sapagkat ulila na ito at wala na ni isang kamag-anak itong nabubuhay.

At ang seremonyang ilang ulit na niyang narinig sa kasal ng iba niyang mga kaibigan, at inakala niyang magiging tulad din ng sa iba, ay ibang-iba bigla sa kanyang sistema. Damang-dama niya iyon. Kahit ang offertory, ang mga hymno, at ang bawat sinasabi ng pari ay damang-dama niya.

"May the Lord grant you fullness of years, so that you may reap the harvest of a good life and after you have served him with loyalty in His kingdom on earth, may He take you up into His eternal dominions in heaven," anang pari.

"Amen," sambit niya. Nilingon niya si Iñigo. Bahagya itong nakayuko, nakakuyom ang mga kamao. Ibig niyang mabasa kung ano ang saloobin nito bigla. Ibig niyang makita ang mukha nito, mabasa kung ano ang damdamin nito kung maaari.

"And may the Almighty God bless you all, the Father, the Son, and the Holy Spirit. The mass is ended, go in peace," patuloy ng pari.

"Forgive me, God," sambit ni Iñigo sa mahinang tinig ngunit dahil katabi siya nito ay narinig niya iyon. Nabigla siya. Nanatili siyang nakatingin dito.

Nagpatuloy ang pari. "May I now present Mister and Mrs. Iñigo and Charo Valdez. Iñigo, you may now kiss the bride."

Titig na titig siya sa mga mata nito. Hindi niya mabasa kung ano ang nakasulat sa mga iyon.

"W-why did you ask for forgiveness?" sambit niya, nalilito. Binalot ng masamang kutob ang kanyang puso. Isang pakiramdam na tila nagbabadya ng trahedya.

"What?" tanong nito, bahagyang kumunot ang noo.

"You asked God to forgive you, w-why?"

"I did not. Why would I do that?"

He made perfect sense and yet she couldn't make herself believe it. Narinig niya ito, malinaw. O totoo nga bang iyon ang kanyang narinig? Hindi masasabing tahimik ang simbahan, bukod pa sa emosyonal siya sa mga sandaling iyon. Ngayon ay hindi siya isang-daang porsiyentong siguradong tama ang kanyang pagkakarinig dito.

"They are waiting for our kiss, honey," anito, ngumiti.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nadama niya ang mga labi nito sa kanya. Agad na nalimot niya ang mga isipin. Nagkamali siya ng dinig at iyon lamang iyon. Ang matamis na halik ng kanyang asawa ay nagpakalma sa kanyang puso. Ngumiti siya rito. Hinaplos nito ang kanyang mukha.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now