Chapter 14

8.3K 295 6
                                    

"We're the only people here," puna ni Charo pagpasok sa lugar. Marahil dapat alam na niya iyon sapagkat pamosong events venue ang kanilang pinuntahan. Mayroong isang mesa sa gitna ng bulwagan, may dalawang upuan. Kung bakit kabadong-kabado siya.

"I know. This is where we'll get married. I decided to take you here. Ayokong sa araw ng kasal lang tayo kakain dito."

Magkakasunod ang kanyang naging paglunok sapagkat una ay naisip niyang mainis dito---hindi nito itinanong sa kanya kung okay lang sa kanya ang venue na iyon, kahit pa nga iyon na rin ang naiisip niyang venue. Ibig niyang magreklamo rito, ituloy ang kanilang munting giyera, ngunit sa huli ay mas na-touch siya sa gesture nito kaya mas pinili niyang tumahimik na lang.

The man rented that place for the night. Marahil iyon na ang pinakamahal nia hapunang matitikman niya dahil sa renta nito sa venue. Napatingin siya rito. Bigla ay ibig niya itong tanungin kung bakit nito ginawa iyon, ngunit sa huli ay naisip niyang huwag nang masyadong maging mapanita rito. Sanay naman siyang itinuturing ng prinsesa, ganoon lamang ang ginawa ng lalaki.

"Do you like the place?"

"Yes. I have an appointment tomorrow with the event stylist and he's going to transform this place into something that would fit our theme."

"Oh, we have a theme?"

Defensive agad siya. "Are you going to object?"

Tumawa ito. "Of course not. It's going to be your day. Your wish is my command. So what's our theme?"

"The nineteen twenties. I want the celebration to fit my gown."

"The whole celebration would be based on your gown."

Hindi niya nagustuhan ang tono nito bagaman nang tingnan niya ito ay nakita niyang nakangiti naman ito. Tumango siya. Nagsimula na silang kumain. Hayun at nagsimula na naman silang ma-tense, lalo na at sa tuwing titingin siya rito ay nakikita niyang nakatingin lang sa kanya at hindi ito nag-iiwas ng tingin.

"You are very lovely, Charo."

"Call me Venice."

"I like Charo better."

Sa kauna-unahang pagkakataon ay na-appreciate niya bigla ang pangalan niya. Naunawaan niyang sa kabila ng kanyang pagkainis at pagkatensiyon at masaya siyang makasama ang lalaking ito. Naunawaan niyang ibig niya itong makilala. At naunawaan niyang tama si Julie sa pagsasabing interesanteng tao si Iñigo. Nai-imagine niya ang mga panahong lilipas sa buhay nila. This man would never bore her, she was sure.

Matapos kumain ay tinanong siya nito tungkol sa inisyal niyang ideya sa lugar na iyon para sa araw ng kanilang kasal. She had long dreamed of her wedding day and so she was ready for an answer.

"I will not hold a live dove in my hands so you can forget about that. The cake cutting ceremony would be fantastic though. The cake would stand here. Eight feet tall, all edible, with flowers from top to bottom. It's going to be made of fondant, chocolate flavored with tons of walnuts. The orchestra would be there. I want a big orchestra, too. For the real party, I'm going to hire a DJ to spin that night."

"Great."

Bahagya siyang natigilan at nilingon ito. Hindi nila napag-usapan ang budget. Alam niyang may sinabi rin naman ang lalaki ngunit ito ay empleyado lamang nila. Hindi niya rin alam kung magkano ang suweldo nito. Sa pagkakaalam niya sa cake ng kaibigan niya noong ikinasal ito ay umabot ng kulang dalawang-daang libo at hindi pa iyon kasing-taas ng gusto niya.

"I think D-Daddy is going to pay for the wedding?"

Ngumiti ito at itinaas ang kanyang mukha. "I will pay for the wedding."

"Oh. Oh... Well, I'm okay with a smaller cake, really. We'll just sit it on top of a tall table---" Natigil ang kanyang pagsasalita nang tumawa ito. "W-what?"

"That's a very nice gesture but don't worry your pretty head over the expenses. I will take care of it. You deserve the wedding of your dreams. What else would you like?"

Napangiti siya. "A lot of things. Don't worry, you'll get the bills." Muli itong tumawa. "Seriously though, don't be embarrassed to tell me if you think I'm going overboard. I tend to do that."

"I said don't worry."

Naging sapat na iyon sa kanya. He was not so bad after all. Marahil ay sadyang hindi lamang sila nagkasundo noong una. Ngunit ngayon naman ay mukhang nagkakasundo na sila nito. Masaya siya. Hindi rin niya gustong makipagtalo nang walang puknat sa lalaking pakakasalan niya. Nakakapagod ang ganoon.

Patuloy siya sa paglalarawan dito ng kung ano ang magiging hitsura ng kanilang kasal. "This is where we'll have our first dance. This is also where my father and I would dance. Ah, he's a great dancer. You should see him dance."

"I have."

"You adore my father. I know it."

"Of course. I think he's the best."

Ngumiti siyang muli rito at muling nagpatuloy sa paglalarawan. She can go on and on about it forever. Mayamaya ay hinawakan nito ang kanyang kamay at agad siyang napatingin sa mukha nito. Titig na titig ito sa kanya at ang kanyang puso ay biglang nag-tumbling. Inilapit nito ang kamay niya sa labi nito upang hagkan, saka hinaplos ang kanyang pisngi.

"I can't wait to have you as my wife."

Her heart swelled.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now