Chapter 31

9.1K 329 3
                                    

"Oh, my God..." sambit ni Charo nang matapos maglahad ang kanyang ama. "B-But Iñigo's Aunt said he saw everything. Paano nangyari 'yon, Dad?"

"He was hiding under the bed. He told me so. Ang akala niya ako ang pumatay kay Diego. I saw in his eyes he would never believe me."

"I-if you didn't kill his father then why are you letting him get everything?"

"It's money from the blood of many. Ayoko nang lumaban, hija. Wala na akong lakas. Wala na rin akong panahon. Ang mahalaga sa akin ay ikaw. At mayroong natira sa 'yo. Kailangan mong pagyamanin. Kailangan mong matuto. Dahil hindi natin alam kung hanggang kailan na lang ang buhay ko."

Napahagulgol siya. Hinawakan nito ang palad niya.

"Can you forgive me, anak?"

"Of course. You've changed, Daddy. 'Yon ang mahalaga."

"There's something else." Napatingin siya rito. "Y-you are not my real daughter."

"W-what?"

"Noong gabing iniligtas ako ni Diego sa pier, doon kita nakita. You were an infant. Kinupkop kita at inalagaan na parang tunay kong anak."

"W-what?" ulit niya, nagigimbal sa rebelasyon nito.

"Naisip kong walang buting maidudulot kung hahanapin ko ang totoong magulang mo kung iniwan ka na nila doon. Pero dumating ako sa puntong kailangan kong malaman. Your mother's name is Beatrice Atilio. She's from the town of Pelaez. All the details are in an envelope in my vault. You know the combination."

Nakatulala lamang siya rito. Tumutulo ang mga luha niya at maging ang mga luha nito. "How could you not tell me, Daddy?"

"I'm sorry."

Tumalikod siya, nagtuloy sa opisina nito upang buksan ang vault at doon nga ay nakita niya ang mga impormasyon tungkol sa kanyang pinagmulan. Maging ang journal ng kanyang lola ay naroon at binasa rin niya iyon. Iyak lamang siya nang iyak hanggang sa dumilim na sa silid.

Bigla, pakiramdam niya ay hindi niya kilala ang sarili niya ngunit walang galit sa puso niya para sa kanyang kinilalang ama. Habang-buhay na ito ang magiging ama niya. Bumaba siya ng bahay at hinanap ito. She held his hand.

"It's okay, Daddy. You're right. We'll make it through. I love you, Daddy."

Umiyak ito at niyakap niya ito. Umaasa siyang bukas ay simula na ng mas magagandang araw sa buhay nilang dalawa.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now