Chapter 13

8.5K 276 5
                                    

"OH, MY GOD! That's the most beautiful gown I've ever seen!"

Napangiti si Charo sa reaksiyon ni Julie. Ipinakita niya rito ang traje ng kanyang ina. Marahil ang kagandahan niyon ay nasa maselang burda niyon sa piling lugar lamang. Simple lamang iyon kung tutuusin, ngunit hindi nakakasawang tingnan. Mula dibdib hanggang sa ibaba ng leeg ay mayroong maselang lace na mayroong lining. Mahaba ang lace niyong manggas, empire cut at mayroong maikling train na napakaganda ng pagkakaburda ng laylayan. Hindi iyon purong puti, kundi light champagne ang kulay. Nagpasya siyang ipa-alter ang ilang bahagi niyon para sa mas modernong panahon. Naroon sila sa paborito niyang couturier upang ipa-alter iyon. Ipapatanggal niya ang lining ng gown sa bandang leeg hanggang sa itaas ng dibdib, ngunit hindi ang lace. Ipapaalis din niya ang mga manggas niyon. Ang hindi niya babaguhin ay ang belo na base sa larawan ng kanyang ina ay batid niyang isusuot na tulad noong 1920's na hindi tatakip sa kanyang mukha at tila iyong kay Virgin Mary, lamang ay nakahulma sa kanyang noo at itaas na bahagi ng kanyang ulo na animo hairnet.

"Isukat mo!" ani Julie.

"Later," aniyang napabuntong-hininga, naupo sa tabi nito. Nakaismid na inabot niya rito ang kanyang flash disk. "Would you mind opening my email and send the file to my future husband?"

"Ano 'to?"

"My entourage list."

Kumunot ang noo nito bagaman tumalima. Matapos niyang maipasok ang password niya ay pinabayaan na niya ang kaibigang mag-email niyon sa lalaki sapagkat tutol pa rin ang pride niyang sumusunod siya sa habilin nito. Naisip lang niya kanina na kailangan nang maayos agad ang imbitasyon. Dapat nga ay nakapamigay na sila ng imbitasyon sa panahong iyon.

"Bakit nakanguso ka?" si Julie. Hinihintay pa nila ang couturier na mayroon pang kliyente. "Ano'ng email ni Iñigo?"

"Here," ipinasa niya rito ang cellphone. Pina-text lang niya iyon sa sekretarya ng kanyang ama. Nunca niya tawagan ang lalaking iyon para alamin ang email address nito. Man, she didn't even know anything about that jerk, except his name.

"Mukhang masama ang loob mo. LQ agad?"

"Oh, shut up, Julie! Paano ako matutuwa na magpapakasal ako sa isang taong ni hindi ko kilala?"

"Akala ko tanggap mo na 'yan? Besides, isn't he interesting enough to get to know? Isn't it more exciting this way? I've always dreamed of something like to happen to me. What's happening to you is my fantasy."

"Fantasy?" Tumikwas ang mga daliri niya. "Oh, please. Bakit mo gugustuhing magpakasal sa isang taong hindi mo kilala?"

"Na parang fun kilalanin. If he seems to be as boring as a rock I would be as gloomy as you but, honey, the man is a dream. He's so sexy!"

Nagkibit siya ng balikat. Paano niya itatanggi ang bagay na iyon? Nakaupo lang siya sa couch, nakapatong ang siko sa armrest, nakapatong ang mukha sa kamay. Panay ang buntong-hininga niya. Tahimik ang buhay niya ngunit biglang nagulo dahil sa lalaking iyon. Ni hindi niya alam kung nasaan ito ngayon. Nasa opisina ba ito? Kung bakit gusto niyang malaman.

Noon bumukas ang opisina ng couturier na agad siyang binase-beso. Halos hindi ito makapaniwala na ikakasal na siya. Nang banggitin niya ang pangalan ni Iñigo ay tumaas agad ang kilay nito.

"The Iñigo Valdez?"

"You know him?" takang tanong niya. Hindi siya aware na sikat ang lalaki.

"Of course! Pantasya siya ng mga kalahi ko at kalahi mo. Oh, well, he's getting married to you, I guess, he's no longer dating that rich girl from Cebu. I made a gown for her last year. Courtney Quijano."

Wala siyang kilalang babaeng ganoon ang pangalan ngunit mukhang kilala iyon ni Julie. "Oh, yeah!"

"Oh, yeah what?"

"Later. We came here for your gown, remember?"

Sukat doon ay naalala niya ang sadya sa mahusay na designer. Maging ito ay labis na humanga sa gown na inakala pa nito noong una na gawa ng ibang mahusay na designer. Nang inspeksiyunin na nito ang gown ay wala itong masabi sa kalidad ng pagkakatahi niyon.

"It's an honor, Venice. Ako mismo ang mag-a-alter nito." Nagkasundo sila kung kailan niya iyon kukunin at nagpaalam na rin dito. Pagkalabas na pagkalabas nila sa unit ng bading ay agad na niyang siniko si Julie.

"You know that Courtney?"

"I remembered! Siya 'yong kasama ni Iñigo noong nakita natin siya sa restaurant. Remember the woman with big breasts?"

"You mean uniboob?"

Ang lakas ng tawa ng babae. "Yeah, that's the one. The woman who couldn't have a cleavage even if she tried. There's simply no more space left between her breasts! It seems Iñigo likes women with big boobs. Who am I kidding? Men love women with big boobs!" Pinagmasdan nito ang dibdib niya. "You better pad those up."

"Puwede ba?!" Kung bakit bigla siyang napikon. May boobs siya, pero hindi kasing-laki ng kay Courtney. Pero wala siyang pakialam sa bagay na iyon. Hindi siya magpapa-impress kay Iñigo at lalong hindi niya kailangang palakihin ang boobs niya para sa kapakanan nito.

"Ang init agad ng ulo mo."

Pagdating kay Iñigo, talagang umiinit agad ang ulo niya. Nakasimangot na siya sa sasakyan at noon siya nakatanggap ng tawag mula sa lalaki.

"I received your email. Good girl."

"Shut up!"

"What?"

"I didn't do it because you asked me to. Ikaw lang ang in charge sa invitations saka dapat nakapamigay na tayo. Don't act as if you're the boss of me."

"Will you relax? Where are you? Would you like to have dinner with me tonight?"

Natigilan siya, hindi inaasahan ang pagyayaya nito. Hindi niya alam ang itutugon. Papayag ba siya?

"I d-don't know."

Tumawa ito. "You have to eat. I'll pick you up tonight."

"O-okay."

"See you later, gorgeous."

Bago pa siya nakatugon ay nawala na ito sa linya. Bigla niyang nakagat ang ibabang labi, hindi alam kung bakit bigla siyang kinikilig. Marahil ay talagang nababaliw na siya. Niyaya lang siyang maghapunan at tinawag lang siyang gorgeous, ganoon na ang reaksiyon niya.

"You're blushing," taas-kilay na puna ni Julie.

"It's n-nothing."

"Kausap mo pa lang siya sa phone, nagba-blush at pinagpapawisan ka na nang ganyan, paano pa sa honeymoon ninyo?"

"Oh, Julie!" piksing-saway niya. Ang lakas ng tawa nito.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now