Chapter 25

9.2K 334 22
                                    

Biglang sumasal ang dibdib niya. Alam ni Julie na hiwalay na sila ng lalaki at alam nito ang totoong nangyari. Tatlong buwan na niyang hindi nakikita si Iñigo at alam niyang makikita pa niya ito dahil sa mga plano niya ngunit hindi niya inaasahan na ngayon gabi niya ito makikita.

Paglingon niya ay hayun nga ito, kasama si Courtney. Mayroong gumuhit na hapdi sa kanyang puso. Yet another proof that he was fooling her from the very beginning. Nagtama ang kanilang mga mata. Pinagtaasan niya ito ng kilay, sa kabila ng puso niyang tila sasabog sa lakas ng pagtibok niyon.

Binulungan niya si Julie. "What's he doing here?"

"Ewan ko. Hindi naman 'yan invited."

Napabuga siya. Maraming invited sa party na iyon at malamang hindi lahat ay kilala ni Julie dahil kompanya nito ang tiyak nag-asikaso ng guest list. Maybe the two assholes made it to the list. Marahil hindi rin inaasahan ng dalawa na naroon siya at marahil aalis na ang mga ito. Ang kapal naman ng mukha ng mga ito kung hindi pa aalis kahit naroon siya at malinaw na sa kaibigan niya ang party na iyon.

Sumenyas sa bartender na nagsasalin ng tequila sa mga shot glass. Inabot nito ang isa sa kanya na agad niyang ininom saka humingi ng isa pa. "Can you throw them out, Julie?"

"Of course not! Courtney now works for Dresses and Tresses Magazine. Editor-at-large! Kaya siguro nandito."

"They're both assholes," aniya sabay lagok sa shot glass.

"I know. If she knew all along, why did she let him? Gold diggers."

Nagpaalam ang kanyang kaibigan na may aasikasuhin lang. Naiwan siya sa bar, pinag-iisipan nang umuwi kung hindi lang para sa kanya ay senyales iyon ng muling pagkatalo.

"How are you?"

Hayun ang puso niya, tinambol sa pagkarinig ng pamilyar na tinig ni Iñigo. Hindi siya nag-abalang harapin ito dahil natatakot siya sa magiging reaksiyon niya. He was very near she can smell his perfume.

"I'm not in the habit of talking with gold diggers," aniya.

"Considering you have no more gold for me to dig, I think you're safe," anito, may gana pang maging sarkastiko.

"You have all that money and still you date Unibreast. Oh, I better stay out of the rest rooms. I heard that's where pigs do it."

"Do you remember how we used to do it? It was wild, wasn't it?"

Bigla siyang napalunok, lalong bumilis ang tibok ng puso. Bakit kailangan pa nitong ipaalala sa kanya? Napasinghap na lamang siya nang madamang nasa likod na niya ito, ang mga kamay na ipinatong sa ibabaw ng bar, dahilan upang makulong siya sa mga bisig nito.

"I have a confession to make," bulong nito sa kanyang tainga. Nagtayuan ang balahibo niya sa katawan. "Every once in a while I remember you. Your perfect body, your smooth skin, the smell of you, the taste of your soft, warm, moist flesh and I crave for you."

Piping hiling niyang tumigil na ito. Hindi niya gusto ang kanyang nagiging reaksiyon. She was burning up with his mere words. How she hated herself that moment. Sa kabila ng lahat, heto ang reaksiyon niya. At hindi siya makapapayag na matalo sa labang iyon.

"I h-hate to break it to you, big boy---I f-faked it each time."

He softly laughed near her ear. "Liar."

Hinaplos nito ang kanyang balikat at bumaba ang mga kamay nito hanggang sa kanyang siko. Sana ay hindi na lang tube top ang isinuot niya kung nalaman lamang niyang gagawin nito iyon.

"Liar."

Siyempre ay hindi niya maikakaila ang goosebumps niya matapos iyon. Naglakas-loob siyang harapin ito. Pumihit siya. "So maybe I didn't fake it every time. Every once in a while I didn't. But now I cringe at the thought that I let you touch me. It's become my habit to scrub myself clean every time I remember. I feel filthy. Maybe you ought to feel the same. After all, what we did was a part of your plans. Every sexual act we shared had a price tag. Doesn't that make you feel like a male whore? How many women did you have to screw to get here? Didn't you use to live in poverty?"

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now