Chapter 15

8.7K 292 5
                                    

"I NEVER thought tasting cake would be this difficult." Sadyang namumbroblema si Charo at napatingin siya kay Iñigo nang bigla itong tumawa nang malakas. Napairap siya rito. "Well, it is very difficult to choose, honey!"

"Honey? Hmm, I like that," tila nanunudyong sabi nito.

Biglang nag-init ang kanyang mukha. Busted. Kusang lumabas ang endearment sa kanyang mga labi sapagkat iyon ang endearment na kusang itinawag niya rito sa isip niya, sa pagde-daydream niya tungkol sa kanilang dalawa. At kahit na ilang ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili na masyado pang maaga para mag-daydream tungkol dito ay natatagpuan na lamang niya ang kanyang sariling ito ang iniisip.

Mailalarawang-diwa niya ang mga eksenang laman silang dalawa nang walang babala. Madalas na magsisimula ang pagde-daydream niya pagkatapos nilang maikasal at nasa honeymoon na sila. Weird dahil hindi siya nagde-daydream tungkol sa mismong araw ng kanilang kasal na siyang normal siguro niyang dapat na nai-imagine, lalo na at bata pa lamang siya ay naiisip na niya kung anong kasal ang gusto niya.

Pero sa isip niya, tapos na ang yugtong iyon. Kasal na sila, nasa honeymoon at matapos ang mga eskena ng honeymoon ay eksena ng isang masayang pamilya naman ang nai-imagine niya, mga eskenang marahil pagtatawanan ni Julie dahil domestic na eksena ang mga iyon kung saan siya ang dakilang bida. Siya habang inaasikaso si Iñigo. Siya habang nasa bahay at nagbe-bake ng cake, inaayos ang damit ng kanyang asawa, nagtatanim sa isang organic garden ng mga herb na siya rin ang pipitas para isahog sa mga espesyal na lutuin na siya rin ang magluluto---kahit hindi siya marunong niyon. Sa pagde-daydream niya, siya ay isang Iron Chef.

And soon, in her mind, there would be kids inside their house, playing, calling her Mommy and calling Iñigo Daddy. And Iñigo would be the best father in the world. Their kids would adore him, and love all her baked goodies. She would take care of the house and the children and she would be happy every single day.

"Don't tease me, Iñigo," piksi niya, nag-iinit pa rin ang mukha.

Malakas ang tawa nito. "I said I like it."

Hindi na lamang siya umimik, bagaman napangiti na, nakagat ang ibabang labi. Tininidor niya ang isang flavor ng cake at isinubo rito.

"I like that one best. What do you think?"

"I think I want to kiss you," titig na titig na wika nito sa kanya. His breath smelled of cream and strawberries, like the cake.

"I w-want to kiss you too but this is not the time," pag-amin niya. Heck, she couldn't help herself anymore. Ano kung noong nakaraan lang ay inis na inis pa siya rito? Ang simpleng katotohanan ay ikakasal na sila at burado na rin ang masamang impresyon niya sa lalaking ito. Madaling gawin iyon, lalo na at unti-unti na niya itong nakikilala at unti-unti na niyang natutuklasan kung gaano ito ka-charming.

He was charming her little by little each minute. It wasn't her fault!

"Says who?" Iyon lang at inangkin na nito ang kanyang mga labi. Nang maghiwalay sila ay dinampian nito ng halik ang kanyang labi. "You blush like this all the time, love?"

"Only when you kiss me in front of my best friend, our wedding coordinator and our cake maker," nakairap niyang wika bagaman kilig na kilig siya. Obviously, nakatingin sa kanila ang ibang tao sa mesa, nakangiti ang mga ito na para bang kinikilig din. Sino bang babae ang hindi kikiligin kay Iñigo? Araw-araw ay naiisip niyang marahil napakaraming babae ang ibig makipagpalit ng posisyon sa kanya ngayon.

Her future husband was everything any woman would want. He was hardworking, the kind of person any parent would want for a son-in-law. Ito ay isang representasyon ng isang magandang buhay sa hinaharap dahil sadyang masipag ito, matalino, at mahusay na makisama sa mga tao. Sa panlabas ay wala ring babae ang hindi ito magugustuhan. And he was going to be her husband! It was no wonder Julie was always green with envy.

"I still can't decide," aniya. Mas lalo na siyang nahirapang pumili ng flavor ng cake ngayong laman ng isip niya ang labi ni Iñigo.

"Choose everything then. It's an eight-foot tall cake. I'm pretty sure we can have as many flavors as we want," si Iñigo.

"Of course. But do you prefer any flavor in particular for the layer you will slice for the cake cutting?" anang cake maker.

Do you have the flavor Iñigo's Lips? "The pistachio would do."

Pinapirmahan na sa kanila ang kontrata. Nang lingunin niya si Iñigo ay nakita niyang nakangiti ito sa kanya, tila naaaliw. Marahil ay wala itong ideya na ganoon kabusisi ang pagpaplano ng isang kasal. Akala niya noong una ay mabo-bore ito ngunit mukhang nag-e-enjoy naman ang lalaki. He liked her too, she can tell. Ang isang lalaking agad na nabo-bore sa isang babae ay malinaw na indikasyon na hindi nito gusto ang company ng kasama kabaligtaran ang ipinapakita nito.

"You seem to be enjoying this."

"I am enjoying my time with you."

"Are you really?"

Ngumiti ito, tila nanunudyo. "That's not obvious to you yet? I doubt it."

Napaingos siyang bigla. Inalalayan siya nitong makatayo sa upuan at nagpaalam na rin sila sa cake maker. Ang wedding coordinator naman ay nagpaalam na rin nang tiyaking wala na silang kailangan dito para sa araw na iyon.

"So where are you two love birds going?" si Julie.

"I don't know. Iñigo, are we going somewhere or are you taking me home na?"

"I have no other appointments this afternoon. Where do you want to go?"

"I know wherever it is you're planning to go I'm not wanted so I better see you guys some other time," paaman ni Julie na hinagkan ang kanyang pisngi, kasabay ng bulong, "Have you done it with him already?"

"Julie!"

"Well, you two are burning hot! I can feel it in my bones! Okay lang kung ayaw mong sabihin. Alam ko naman ang totoo."

Ngumiti siya kay Iñigo saka hinigit palayo ang kaibigan. "Ano ka ba? Mamaya marinig ka niya, nakakahiya naman. Wala pang nangyayari sa amin."

"Then I'll bet your honeymoon would be a blast. You have the glow of a woman in love, Charo. See? Ni hindi ka naiinis na Charo ang itinawag ko sa 'yo. Aside from the glow of love, you also have a glint of lust in your eyes."

"Julie!"

Tumawa ito. "It's true and, honey, it's all right. Anyone would understand. You are marrying one hot man; he's practically a walking penis---large, engorged and ready to shove deep."

"Julie!"

"Relax. Any woman would think twice before coming on to him. You have a reputation yourself---bitch on wheels. But I love you just the same, Charo."

Kinurot niya ang tagiliran nito. Tumawa lang ito, tumango kay Iñigo at hinagkan siya sa pisngi bago umalis. Nilapitan niya si Iñigo.

"So w-where to?" nautal na wika niya, nate-tense ngayong sila na lamang dalawa ang magkasama. Naitanong niya sa kanyang sarili kung darating kaya ang panahong hindi na siya mao-overwhelm sa lalaking ito. At hindi rin niya inasahan na darating ang panahong mao-overwhelm siya sa isang lalaki sa ganitong paraan.

"Anywhere the wife pleases."

May kilig siyang nadama sa pagtawag nito sa kanya noon. Nang mag-ring ang cellphone niya ay agad niya iyong sinagot, ang kanyang ama iyon, pinapapunta sila sa bahay.

"My father wants to see us."

"I can't believe he's soon going to be my father-in-law."

"He's the best. But I know you already know that."

"I know that."

Imahinasyon lang ba niya o sadyang mayroong dumaang galit sa mga mata nito? Bakit naman ito magagalit? Ah, marahil nasobrahan lang siya sa sugar kaya't naging masyadong hyper ang imahinasyon niya. Ikinawit na niya ang kamay sa nakalahad nitong braso. Feel na feel niyang maging Mrs. Valdez, hindi pa man.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now