Chapter 27

8.8K 312 6
                                    

AYON SA kawaksing nakausap ni Iñigo sa bahay nina Charo ay umalis daw ang babae kahapon at ang sabi ay tutungo sa Hong Kong. Hindi raw alam nito kung kailan babalik ang babae.

Hindi niya alam kung bakit gusto na naman niya itong makausap. Gusto niyang bigyang-diin dito na hindi ito maaaring lumabas kasama ang Alejo na iyon habang kasal silang dalawa. It made him mad. It was hurting his pride. Marahil dapat na pabayaan na lamang niya ang babae ngunit hindi niya magawa.

Her dating someone else was not something he could ignore. Pero sa ngayon, dahil wala ang babae sa bansa, ay kailangan muna niyang palipasin iyon. Gayunman ay tinawagan niya ang isa niyang kakilala upang alamin kung nasa labas din ba ng bansa si Alejo. Salamat sa balitang nasa Pilipinas lamang ang lalaki. Samakatuwid, hindi ito kasama ni Charo sa Hong Kong.

Nagtungo na siya sa paliparan upang umuwi sa Cebu. Hindi sinabi ng tiyahin niya kung bakit pinapauwi siya nito ngunit mukhang nagalit ito nang sabihin niyang hindi siya makakauwi kaya't heto siya ngayon. Hindi niya kayang tiisin ang matanda. Marahil ay naglalambing lang ito.

Makaraan ang kulang isang oras na biyahe sa eroplano ay nagtungo na siya sa baryo kung saan naroon ang farm ng tiyahin niya. Pagbukas na pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya. Kakuwentuhan ng tiyahin niya ang babaeng dapat ay nasa Hong Kong.

"Well, hello, my dear husband," anito.

Napalunok siya, hindi alam kung ano ang magiging reaksiyon, lalo na at kaharap ang tiyahin niya. Alam na ba ng matanda na anak si Charo ni Genaro? It would break his aunt's heart knowing he did not follow her advice all these years. At ang kanyang asawang magaling, hayun ay nakangisi sa kanya. The little witch!

"Nabigla ka, Iñigo?" ang tiyahin niya. "At akala mo siguro ay hindi ko na malalaman na nagpakasal kang hindi sinasabi sa akin?!"

Napayuko siya nang bahagya. Hindi siya kailanman sumagot sa matanda.

"Sumagot ka! Bakit hindi mo sinabi sa akin ito?"

Hindi niya nagawang sumagot. Nablangko ang isip niya. Damn the little witch and her fair and smooth legs. Naka-shorts lang ito, tila komportable na sa bahay ng tiyahin niya. She was mocking him with her stare.

"Tita, mabilisan nga po ang naging pagpapakasal namin sa huwes, tulad ng nabanggit ko sa inyo," anang babae, lumapit sa tiyahin niya at inabot ang kamay nito. "Two months pa lang po kaming kasal. Pangako po niya sa akin na ipapakilala daw po ako sa inyo. Baka po kaya lang hindi dumating ang panahong 'yon ay dahil... ayaw na niya sa akin."

Oh, he could strangle her lovely neck. May papahid-pahid pa ito sa mga mata na akala mo ay umiiyak talaga. Nabibigla siya sapagkat alam niyang may pakay ang babae, lamang ay hindi niya mahulaan kung ano eksakto iyon.

"Iiwan mo ang asawa mong ni hindi mo pinakilala sa akin kahit buntis siya?" ang tiyahin niya. Bigla siyang nasamid. Mukhang marami agad nalikhang kuwento si Charo. "At dahil lang kay Courtney? Sa totoo lang, Iñigo, hindi ko gusto ang babaeng iyon at lalong hindi ko gusto ang mga ginawa mo kay Venice."

"Ah, Venice, is it?" baling niya sa babae.

"Wala kang masabi kundi iyan?" patuloy ng tiyahin niya. "Ganyan ba kita pinalaki? Ano't hindi mo masagot kung bakit hindi mo man lang nabanggit na nag-asawa ka na?"

"Sasabihin ko po sa inyo, Tiyang, nagkataon lang pong naging busy."

"Busy? Busy?" Nangdidilat ang mga mata nito.

"Tiyang, patawarin po ninyo ako."

"Hmp!" Humalukipkip ito. "Puwes, mag-usap kayong dalawa. At pagkatapos, tayo ang mag-uusap, lalaki."

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now