Chapter 6

10.1K 343 5
                                    

"You are a very hardworking man, Iñigo. I admire you for that."

Tumango si Iñigo sa matandang lalaki sa kanyang harapan, ang CEO ng Northeastern Group of Companies, isang international conglomerate na may hawak ng Apex Enterprises kung saan siya may labing-apat nang nagtatrabaho. Nagsimula siya roon bilang clerk. Nineteen years old siya noon, kaka-graduate pa lamang ng kursong Accountacy at naghihintay ng resulta ng board exams. Nang makapasa siya ay nailipat siya agad sa accounting office. Habang nagtatrabaho ay kumuha siya ng abogasya at bago pa man siya nakapagtapos ng Law ay naging head na siya ng Accounting Department ng Apex.

Nang makapagtapos na siya ng Law ay nagkaroon siyang muli ng promotion, isang napakalaking promotion sapagkat agad siyang ginawang Vice President for finance ng Apex sa edad niyang beinte-singko. Marahil ang ibang tao ay matutuwa na roon ngunit matagal na niyang ipinangako sa kanyang sariling tataas pa ang posisyon niya, hindi sa Apex kundi sa Northeastern.

Northeastern was owned by Genaro Monteverde, the man who murdered his father.

Sinabi niya sa sarili niyang darating ang panahon na luluhod sa kanyang harapan ang lalaki, magmamaakawa, ngunit hindi niya didinggin ang anumang hihilingin nito. Malapit na niyang marating ang pangarap niya---ang ipaghiganti ang walang-hustisyang kamatayan ng kanyang ama.

"Thank you, sir," aniya sa matanda. Pinarusahan ng mga taon ang balat nito. Kulubot na iyon at malapit nang maging puti ang lahat ng buhok nito. Ngunit hayun pa rin ito, matatag, isa sa mga kinikilalang tao sa lipunan, kahit ito ay isang mamamatay-tao. Nasaan ang hustisya roon?

Ilang tao ang pinapatay nito? Ilang bata ang naulila na tulad niya? Hindi niya alam ang bilang ngunit alam niyang marami. He did his research on this man. Malinis na ito ngayon. Mula sa mga ilegal nitong negosyo ay bumuo ito ng isang malaki at respetadong negosyo na naging higanteng grupo ng korporasyon na mayroong malawak na sangay.

Every time he thought about it he felt sick. Pero isang araw ay luluhod ang hari. Maybe one day soon.

"Your dedication and your loyalty to this company are astounding. I have never had an employee like you. Kung lahat ng empleyado ay tulad mo, siguro mas malayo pa ang narating natin. I've been observing you for sometime. I have been observing you for the past three years."

Nakaramdam siya ng banayad na kaba. Parating nasa anino niya ang pangambang maunahan siya nito. Oo at hindi nito alam na siya ang anak ng taong pinaslang nito ngunit nasa kanya ang alaala ng kanyang ama. He possessed his father's lips and the shape of his face. Iyon ang dahilan kung bakit nag-iiwan siya ng three-o'clock shadow sa kanyang mukha. Ah, maybe he was being overly paranoid but he did not want to take any chances. Not when he was this close.

"You have, Sir?" aniya, naupo sa silya nang magmuwestra ito.

"Yes. And I have observed only good things about you. I know you are an ambitious man. Tell me, what can this company do for you? Where do you see yourself in the future?"

"I believe this company would notice my hardword and I want to work for the main offices of Northeastern, Sir."

"Yes, you have talked to Mr. Herrera about that," tukoy nito sa COO ng Apex. Tumango siya. "Ang mga tulad mo ay malayo ang nararating. You in particular would rise above everyone else, that's if you will accept my offer."

"An offer, Sir?"

Tumango ito. "This is a very delicate matter. I trust that you would keep this between us." Muli ay tumango siya. Naglabas ito ng isang folder at binuklat. "Iñigo Valdez, CPA-Lawyer, very talented, a bit of a playboy, mother deceased, lived with your aunt who's also now deceased, according to your personal files here in Apex..."

Habang patuloy na nagsasalita ang lalaki ay nabuo na naman ang kaba sa puso niya. Inilalahad nito ang biography niya. Ang apelyido niya ay sa kanyang ina, sapagkat isang taong gulang na siya nang ipaalam nito sa kanyang ama ang tungkol sa kanya. Ang sabi ng tiyahin niyang nagpalaki sa kanya, iyon ay dahil daw sa takot ng kanyang ina na madamay siya sa magulong buhay ng kanyang ama. At ang pangalan ng kanyang ama sa kanyang birth certificate ay blangko.

Sa katunayan, kahit sa mga pormal at legal na dokumento ay hindi lalabas ang pangalan ng kanyang ama. Kagustuhan nito iyon, maging ng tiyahin niya, ng tiyahin niyang hindi deceased. Nagsisimula pa lamang siya sa Apex ay wala na siyang form na pinirmahang nagsasabing may kamag-anak pa siyang nabubuhay. Mula simula ay ayaw niyang madamay ang tiyahin niyang nagpalaki sa kanya. Bakit inuungkat ngayon ni Genaro? Alam na ba nito kung sino siya?

"I'm impressed, Iñigo."

"With all due respect, Sir, some of the details there are personal and are not needed in my work," aniya.

Ngumiti ito. "I also admire your strength of character. Pasensiya ka na kung kinailangan kong magpa-background check sa 'yo. Ang iaalok ko sa 'yo ay maselan at hindi puwedeng ialok sa basta kung sino na lang na hindi ko alam ang pinagmulan. At least we're clear---you're not in debt, you don't gamble, and you have made very good personal investments through the years. I have no doubt one day you're going to be a very rich man... But what if I make you one as soon as possible?"

"As soon as possible? The urgency makes me think you're going to ask for my arms or legs."

"Hindi lang ang mga braso at binti mo, Iñigo, kundi ikaw nang buong-buo. I want you to marry my daughter."

Natural, hindi siya agad nakapagsalita. Ang puso niya ay ganoon na lamang ang bilis ng tibok. Nangyayari ba talaga ang lahat ng ito? Tumikhim siya mayamaya. "Why does she need a husband and why me, Sir?"

"I want to retire soon and I need someone to take care of the company. You can do that. I believe you can also take care of my daughter. You will sign a prenuptial agreement, of course, but upon your marriage to her, you will be given twenty percent of Northeastern. All I ask is that you make my daughter happy. 'Wag kang magkakamaling lokohin siya dahil sa akin ka mananagot. Ganoon lang kasimple, Iñigo."

Wala siyang pagdududa sa banta nito. Ngunit wala itong ideya kung sino siya at isang ginintuang pagkakataon ang ihinain nito sa kanya. Hinding-hindi niya iyon tatanggihan. Tumango siya.

"I accept your offer, Sir."

Tumayo ito at sa halip na tanggapin ang kamay niya ay niyakap siya nito. "Welcome to our family, son."

Mayroong bumikig sa lalamunan niya na parang ibig niyang iluwa. It was anger. Ngunit kailangan niyang magpakitang-tao. Tinapik niya ang likod nito. Batid niyang nauunawaan siya ng kanyang ama kung saanman ito naroon. Darating ang panahon natin, Tatay. Malapit na malapit na.

HE LOOKS okay. Not my idea of a husband, but he's not bad looking.

Napabuga si Charo at initsa ang larawan ng lalaking mapapang-asawa niya sa kama at saka nangalumbaba roon. Kanina pa siya sa kama, tinitingnan ang larawan. Humiga na siya, dumapa, tumagilid, nakatingin sa larawan, pilit hinahanapan ng anggulo ang mukha ng lalaki para maging katanggap-tanggap ito sa kanyang panlasa ngunit halos isang oras na ay hindi pa rin siya kumbinsido.

Hindi naman sa pangit ang lalaki ngunit talagang hindi ito ang type niya. Moreno ito, katamtaman ang laki ng mga mata, may katangusan ang ilong, katamtaman ang mga labi, may three o'clock shadow sa mukha, mukhang disente naman. Normal. Ordinaryo. He somewhat looked like Viggo Mortensen, Pinoy version, but ordinary. Ang nai-imagine niya noong mapapang-asawa niya ay iyong mestizo. She had always envisioned her future husband to be drop-dead gorgeous, not the average Juan.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now