Chapter 33

10.3K 357 19
                                    

ALEJO'S eyes were clear and he stood dignified in his suit. Mahusay itong magtago ng emosyon, naisip ni Charo. Sinalubong sila nito nang pormal. Kasama niya ang kanyang ama at si Julie. Nakikiramay sila sa pagkamatay ng ama nito.

"I'm so sorry, Alejo."

Tumango ito, tinapik ang kanyang balikat. Ang kanyang ama ay kinausap ito, naiwan sila ni Julie sa viewing room ng punerarya. Maraming tao roon, karamihan ay tauhan ng nasirang don.

"The young wife is probably not here because she's being questioned," si Julie.

"How do you know that?"

"Honey, don't you read the papers? The wife killed him."

Natutop niya ang noo. Wala siyang panahong manaood ng balita at magbasa ng diyaryo dahil sa sitwasyon niyang hindi na niya nabanggit kay Julie. Nang magkita sila sa coffee shop ay agad na niya itong niyaya sa bahay nina Alejo, upang matuklasan lamang na wala pa roon ang lalaki. Umuwi na siya pagkatapos noon, magulo ang isip, nabigla rin sa mga pangyayari. Parang isang masamang biro ng tadhana ang lahat.

"Ikukulong nila si Mrs. Alarico?" tanong niya.

"I don't know. Maybe. She has a lover, did you know that?" Nang umiling siya ay nagpatuloy ito. "Masisisi mo ba 'yong tao kung meron? I mean, the don was more than twice her age. The don had her when she was a teenager, or so I heard. They wouldn't let her off easy if she indeed killed the don. After all, it happened in Territorio."

"In Territorio?!" bulalas niya.

"Excactly! Imagine how Attorney Resplandor would fry her. He's so hot."

"The father or the son?"

"Both!"

Napangiti siya kahit paano. Mayamaya ay bumalik na ang kanyang ama, kasama si Alejo. Nagpaalam ang binata sa kanila. "You would have to excuse me. I have some urgent matters to attend to."

Napatango na lamang siya at kinumusta ang ama. Umuwi na rin sila mayamaya at muling nakiramay sa internment. Kahit hindi pa ganoon kaganda ang lagay ng kanyang ama ay sumama ito. Nasorpresa siyang makita roon ang asawa ni Don Bolivar, ngunit higit siyang nasorpresang makita roon si Iñigo.

Hayun ito, tahimik na nakatayo isang dipa mula sa grupo ng nakikiramay. He was wearing a black suit and a pair of sunglasses. Nakapamulsa ito, nakatingin sa casket na binibindisyunan ng pari. Ibig niyang itanong kung naniwala ba ito sa sinabi niya, ngunit hindi iyon ang tamang oras.

Nang matapos ang seremonya ay nilapitan siya nito. "I wish to give you something."

Tumango ang kanyang ama, si Julie at ang mga bodyguards ang naghatid dito sa sasakyan. "W-what is it?"

Isang maliit na tube casing ang ibinigay nito sa kanya at sa loob niyon ay naroon ang manipis na dokumento, ang forty percent ng kompanya nito mula sa tiyahin nito. Isinauli niya iyon dito.

"I cannot accept this."

"Why not?"

"Nagkausap na kami ni Daddy. I agree with him. Ayaw na namin na ma-involve sa ganito. He said all that money came from blood. Tama na sa amin iyong natira sa amin. Nagpapagawa na rin ako kay Attorney ng dokumentong nagsasauli sa 'yo ng binigay mo. We're okay with two percent."

"And that two percent is not tainted with blood?"

"It is, of course. But it's impractical if we sold everything and live in poverty."

"Then take this document. It is not tainted with blood. I started that company with my own money, which I worked for."

"That's impossible."

"What's impossible? That I earned millions playing in the stock market even before I married you? You look surprised. Did you honestly think I would feed my family money from your father? If you must know, my share of the profit goes to the foundation I started. It shall benefit victims of crimes."

"Oh, my God..." sambit niya. She just fell in love with him again. Doon sa sementeryo, sa gitna ng init ng araw, sa kabila ng pagtagaktak ng pawis niya. Napaka-unfair nito. Wala itong karapatang paibigin siya nang paulit-ulit sa kabila ng lahat... Sa kabila ng katotohanang mayroon na itong iba; sa kabila ng katotohanang tila galit pa rin ito sa kanyang ama, at marahil maging sa kanya; sa kabila ng sarkasmo sa tono nito. Ano ang karapatan nito? "W-why are you here?"

"To give you this."

"Do you believe me?"

"Of course not. It's an insult to me. And if in case there's some truth in your BS, then you having an affair with the son of the man who supposedly took my father's life is yet another insult to me. You spit on my face every chance you get, don't you?" Nagtatagis ang mga ngipin nito sa galit.

Napaluha siya. "Keep the forty percent. It's yours. Wala kang obligasyong bigyan ako ng kahit na ano. After all, you just used me and I honestly, truthfully, sincerely understand. Siguro ganoon din ang gagawin ko kung nagkapalit tayo ng lugar. Just promise me one thing though---leave us alone. Just let us be."

"Just like that, huh?"

"Ano pa ba ang meron kaming hindi mo pa nakukuha? Wala na. May sarili kang buhay, meron din ako."

"Listen to me, you take this," mariin ang tono nito, ipinakipkip sa kanya ang tube casing. "Wala akong panahong magpaliwanag kay Tiyang na ayaw mong tanggapin. Am I happy handing you that? No. But it's not mine to give but my aunt's. Just take it."

"No."

"Is everything all right, Charo?" si Alejo.

Nagtama ang mata ng dalawang lalaki at sa ilang sadali ay natensiyon siya. Sumulyap si Iñigo sa pinaglibingan ni Don Bolivar, saglit na sumulyap kay Alejo at sa kanya, saka tumalikod na.

"What's with that guy?"

"Forget about him. Are you okay?" Tumango ito.

Sabay na silang naglakad tungo sa sasakyan. Nang maihatid siya roon ay kinamayan nito ang kanyang ama, at maging si Julie, saka ito tumalikod na rin.

"Are you all right?" ang kanyang ama. "What did he want?"

"Nothing. Nothing, Dad. Everything's going to be okay now."

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now