Chapter 12

8.4K 298 3
                                    

"ANOTHER glass? What's wrong?"

Sinulyapan ni Iñigo si Courtney, ang kanyang nobya. Nitong nakalipas na ilang buwan ay nanatiling ito na lamang ang nag-iisang nakakasama niya sa mga sandaling naghahanap siya ng kapareha, 'di tulad noon na marami ang mga ito. Mula sa Cebu si Courtney, mayaman ang pamilya nito. Tanggap nito kahit noon pa na marami itong kasabay sa buhay niya at ngayon ay tanggap din nitong ikakasal na siya.

"Nothing."

Ngumiti ito, inabutan siya ng isa pang baso ng alak. "It's the wife-to-be, yes?"

Hindi siya umimik. Isa sa mga gusto niya sa babae ay ang katotohanang kilalang-kilala na siya nito. Seryoso niyang ikinokonsidera ito bilang babaeng makakasama niya sa habang-buhay sapagkat hindi si Charo ang babaeng iyon. Charo was going to be his trophy though. Ito ang pinakamahalagang tao sa buhay ni Genaro at nararapat lamang na ito ang kunin niya sa lalaki. An eye for an eye.

"I heard she's a real pain the neck."

Muli, hindi siya umimik. Hindi alam ni Courtney ang mga hangarin niya sa buhay bagaman hula niya, kahit malaman nito ay hindi magbabago ang pagtingin nito sa kanya. Courtney was his equal. They had the same wavelength. It was just a bonus that she was good in bed. Nang sabihin niya ritong ikakasal na siya ay tinanong lang nito kung kanino at kung bakit. Tanging isinagot niya ay dahil kailangan niya iyong gawin. She asked if they could still see each other when he was married and he said yes. Wala siyang makitang dahilan para limitahan ang kanyang sarili dahil lamang ikakasal na siya sa anak ni Genaro. He had no plan to stay true to his vows. Para sa ampon ni Genaro? Hinding-hindi.

Si Courtney ang nakita ni Charo na kasama niya sa restaurant. It was unfortunate she had to see that. Courney was a very modern woman and quite adventurous sometimes. Lalaki lamang siya at isang maginoo, hindi makatanggi sa kagustuhan ng isang babae. At sa gabing iyon, tinupad niya ang kagustuhan ni Courtney.

"Giving you problems already?"

"She's just a handful, that's all."

Bagaman inasahan na niyang spoiled brat ang babae ay hindi niya inasahan ang nagiging relasyon nilang dalawa. He was supposed to charm her, make her fall for him if necessary. He would destroy her and her father and to do that he needed her confidence. At hindi siya makapaniwala na sa halip na suyuin ito at maging charming dito ay napapangunahan siya madalas ng magkakahalong inis at pagnanasa.

Inis at pagnanasa. Hindi bagay ang dalawang iyon. But when the woman told him he was not her type he wanted to take her, make her regret her words. He wanted to make her beg not to lay another woman like she suggested. He wanted her to tell him she wanted to be the only woman warming his bed.

Ah, and the thought of that made him mad and aroused him at the same time. She was very beautiful. And fiery. With a tongue that seemed to have verbal lashing as its expertise. She was a real pain in the neck, like Courtney said.

"When's the big day?"

"A month from today."

Pinagmasdan siya ng babae. Matagal bago ito nakapagsalita. "I know I can wait for you. Whatever your reasons are for marrying her, I know it would give you peace of mind. Is it the money or the power?"

Hindi siya umimik. Nanatiling sagrado sa kanya ang misyon na iyon. Ngunit tama ito sa isang punto---mapapalagay ang loob niya kapag natapos na niya ang misyong iyon. Maybe then he could live a real life, one free of chains of the past. Sapagkat paano siya mamumuhay nang normal kung alam niyang nawalan ng buhay ang kanyang ama nang wala man lamang hustisya at wala siyang ginawa para iganti ito.

Marami pa ring gabing nagigising siya sa mga panaginip, sa malinaw na alaala ng mga dilat na mata ng kanyang ama habang umaagos ang dugo sa katawan nito. Nakikita niya sa kanyang isip ang bahay na nasusunog. Malinaw sa alaala niya ang hitsura ng labi ng kanyang ama na sinunog nang walang pakundangan. Na para bang hindi ito tao, na para ba itong isang hayop.

Hinding-hindi siya matatahimik hangga't hindi niya natatapos ang kanyang misyon. He made a promise to himself that next time, he would charm Charo and gain her trust completely.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now