Chapter 19

8.9K 299 1
                                    

"YOU WOULD have to read all the documents before you sign them."

Hindi alam ni Charo kung matatawa o maiinis sa kanyang ama. Paalis na ito patungong Singapore ay panay pa rin ang habilin nito sa kanya tungkol sa kompanya. Ang sabi nito, hindi raw maiiwasan na may mga dokumento ng kompanya na siya ang kailangang pumirma at sa mga ganoong pagkakataon ay babasahin muna niya iyong maigi o magtatanong sa pinagkakatiwalaan nitong abogado.

"Daddy, I will take care of everything. Besides, Iñigo is going to help me."

"May mga bagay din na kailangan ikaw ang magdesisyon, hindi siya. Ikaw pa rin ang mayroong pinakamalaking shares sa kompanya."

"You don't trust him?"

"I do. I just want you to be cautious, that's all. Hindi ko alam, hija..." Bumuntong-hininga ito. "Lately, I've been having this terrible feeling. I can't explain it. I've been having dreams... Siguro natatakot lang akong iwan ka."

"Daddy, hindi mo ako iiwan. Gusto ko ngang sumama sa 'yo, ayaw mo naman." Siya naman ang napabuntong-hininga. Matigas ang ulo ng kanyang ama. Kahit na ilang ulit niyang pinilit na sumama sa pagpapagamot nito sa Singapore ay ayaw nitong pumayag. Mas mapapanatag daw ito kung nasa Pilipinas lang siya. Lalo daw itong hindi mapapalagay kung alam nitong makikita niya ito sa kalagayan nito. Kahit may sakit ito ay siya pa rin ang iniisip nito at naisip niya na kaysa ma-pressure pa ito sa presensiya niya o magtalo pa silang maigi ay pagbigyan na lamang niya ito. Tatlong buwan lang naman itong mawawala at madali naman siyang makabisita rito.

"Does he know I'm sick?"

"He knows you're sick but I haven't told him you have the big C."

"Don't tell him."

"Daddy, you're scaring me. May dapat ba akong malaman tungkol sa asawa ko?"

"No, wala." Tinutop nito ang sentido. "Binabangungot ako, hija, at hindi maganda ang sinasabi ng mga panaginip ko."

"Those are just bad dreams, Daddy." Ibig niyang mapaluha. Marahil dala ng sama ng katawan at sa pag-aalala sa maraming bagay ay hindi na pinatatahimik ang matanda kahit ng panaginip nito. Hindi ba at stress ang isa sa mga dahilan ng masasamang panaginip? "Don't you worry about me, Daddy."

"I tell myself that all the time. Alam kong mabuting tao si Iñigo at mapagkakatiwalaan. Nag-aalala lang siguro ako sa mga taong nakapaligid sa inyo habang wala ako. Those people are vultures. Alam kong kaya ni Iñigo na pamahalaan ang kompanya at makibagay sa mga taong 'yon, pero mas magandang 'wag nang makalabas sa kanya ang totoong kalagayan ko. He might tell someone. Hindi maiiwasan dahil nasa opisina siya. Ayokong malaman ng ibang tao. They might end up hovering above Iñigo, these vultures. Bago pa lang siyang CEO para problemahin ang mga taong 'yon."

Tumango siya. Hinagkan niya ito at ihinatid sa sasakyan. Nang makaalis na ito ay nanalangin siya. Matapos ay tinawagan niya ang kanyang asawa.

"Don't be late this evening. I will prepare dinner."

"I can't wait," anito, sa tinig ay mababakas na nakangiti ito.

Napalabi siya hindi man ito nakikita. "Sisiguraduhin kong hindi sunog this time, okay? Bago pa lang akong nagluluto kaya hindi pa masyadong magaling."

"I love your cooking."

"Liar."

Ang lakas ng tawa nito. Ilang gabi na siyang nagtatangkang magluto at ilang gabi na marahil natutulog nang gutom ang kanyang asawa, tulad niya. Paano ay hindi naman masyadong makain ang mga niluluto niya. At napaka-sweet nito para hindi magpabili ng pagkaing iba, o magpaluto sa kawaksi kaya. Ngunit sa gabing iyon ay titiyakin niyang masarap ang ihahanda niya, kung hindi man ay may pang-rescue na siyang microwavables.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now