Chapter 20

8.7K 272 9
                                    

Iñigo was kissing Charo's forehead. Nasa mga bisig siya nito. They just made love. Masarap sa kanyang pakiramdam ang ganoong mga tagpo. Natututo na siyang hanap-hanapin ang init nito, ang halik nito sa kanyang ulo, ang hawak ng kamay nito sa kanyang kamay.

"Pupunta ka ba sa office bukas?"

"Of course."

"Really? Do you really have to?" aniya, nilalambing ito. Hindi pa man ay nami-miss na niya ito. Matatawa siguro sa kanya si Julie kapag nalamang ganoon siya sa kanyang asawa. Ang mga nobyo niya noon ay madalas niyang hindi sinisipot sa tagpuan. She was just mean, a cruel girlfriend. Marahil sadyang hindi dumating ang pag-ibig noon sa kanya. The heavens made her wait for Iñigo. At araw-araw siyang magpapasalamat para roon.

"Missing me already, huh?" anito, ngiting-ngiti, hinahagod ang kanyang buhok. Mayroong init na hatid ang ganoong aktuwasyon nito sa puso niya.

"Stay, please."

Tumawa ito. "Actually, I can't. Marami akong kailangang asikasuhin bukas. May sasabihin din ako sa 'yo tungkol sa kompanya. May mga dokumento kang kailangang pirmahan. Bakit hindi ka na lang sumama sa akin sa office bukas?"

"Great!"

Hindi pa siya sumasama rito kailanman sa opisina dahil alam niyang wala siyang gagawin doon bukod sa tinatamad siyang magtungo roon kung magiging abala si Iñigo sa mga gawain at siya ay tutunganga lang.

Hinagkan siya nito at sinabihang magpahinga na. Nakatulog siya sa mga bisig nito at nang magising ay alas-otso na ng umaga. Katabi pa rin niya ito, himala. Nakangiting pinagmasdan niya ang mukha nito. Noon lamang niya ito naabutang natutulog pa sa kanyang tabi. Mayamaya ay nagmulat na rin ito ng mga mata. His eyes looked so beautiful. Sana, ang magiging anak nila ay makuha ang mga matang iyon.

Nagpi-pills siya dahil na rin sa iyon ang kanilang usapan. Gayunman ay nasasabik siya sa panahon na mag-aalaga na siya sa kanilang anak. Mayroon na siyang naisip na pangalan sa mga ito. Kung lalaki, Iñigo Junior, kung babae naman ay Venice. Nasasabik siya sa bawat araw na daraan sa kanilang buhay.

"Good morning, gorgeous," nakangiting bati niya rito.

Ngumiti ito at dinampian ng halik ang kanyang pisngi. "'Wag na tayong umalis. Dito na lang tayo buong araw."

Napahagikgik siya. "Okay lang pero ikaw na mismo ang nagsabi na marami kang kailangang gawin. Come on, let's have breakfast."

Parang tinatamad itong bumangon, isang bagay na kakatwa ngunit pinagbigyan niya ito. Ang sabi nito ay matulog pa sila at nakatulog pa nga siyang muli. Tanghali na nang magising siya at tulog pa rin ito. Natatawa na siya rito.

"I thought you have to go to the office?" aniya nang magmulat ito ng mata.

"Let's just stay here today. Weekend naman bukas."

"If that's what you want."

Noon nag-ring ang cellphone nito na agad nitong sinagot. Base sa usapan ay ang sekretarya nito ang tumatawag. Nang harapin siya nito ay sinabi nitong pupunta sila sa opisina. Naghanda na siya at ala-una pasado ay naroon na sila. May mga dokumento itong ibinigay sa kanya, kailangan daw ang pirma niya sa mga iyon.

Para siyang napahiya rito na hindi niya mapirmahan agad ang mga iyon. Naalala niya ang bilin sa kanya ng kanyang ama na kailangan niyang basahin ang lahat ng mga dokumentong pipirmahan niya.

"I'm s-sorry, honey, but I would have to read these papers first," sambit niya.

Mukhang nasorpresa ito. "Oh. Of course."

Ibig niyang mapangiwi. Hindi nito kailangang sabihin ngunit bakas sa anyo nito na na-offend ito. Na-guilty siya. Asawa niya ang nagbibigay sa kanya ng dokumento at hindi pa niya agad mapirmahan. He probably hated her that moment. Kung siya ang nasa kalagayan nito, marahil mao-offend din siya. But Iñigo was ever the gentleman, telling her it was okay.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now