Chapter 26

8.5K 291 4
                                    

As it turned out, Iñigo's aunt did not know he got married. Nalaman iyon ni Charo dahil nagpadala siya ng tauhan sa farm nito sa tulong ni Alejo. Marami siyang nakuhang detalye mula sa tauhan na iyon, mga maliliit na detalyeng nagsasabi sa kanyang walang kaalam-alam ang tiyahin ng lalaki sa mga nagawa nito. Gayunman ay hindi siya sigurado kaya't naroon siya ngayon upang malaman.

Kinakabahan siya, walang kasiguruhan ang kanyang gagawin, ngunit para bang iyon na ang kanyang last resort. Talo na silang mag-ama, noon pa. Pero heto, baka sakaling may magawa pa siya. Pagparada ng kanyang sasakyan sa tapat ng simpleng bahay ay agad siyang bumaba.

Sinalubong siya ng tiyahin ni Iñigo. Higit itong mukhang masayahin sa personal kaysa sa larawan nito. Palagay niya ay mas bata lamang ito ng ilang taon sa kanyang ama, puti na ang lahat ng buhok nito, may katabaan, bilog ang mukha, nakangiti ang mga mata. Ayon sa impormasyon ay wala itong asawa at ang itinuring nang anak ay si Iñigo na anak ng kapatid nitong namatay sa panganganak. Ang bahaging iyon ng kuwento ni Iñigo ay totoo rin naman pala.

"Good morning po," aniya rito.

"Good morning. Halika, pasok ka."

Agad siyang tumalima. Nang tumawag siya rito ay sinabi niyang interesado siyang makilala ito dahil may ginagawa siyang research. Mabait ito, walang tanung-tanong ay pumayag. Kumuha ito ng maiinom at nagbalik din agad sa sala.

"Tungkol saan ba ang research mo, hija?" anito, inilapag ang inumin sa coffee table. Payak ang loob ng kabahayan, hindi makikita roon ang yaman nito.

"Actually, Tita, wala po akong research. Gusto ko lang po talagang makilala kayo. Gusto ko pong makilala ang tiyahin ng asawa ko."

Napanganga ito habang nakatingin sa kanya. Kahit paano ay natuwa siya sa reaksiyon nito. Totoong wala itong kaalam-alam.

"A-asawa ka ni Iñigo?"

Tumango siya, pinahid kunwa ang mga mata. "At nagkakatampuhan po kami kaya naisipan kong lumapit sa inyo."

"Diyos ko! Kailan kayo ikinasal at bakit hindi man lang nabanggit sa akin ng pamangkin ko? Ang batang iyon!"

Kunwa ay sumigok-sigok siya. "Ang sabi po niya sa akin, ipapakilala po raw niya ako sa inyo pero hindi niya ginawa. Whirlwind romance po ang nangyari sa amin, biglaan ang naging kasal." Ipinakita niya rito ang larawan nila ni Iñigo noong prenuptial pictorial nila. Nakaputing bestida rin siya roon, medyo pormal din ang suot ni Iñigo. Mukha na rin silang ikinasal sa huwes, lalo na at sa kuha ay magkalapat ang mga labi nila sa tapat ng isang gusali.

"Bakit hindi ka niya ipinakilala sa akin?"

"Natuklasan ko po kamakailan lang na... na... may iba po siyang babae!" Humagulgol siya kunwa.

"Diyos ko!"

"Courtney po ang pangalan."

"Si Courtney..." sambit ng matanda, palatandaan na nakilala na nito ang babae. At nadurog ang puso niya. Napaluha siya, sa pagkakataong ito ay totoong luha na.

"Kilala po ninyo siya?"

"Minsan siyang nagpunta rito."

"G-gusto na po akong hiwalayan ni Iñigo. Baka po nabigla lang siya nang pakasalan ako. Hindi ko po matanggap, lalo na ngayong magkaka-baby na kami." Tinutop niya ang kanyang tiyan. "I-isang buwan na po ang tiyan ko, Tita."

"Diyos ko! Ano ba ang nangyayari sa pamangkin kong iyon? Una ay hindi sinabi sa aking kinasal na siya at ngayon ay makikipaghiwalay kahit buntis ka? Huwag kang mag-alala, kakausapin ko siya."

"Naku, hindi na po kailangan. Ayoko po muna siyang makita, hangga't maaari. Itinapon na po niya ako kaya po ako lumapit sa inyo."

"Kahit kailan ay magiging welcome ka rito, anak."

Lihim siyang natuwa na kahit paano ay nakuha niya ang simpatya ng matanda. Hindi siya umaasam ng malaki sa isang planong hindi pulido, ngunit baka sakaling sa pamemerwisyo niya sa tiyahin ni Iñigo ay mapilitan itong ibalik ang ilang bahagi ng kinuha nito. O baka magkasimpatya sa kanya ang tiyahin mismo nito at bigyan siya ng bahagi sa kompanya ni Iñigo. Maaari ring sabihin ni Iñigo ang totoo sa tiyahin nito at mabale-wala ang plano niya ngunit wala nang mawawala sa kanya anu't anuman. Nothing left to lose siya, 'ika nga.

Ang alam lang niya, matagal na itinago ni Iñigo ang tiyahin nito sa kanya. Ang matandang ito ang marahil pinakamahalagang tao sa lalaki. At naroon siya sa poder nito sa ngayon, nakikisimpatya sa kanya. At para sa isang taong tulad niyang wala nang mawawala ay tiyak na kakabahan si Iñigo. Malaking bagay iyon sa kanya.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now