Chapter 22

8.5K 313 6
                                    


"Why isn't he here, hija?"

"He's busy, Daddy. Mamaya, pupunta siya rito," tugon ni Charo sa ama. Hinahanap nito si Iñigo na nasa opisina naman. "Let's talk about you, Dad. What did the doctors say?"

"They say I'm well."

"That's great news!"

Ngumiti ito, tumango. May lambong ng lungkot ang mga mata nito na marahil sanhi ng pagod. Sabihing saglit lang ang biyahe nila at komportable dahil sa pribadong eroplano ang kanilang gamit, ay nakakatagtag pa rin iyon ng katawan, lalo na para rito. Sinabihan niya itong magpahinga na muna at ihinatid niya ito sa silid.

"Hija, have you told your husband I want to see him tomorrow?"

"Yes, I have. The meeting is set. Hay, Daddy. Sana 'wag mo nang unahin ang kompanya. Trust me, everything's fine. Kung gusto mo, siya na lang ang pumunta rito bukas. Hindi mo naman kailangang magpunta sa office."

"I would like to speak with a few people as well. I have to rest now. I'm afraid I cannot entertain Iñigo later. Magpapahinga muna ako, hija."

"Of course, Dad." Hinagkan niya ang noo nito at iniwan na ito sa silid. Nagbilin siya sa nurse nito at saka umalis na rin. Sa sasakyan na niya pinadalhan ng text message si Iñigo, sinabing huwag nang tumuloy sa bahay ng kanyang ama.

Nang makauwi ay nabigla siya nang makita ang lalaki roon.

"What are you doing here so early? Are you leaving?"

Mayroon itong dalang maliit na bagahe. Hindi nito nabanggit sa kanya na may lakad ito. Sa anim na buwan nilang pagsasama ay minsan lang ito nangibang-bansa at dalawang araw lamang ito roon.

"Nah. Just a few items in my closet I no longer use. I am giving them away."

"Oh. So my husband is not only gorgeous and great in bed, he donates, too? What more can I ask for?" Matipid na ngiti ang itinugon nito. Hindi niya maiwasang magtaka. "Is there anything wrong?"

"I'm tired is all."

"Magpahinga ka na muna." Kinuha niya ang bagahe at inilapag iyon. "Sa kuwarto ka na muna. Dadalhan kita ng paracetamol. Go now."

Tumalima ito. Nagpaluto siya ng soup sa kawaksi saka iyon dinala sa silid nila. Tulog na ang lalaki. Nang salatin niya ang leeg nito ay normal ang init nito. Nagpasya siyang huwag na lamang itong gisingin. Sa hapunan ay nagdala na rin siya ng pagkain sa silid ngunit tumanggi itong kumain. Natulog na lamang siya sa tabi nito, maya't maya ay tinitingnan kung tumaas ba ang temperatura nito.

Kinabukasan ay nagising siyang wala na ito sa bahay, bagay na kakatwa dahil araw-araw itong nagpapaalam sa kanya tuwing aalis ito. Tinawagan niya ito.

"Honey, you already left? Are you feeling better?"

"I am. I have a few things to attend to. What time will your father arrive?"

"He said around two in the afternoon. Is there a problem?"

"No problem at all... And Charo?"

"Hmmm?"

"You take care always."

"You too, hon. I'll make you dinner."

Nagpaalam na rin siya rito. Tinawagan niya ang kanyang ama at ang sabi ng nurse ay tulog pa raw ito. Natulog muna siya at nang magising ay tinawagan muli ang ama. Papunta na raw ito sa opisina. Ala-una pasado na. Naligo na siya, matapos ay naghandang mag-browse sa internet ng recipe. Noon niya naalala ang bagahe ni Iñigo nang nagdaang araw. Ayon sa kawaksi ay nadala na raw iyon ng lalaki. Sa kuryosidad kung aling mga damit ang inalis nito sa closet ay binuksan niya iyon.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now