Chapter 9

9.3K 298 16
                                    

MAYBE I should wear something sexier.

Napabuga si Charo. Nakailang palit na siya ng damit ay parang hindi pa rin siya kuntento. Ngayong gabi tutungo sa kanilang tahanan si Iñigo at pormal itong ipapakilala sa kanya ng kanyang ama. Nabanggit niya ritong nakita na niya ang lalaki sa isang restaurant, bagaman hindi na niya nabanggit dito ang iba pang mga detalye. Marahil dahil sa binitiwang salita ng kanyang ama:

"I cannot wait to take you to the altar, hija. Kapag nangyari na iyon, ipagkakatiwala ko na sa asawa mo ang kompanya at makakapagpahinga na ako. Iñigo is the answer to my prayers, anak."

Paano pa niya masasabi ritong ayaw na niyang pakasalan ang lalaki? Hindi niya magawa. Gustung-gusto niyang magpahinga na ang kanyang ama. Iyon ang nangungunang nais niya, kaysa ano pa man. At kung ang kapalit ng mas mahaba pang buhay ng kanyang ama ay ang pagpapakasal niya kay Iñigo ay bakit hindi?

Naunawaan niyang marami pa siyang alas. Hindi por que nagpakasal sila ng lalaking iyon ay tapos na ang buhay niya. Ang tanging gusto lang naman ng kanyang ama ay ang pakasalan niya ang lalaki. She will not be the wife she first planned to be. Magiging asawa lang niya ang lalaki sa papel.

Naisip niyang sa isang banda, marahil ay hindi rin tamang umasa siyang ibibigay ng lalaki ang buong sarili nito sa kanya bilang asawa sapagkat isa lamang iyong business deal para rito. Ang usapan ay aalagaan nito ang kompanya. Gayunman, kung iniisip nitong mambabae, puwes sa ibang babae na lamang ito. Kailangan nitong mamili---siya at wala nang iba, o ibang mga babae pero hindi siya kasama. Siguraduhin lang nitong kung ang pipiliin nito ay ibang mga babae ay mananatili itong discreet.

Natural, ang ideya niyang iyon ay sila lamang dalawa ng lalaki ang makakaalam. Her father need not worry about those things. Ang importante ngayon ay ang maipasa na nito ang pamamahala ng kompanya kay Iñigo nang makapagpahinga na ito. Lalo itong pumayat nitong nakaraang isang linggo. Sa susunod na linggo ay magpapa-chemo itong muli.

Napabuga siya. "I don't want to see him again," sambit niya, saka naghanap na naman ng damit sa walk-in closet niya. Hindi niya maunawaan kung ano ba ang gusto niyang palabasing imahe sa lalaki kung bakit kanina pa ay parang ibig niyang isuot ang pinaka-sexy niya na dress. Dahil ba nakita niyang napaka-sexy ng ka-date ni Iñigo noong gabing iyon? Ah, what the hell was the matter with her?

Sa huli ay isang simpleng dress ang kanyang isinuot. Naglagay siya ng kaunting makeup at iniladlad ang kanyang buhok. Bumaba na siya nang ianunsiyo ng kawaksing naroon na ang bisita. Kung bakit bigla na lamang sumikdo ang kanyang dibdib. Habang bumababa sa hagdan ay nakita na niya ang lalaki sa sala. Nag-iisa ito, marahil nasa silid pa nito ang kanyang ama.

Nakatingin lamang sa kanya ang lalaki, nakadekuwatro, nakapatong ang mga braso sa armrest ng upuan. Animo ito isang hari na naghihintay na pagsilbihan. Na-tense siya na hindi niya mawari. Damn those eyes. Parang kahit nakadamit siya ay tumatagos iyon doon. Parang pati isip niya ay kayang basahin ng mga matang iyon... o marahil nababaliw na siya sa magkahalong matinding inis at kawalang-magawa pagdating sa lalaking ito.

He was wearing a suit, he obviously came from work. But damn, he looked so fresh. Kahit ang manipis na buhok sa mukha nito ay hindi dahilan upang mabawasan ang dating nitong parang napakabango. Ilang lalaki lang kaya sa mundo ang mukhang mabango kahit hindi nag-aahit?

Ngayon ay na-appreciate niya ang kulay ng balat nitong kayumanggi. It made him look manlier, more filled with testosterone. She had never met a man like him before. He was oozing with sex appeal, oozing with masculinity. Bagay na bagay dito ang suit bagaman mas bagay marahil dito kung magga-gladiator outfit ito. Shit! I'm actually imagining him wearing a gladiator costume, with his thighs showing... thighs that could choke a bear. I'm losing my frikkin' mind!

Tumayo ito at sinalubong siya. Sa pagkakataong iyon ay sa pisngi niya dumapo ang labi nito. Napasinghap siya sa pagkabigla.

"How dare you!"

Kumunot ang noo nito. Parang napahiya naman siya. Simpleng beso-beso lamang iyon at muntik na siyang magwala. Patay-malisyang naupo na lamang siya sa couch at kumuha ng magazine, kunwari ay hindi apektadong naroon ito. Napatingin siya rito nang tumawa ito.

"What?" sikmat niya.

"Why you have to play it cool when you're obviously nervous is beyond me. I understand, my dear, you are uncomfortable with the situation, with me; which makes me wonder why you did not tell your father about what happened the last time like you threatened to do."

"Just thank your lucky stars I did not tell him. 'Wag kang magyabang sa akin, Iñigo. I have some moves that will surprise you."

Tumawa itong muli. "The only move I'm excited to see is your bedroom move, honey. I have to admit, the thought of our honeymoon excites the hell out of me."

Sa tuwing magsasalita ang lalaking ito at nagre-react ang isip niya sa paraang hindi pa nangyayari sa kanya noon---nakikita niya nang malinaw sa isip niya ang larawang ni hindi nito malinaw na ipininta.

"Will y-you stop doing that? Will you s-stop talking to me about h-honeymoon and s-sex? It's not proper."

"Not proper? No need to pretend to be coy now, honey. I've heard about the string of boyfriends you've had."

"You're a jerk!" ngitngit niyang sambit. Noon niya nakita ang kanyang ama sa hagdan at agad niya itong sinalubong, hinagkan sa pisngi.

"My dear Charo, I would like you to meet Iñigo, your husband-to-be. Iñigo, this is my lovely daughter."

"She's lovelier that what you have described, Sir," anang lalaki. Obvious na mataas ang paggalang nito sa kanyang ama at para roon, kahit paano ay natuwa siya rito. Atas ng kagandahang-asal ay nagpasalamat siya. Nagtuloy na sila sa komedor kung saan nakahain ang masaganang hapunan.

"I want the two of you to get married a month from today. The fifth of next month, Saturday. What do you think, hijo?"

"That would be great, Sir."

Mukhang natutuwa ang kanyang ama sa itinatakbo ng usapan, marahil dahil puro pagsang-ayon ang nakukuha nito. Kahit siya ay hindi na umimik at nagpapatianod na lang sa lahat. Hindi niya kasi maiwasang mahabag sa kalagayan ng kanyang ama. His eyes looked so tired now. At dahil naka-long sleeves ito ay hindi nakikita ang pamumula ng parte ng balat nito kung saan ito naturukan ng heringgilya. He needed to rest badly.

At kahit paano, masaya siyang mukhang nasisiyahan ito sa takbo ng usapan. Wala siyang gagawin upang tumutol sa lahat ng iyon. Kung ano ang mayroon sa pagitan nila ni Iñigo ay mananatili lamang sa pagitan nila.

"Hija, you should visit your favorite couturier tomorrow," nakangiting wika ng kanyang ama sa kanya.

"No, Daddy. I would wear Mommy's wedding dress." Noon pa ay iyon na ang pangarap niya. Mula nang makita niya ang nag-iisang larawan ng kanyang ina kung saan ito nakasuot ng traje de boda ay naisip na niyang iyon ang isusuot niya sa araw ng kanyang kasal. Sa kabutihang palad ay hindi nakasama sa sunog ang wedding dress. May labing-walong taon na iyong nasa kanya.

"Are you sure?"

"Of course. I had it preserved in the States, remember? It's still in perfect shape and in my dresser."

"Very well."

Mukhang tumamlay ang kanyang ama at matapos kumain ay ihinatid na niya ito sa silid nito. "You rest now, Daddy. Kami na ni Iñigo ang magpaplano ng kasal, okay?"

Ngumiti ito, hinaplos ang kanyang mukha. Lumabas na siya sa silid. Humugot siya ng hininga, humandang haraping muli ang kanyang mapapang-asawa.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now