Chapter 8

8.9K 340 7
                                    

Paglabas ni Charo sa rest room ay muntikan na siyang mapatili nang makita roon si Iñigo. Bahagya itong tumango sa kanya at inilahad ang kamay nito.

"I don't think we've been properly introduced yet. My name is Iñigo Valdez. You have probably heard of me."

Nakadama siya ng inis. Nag-sink in sa isip niya na pumayag-payag itong pakasalan siya, iyon pala ay may kaharutan itong iba. Ilan pang babae ang ginaganoon nito habang alam na nitong ikakasal sila? Bagaman wala pa iyong petsa, ang sabi ng kanyang ama ay wala raw dahilan upang patagalin pa iyon. Samakatuwid, engaged na sila, kahit hindi pa iyon pormal. This man was cheating on her! How she hated cheats! Hindi pa man ay ganoon na ito, paano na kung sila ay kasal na?!

"I don't know where that hand came from so I'm not going to shake it," mataray niyang wika, nakataas ang isang kilay.

Ibinaba nito ang kamay. "Hindi ko inaasahan na sa ganitong pagkakataon tayo magkakakilala. I must admit I am a little embarrassed."

"You should be!" Pinagtaasan niya ito ng kilay. She gave him the evil eye. The nerve! Hindi niya ito pakakasalan! Bakit niya ito pakakasalan kung isa itong taksil? That was bound to happen. Hindi talaga maganda ang ideya ng kanyang ama na ihanap siya ng mapapang-asawa. Siyempre, sila ay estranghero sa isa't isa, wala itong ideya tungkol sa kanya at lalong wala siyang ideya tungkol sa tunay na ito.

Kung sakaling magaling ito sa negosyo at nakita ng kanyang ama ang matinding potensiyal nito sa pag-aalaga sa mga negosyong ipinundar nito, hindi iyon nangangahulugan na magiging mabuting asawa ang lalaking ito. At hindi siya magpapakasal sa isang lalaking... oversexed!

Nilagpasan niya ito, halos hindi makapaniwalang hindi niya kaya ang intensidad nito. Para ba siyang nao-overwhelm dito. "How many women are you currently dating, Iñigo?"

"Already getting jealous, are we?"

Lalong nag-init ang kanyang ulo. "Of course not! Don't be silly! I just want to know. You see, my father said you're a good man. How good can you be when you agreed to marry me and yet you're sleeping with someone else. In public!"

"It's a little late and we thought no other customer would arrive. Not that that justifies what I did but I want to assure you I don't do that on a regular basis---"

"Oh. Only once a month, I guess," sarkastikong turan niya. Masama pa rin ang tingin niya rito. No one had ever cheated on her before. Sa dami ng mga lalaking nagkakandarapa sa kanya ay wala ni isa sa mga ito ang nagloko. Marahil dahil alam ng mga ito ang kalibre niya. She was a classy woman who would not take crap from any man. She was notorious for making men beg. Hindi na niya mabilang ang mga lalaking nagmakaawang pansinin niya at nagmakaawang makipagbalikan sa kanya.

Inignora nito ang sinabi niya. "About me dating another girl, well, let's just say I want to enjoy my last days as a bachelor. I don't think that's a big crime, especially when I haven't met you until tonight."

"We are engaged!" singhal niya rito. "You haven't met me yet but you have agreed to marry me, therefore, you already have a responsibility to be faithful to me!"

"I'm sorry."

"I will tell my father about this incident! I assure you he will not be happy."

"You're right. I heard he's sick and giving him news like this is really not going to make him happy."

Natigilan siya. Damn, the man was right. At hindi makapayag ang ego niya na i-acknowledge na tama ito. "Let me get one thing straight, Mister Valdez---the only reason why I will marry is because my father asked me to. If you are not going to live up to my expectations, you will not have me."

Tumaas ang isang sulok ng labi nito, isang gawing hindi niya nagustuhan. The nerve of the man to act that way! Para bang binawi na agad na ekspresyon nito sa mukha ang apology nito kanina lang.

"If you are going to be my wife, you should forget about bossing me around. Or I will not marry you at all."

Napanganga siya sa pagkabigla, tumikwas ang mga daliri sa magkabilang kamay na naitaas niya sa ere. She was speechless. Nakapalakas ng loob ng lalaking ito! She will not marry him! Never!

"All things considered, it was still nice meeting you finally, Charo."

Ngumiti ito, inabot ang kanyang kamay at sa kanyang pagkabigla ay hinagkan iyon. Hindi na siya nakapalag dahil shocked pa rin siya. May kilabot-kiliting gumapang sa kanyang katawan. Mataman siyang tinitigan nito, may tila nanunudyong ngiti sa labi. Binawi niya ang palad na hindi nito pinakawalan.

"How dare y-you!"

"Smooth, lovely hands. Makes me wonder what the rest of your body would feel like against my lips."

Muli ay napanganga siya, kasabay ng matinding kiliting umakyat sa kanyang gulugod dahil lamang sa mga salita nito. Oh, god, she must be losing her mind! Napasulyap siya sa babaeng kasama nito na nakaupo sa malapit. Nag-iwas ang babae ng tingin. Pinakawalan na ng lalaki ang kanyang palad, ngumiti sa kanya. Nagmamadali na siyang naglakad palayo. It was obvious the woman he was with meant nothing to him. He was probably one of those men who had a string of playmates ready to assist his physical needs.

"Who's the hunk?" salubong sa kanya ni Julie. Nag-iwan siya ng pera sa mesa at hinila na ito patayo. Lumabas na sila sa restaurant. "I asked who the hunk was, girl."

"That's Iñigo, my future husband."

Napanganga ito at nang magsalitang muli sa loob ng kanyang SUV, ang sabi nito, "What the hell made you think he looks ordinary?! That is a demi-god!"

I know, I know! And I'm quite scared to marryhim now! I will not marry that jerk!

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now