Chapter 28

8.9K 314 13
                                    

"Ang sabi ko gusto kong naghihintay ka sa kuwarto ko."

Masamang tingin ang ipinukol ni Charo kay Iñigo. "Bakit, nasa akin na ba ang kontrata? Ipakita mo muna sa akin."

Wala siyang planong makisiping dito. Kapag nakuha na niya ang kontrata ay lalarga na siya. Gagamitin niya ang utak niya sa pagkakataong ito. Kung hindi siya pumayag sa sinabi ng lalaki, walang mapupunta sa kanya. Malaking bagay ang twenty percent ng kompanya. Isa na rin iyong malaking tagumpay. Hindi niya iyon inasahan sapagkat wala siyang inasahan sa pagpunta niya roon.

"The papers are being drawn as we speak."

"Being drawn is not the same as already here and signed by the almighty Iñigo Valdez, is it?"

Ngumiti ito. "Fine."

She missed his smile. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya mangungulila rito. Sapagkat isang mahirap tanggaping katotohanan na sa kabila ng lahat, mahal niya pa rin ito. Ngunit ang sabi, ang utak daw ay nasa itaas ng katawan, ang puso sa gitna. May dahilan para roon. Kailangang mas paganahin ang nasa itaas.

Walang pagmamahal sa kanya ang lalaking ito. Isa lamang siyang laruan para rito. Masakit iyon pero kailangan niya itong tanggapin dahil iyon ang katotohanan. Kahit mangulila pa siya rito buong buhay niya ay walang mangyayari sa kanya. Kailangan niyang matutunang labanan ang mga paghahangad na maibalik ang dati dahil hindi naman din naging totoo iyon.

Mahirap palang magmahal ng kaaway. Mabuti pa ito, maagang naihanda ang sarili sa bagay na iyon. Ang sabi nito sa kanyang ama, hindi siya nito maaaring mahalin dahil anak siya ng kaaway nito. Kung mula't sapul ay nalaman niya iyon, hindi na sana niya pinayagan ang kanyang sariling mahalin ito. Masakit lang dahil nagsusumigaw ang damdamin niya rito, mahirap ikaila. Kaya niyang ikaila sa maraming tao, kabilang na rito, pero hindi sa kanyang sarili.

"Lumabas ka na," sambit niya nang makitang tumuloy pa rin ito.

"Ang sabi ko kay Tiyang, mag-uusap tayo."

"Tara sa labas."

"Dito lang tayo." Nahiga ito sa kama at hinawakan ang kanyang kamay, inaagapan siyang tumayo. "Natatakot ka ba sa akin?"

"Of course not!"

"Then stay."

Humugot siya ng hininga. Galit pa rin siya rito. Galit siya rito kahit mahal niya ito kaya parang gusto niyang umiyak. He was breaking her heart every minute. Hayun ito, napakalapit ngunit alam niyang walang kasing-lawak ang pagitan nila. Umaasa siyang darating ang panahon kung kailan tanging galit na lamang ang natitira sa puso niya. Marahil, agad din iyong darating dahil sa mga nangyari.

"Ano'ng ginagawa mo?" kunot-noong tanong nito. Nakasandal ito sa headboard, pinagmamasdan ang telang binuburdahan niya.

Naibagsak niya iyon sa kanyang kandungan. Hindi rin niya alam kung bakit siya nagbuburda! Sa lahat ng gawain sa mundo, pagbuburda pa! Nagkataong mahilig roon ang tiyahin nito at binigyan siya nito ng embroidery kit kanina. Natetensiyon siya habang nag-uusap ang magtiyahin at lalong natensiyon sa katotohanang naroon na si Iñigo, at natagpuan niya ang kanyang sariling nagbuburda. She had a knock for it, apparently. Maayos niyang nabuo ang letrang "V" sa tela na siya mismo ang gumuhit, monogram ng kunwa ay anak nila ni Iñigo kung babae iyon.

Natuklasan din niyang kapag kausap niya ang tiyahin ng lalaki ay nasasabi niya ang mga pangarap niya noon sa buhay nilang mag-asawa. Nabanggit niya ang ipapangalan niya sa magiging anak nila, ang mga kabaliwan niyang hindi niya inisip kailanman na masasabi niya sa ibang tao---her herb garden, her wonderful smelling baked goodies for the would-be kids, the Labrador.

"Binigay sa akin ng tiyang mo ito."

Tumawa ito. "Hindi ko alam na marunong kang magburda."

"Hindi ko rin alam. Konsolasyon na nalaman ko para may fall back job ako sakaling wala na kaming pera ni Daddy. Alam mo na, mahirap na kami ngayon."

"You exaggerate, Charo."

Totoo iyon. Gusto lamang niya itong patamaan sa bawat salitang lumalabas sa labi niya. Ganoon bang talaga ang mga babaeng nasaktan? Sa salita bumabawi sa bawat pagkakataong makita? Marahil. At marahil ang totoong dahilan para roon ay hindi niya naririnig ang ibig niyang marinig. Marahil iyon ang dahilan ng lahat ng babaeng nagpapatama sa salita na tulad niya. Ayaw niyang marinig na "you exaggerate" kundi "I'm sorry. I understand why you feel that way. You love me and I betrayed you. But I love only you."

"You will make another one with the letter I?"

"Para saan? Sa 'yo? Gagawin mo pa akong taga-burda."

"Para sa anak natin. Iñigo Junior ang ipapangalan mo sa kanya, 'di ba? Isang buwan na ang tiyan mo," anito. Napatingin siya rito. Nakangiti ang mga mata nito, tila naunudyo.

Naaalala pala nito ang mga kabaliwan niya noon. "Ano'ng sasabihin natin sa tita mo tungkol doon?"

"Ang sabi ko sa kanya, hindi ka sigurado kung buntis ka. Ang sabi ko, hindi ka pa nagpapatingin sa doktor."

"Well, great."

Ang ilang hibla ng kanyang buhok ay inilapit nito sa ilong nito. "I've always loved the smell of your hair, do you know?"

"Wala akong panahon---" Natigil ang sasabihin niya nang hagkan siya nito. Bulong ng isip niyang itulak ito palayo ngunit hindi niya magawa. Hindi pa nagtagal ay lango na siya sa halik nito. Mayamaya pa ay mainit na mainit na ang pakiramdam niya nang magsimulang maglakbay sa kanyang katawan ang mga palad nito.

Soon she was moaning with pleasure, eager for him to take her. The sensations and her desire were too strong to fight. Hinagkan siya nito.

"Maririnig tayo ni Tiyang," bulong nito sa kanya.

"Oh, my God!" sambit niya, magkahalong pagkapahiya at reaksiyon sa sensasyong binubuo ng mga labi nito sa kanyang katawan.

When their bodies joined the damned bed won't stop making noise. Umiingit iyon sa bawat paggalaw nito, parang background music na sumasabay sa kilos nito. Bilog ang tunog niyon, kumbaga sa cartoons ay "toink-toink-toink" ang tunog, marahil may malaking spring na sira, kasabay ng "Ingk-ingk-ingk" ng paa ng kama. At sa kabila ng lahat ay nagkatinginan sila at sabay na napatawa. He carried her. He stood on the floor and she wrapped her arms over his neck, her legs wrapped around him. He conquered her that way, his strength only making her reach her climax faster.

Muli ay hinagkan nito ang kanyang mga labi. He plunged deep and she felt him come inside of her. Nakayakap lamang siya rito, para bang ayaw na niyang bumitiw. He was hers and only hers that moment. Pangalan niya ang tinatawag nito.

Hanggang sa alalayan siya nitong makahiga sa kama. Muli ay umingit iyon.

"Seriously, we have to do something about this bed," sambit nito.

Napatawa siyang bigla. Unti-unti, bumalik siya sa realidad kaya tumagilid siya ng higa. Ayaw niya munang magsisi. Mamaya na, kapag wala na ito. Niyakap siya nito ngunit tumayo siya, itinapi ang kumot sa katawan.

"I expect the papers tomorrow morning," sambit niya.

Pinagmasdan lamang siya nito at saka tumayo mayamaya. "Sure, honey."

Tumango siya nang bahagya, tumalikod na ito matapos magtapi ng tuwalya at lumabas ng silid. Napaupo siya sa kama, ang bigat-bigat ng kalooban.

Traje de Boda Trilogy 1: Charo (COMPLETED)Where stories live. Discover now