Chapter 1

6.7K 97 13
                                    

ACE/TERRENCE POV

Kilala niyo ako bilang Ace, pero ang totoo kong pangalan ay Terrence Romeo. Naloko ko sina Ion pati sina Alexander. Itinago ko sa kanila ang totoo kong katauhan.
Akala siguro ng marami na patay na ako, si Vice at ang kambal. Pero nagkakamali sila. Sumang-ayon ang lahat ng pangyayari sa mga plano ko. Totoong naaksidente kami nina Vice.

Flashback:

Siguradong ipapasira niya ang break ng sasakyan ni Ion. Sinundan ko naman ang tauhan nito.
"Anong hinahanap mo?" Tanong ko rito.
"Ah, Sir. Ace, yung sasakyan po ni Ion." Sagot nito. Itinuro ko naman ang sasakyan ni Vice. Sigurado naman na mauunang uuwi si Vice.
Hanggang sa umuwi na nga kami ni Vice, ibinilin pa siya sakin ni Ion. Hindi niya alam, ito na ang huli nilang pagkikita. Nangyari na nga ang aksidente samin. Ibinangga ko sa may puno ang sasakyan namin. Sumakit ang ulo ko, lintik. Nawalan ng malay si Vice, nagdurugo ang ulo nito.
Buti na lamang, dumating na agad ang mga tauhan ko. Sinakay ko kaagad dun si Vice sa sasakyan. Andito na agad si Kiefer, pinasunod siya agad ni Ion. Hindi niya alam kasabwat ko ito. Nilagyan namin ng mannequin yung sasakyan. Pagkatapos ay inihulog namin yung sasakyan sa gilid ng bangin. Tinanguan ko na lamang si Kiefer.

End of Flashback:

Sa mismong araw din na yun, nanganak si Vice via caesarian section. At kapag sinuswerte nga naman ako, nagkaamnesia si Vice. At wala siyang natatandaan miski isa. Pinangalanan ko siyang Iris Romeo at hinayaan ko namang siya ang magpangalan ng aming anak. Oo, tanggap ko ang anak niya.
Pagkalabas nila sa ospital ay pumunta kami sa ibang bansa. Ako ang kinilalang ama nina Savannah and Sky. Isinunod ko ang apelyido nila sakin. Ako rin ang kinilalang asawa ni Vice. Pero sa tatlong taon naming pagsasama hanggang halik lang ang nagagawa ko sa kanya. Wala pa nangyayari samin. Dahil kapag malapit na mangyari samin yun, bigla siyang titigil at sasabihing parang may mali. Wala naman akong magawa.
Napagdesiyunan ni Vice na pumunta kaming Pilipinas, at dito na lang tumira. Ayaw ko mang pumayag, pero nagpumilit siya.
Dumating na nga si Iris/Vice kasama ang mga anak namin. Tumabi naman sila sakin.
"Mukhang masaya ka, Honey." Saad ko kay Iris. Masanay na kayo na tawagin siyang Iris.
"Natanggap ako sa trabaho bilang secretary, Honey. And pwede ko ring isama yung kambal natin." Masaya nitong balita sakin. Napakunot naman ang noo ko.
"Diba sabi ko sayo, dito kana lang sa bahay." Saad ko naman sa kanya.
"Honey, gusto ko magtrabaho. Akala ko ba mahal mo ko? Bakit ayaw mo kong pagbigyan?" Malambing na sabi nito sakin. Napailing na lamang ako.
"Oo na sige na. Teka, anong company ka ba?" Tanong ko rito.
"Perez and Viceral Corporation." Simpleng sagot nito. Agad naman akong napatulala sa narinig ko. Hindi siya pwedeng dun magtrabaho.
"Magtrabaho kana sa ibang company. Wag lang dun." Saad ko naman dito. Hanggang sa sumimangot ito.
"Hindi. Malaki ang sweldo dun. Wag ka makulit. Okay?" Inis na sabi nito. Wala na galit na ito. Hindi ko pwedeng suwayin ito. Dahil siya ang Boss. Hindi pa rin nagbago ang pagiging bossy niya.
"Oo na sige na." Sagot ko na lamang.
"Pero alam mo kanina, pagdating namin dun. Yung mga empleyado dun. Nagbow sakin, and tiningnan nila ako. Then, yung mga kaibigan ni Sir. Perez niyakap ako. Tawag nila sakin Vice. Kinuha rin nila ang cellphone number ko at nakipagkaibigan sila sakin. Kaya sila na mga bago kong friends. And sabi nila, they want to be Ninang and Ninong of our children. Then, nag-agree ako. At saka mabait pala si Sir. Perez, pinayagan niya kong isama sina Savannah and Sky." Masayang kwento nito sakin. Tadhana na talaga ata ang magkitakita ulit sila. Pero gagawin ko ang lahat, wag lang niya makuha ang pamilya ko.
"Honey, bakit natahimik ka?" Tanong niya sakin.
"Wala naman. Pwede bang umiwas ka sa kanila." Request ko dito.
"No! Ano ka ba naman?!" Galit na sabi nito.
"Sorry. Sige na. Basta ingat kayo lagi at wag kang magtiwala ng husto sa kanila. I love you, Honey." Malambing saad ko sa kanya.
"I love you too, Honey." Sagot nito.
Gagawa ako ng paraan para hindi nila malaman ang lahat tungkol kina Iris. Akin lang sila, kung kailangan ko silang patayin lahat. Gagawin ko.

ION POV

Mapapalapit na sakin sina Iris, Savannah at Sky. Malakas ang kutob ko na sila talaga ang pamilya ko. Agad ko namang ibinalita ito sa pamilya ko at kina Vice.
Pupunta raw sila dito bukas para makilala sila. Gagawin ko ang lahat, malaman ko lang ang katotohanan. Kapag napatunayan ko yun, babawiin ko sila.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now