Chapter 13

2K 60 17
                                    

SOMEONE'S POV

Tahimik lang ako sa malayo na nakamasid kina Ion at Vice. Nagkakasiyahan sila ngayon, dapat na nilang i-enjoy yan. Kaunting panahon na lang magkakasira na ulit ang pamilya nila.

"Ano kumusta na yung pinapagawa sayo ni Boss?" Tanong sakin nitong tauhan ng amo ko. Hindi ko rin naman talaga personal na kakilala itong kausap ko, miski yung tinatawag naming Boss.

"Inoobserbahan ko na sila at pagkabalik nila sa Manila sisimulan ko na yung hinanda kong plano." Sagot ko naman sa kanya.

"Simulan mo na ngayon..." Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita.

"Nakapagsimula na ko kanina pa." Nakangiti ko namang saad sa kanya.

"At saka nga pala ayaw kong papakialaman niyo ang mga plano ko. Ako ang didiskarte sa lahat. Basta yung mga usapan lang natin." Dugtong ko pa at nilayasan na siya.

Humanda na kayo, magsisimula na ang panibagong problema sa pamilya niyo. At sisiguraduhin kong magtatagumpay ako.

VICE POV

Nakaramdam ako ng pangingilabot sa katawan ng hindi ko alam kung bakit. Para bang may nagmamasid sa malayo.

"Darling, bakit hindi ka mapakali?" Pagtatanong sakin ni Ion at inakbayan ako.

"Nothing. Don't mind me." Nakangiting saad ko sa kanya para hindi na siya magtanong pang muli.

"Are you sure?" Paninigurado niya sakin. Tumango naman ako sa kanya. At tumingin na lang sa mga kasamahan namin.

"Darling, salamat huh." Saad niya sakin at napalingon naman ako sa kanya.

"Huh? Para saan? Di kita maintindihan." Nalilito ko namang saad sa kanya. Tumingin naman siya sakin ng nakangiti.

"Dun sa ginawa mo kanina." Maikli naman niyang tugon. Napasimangot naman ako sa kanya. Tinawanan naman nito ako.

"Bakiiiiiiiit?" Pang-iinis pa lalo nito sakin. Inirapan ko naman ito at aalis na sana ako ng higitin niya ako. Kaya naman napa-upo ako sa may lap niya. Nagkatinginan naman kaming dalawa sa mata.

"Bakiiiiiiiit? Bakiiiit ka na naman galit?" Pagtatanong nito sakin. Natatawa na ako. Pero pinipigilan ko ang sarili ko.

"Ikaw naman kasi pinuputol mo yung mga sagot mo sakin. Diretsahin mo na kasi ako." Nakanguso kong saad sa kanya.

"Hahahaha, ang ganda mo asawa ko." Panglalambing niya sakin. Napangiti naman ako sa kanya.

"Yan, ngumiti kana." Masaya niyang saad sakin at hinawak hawakan pa ang mukha ko.

"Pere keng shere. Hehehehe." Pagpapabebe ko sa kanya. Nagkatawanan naman kaming dalawa.

"Darling, salamat talaga huh." Seryosong saad niya sakin. Pagkatapos ay pinagdikit niya ang mga noo at ilong namin, habang nakatitig pa rin kami sa isa't isa.

"Para saan ba kasi?!" Pangungulit ko sa kanya.

"Dun sa ginawa mo kanina, yung hinayaan mong ako ang magdesisyon tungkol sa pagmomodel mo sa magazine. Inalala mo pa rin magiging reaksyon at opinyon ko. Miski na may tampuhan tayo kanina." Nakangiti niyang saad sakin.

"Maliit na bagay lang yun. Syempre, asawa kita eh. Dapat naman talaga iniisip ko pa rin yung opinyon mo. Darling, ako pa nga dapat ang magpasalamat sayo eh." Sagot ko naman sa kanya habang magkatitigan pa rin kami eh.

"Bakit ka rin nagpapasalamat sakin?" Nagtatakang tanong niya sakin.

"Para sa lahat." Simpleng sagot ko sa kanya. Ito naman ang napasimangot sakin.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now