Chapter 15

1.8K 57 37
                                    

ION POV

Mahimbing na natutulog si Vice sa may lap ko. Sa paglalambingan namin kanina nakatulog siya sa mga hita ko. Ang ganda ganda niya talaga. Mukha siyang anghel kung matulog.

Sobrang swerte ko talaga na siya ang asawa ko. Siguro nga moody siya, kahit ganun mahal na mahal ko pa rin ang vaklaaaang twoooh. Siya lang ang minahal ko, simula noon.

Nabigla naman ako ng umuungol si Vice. Bakit siya naungol? Hindi ko naman siya niroromansa eh. Teka, hindi kaya binabangungot siya. Agad ko naman itong niyugyog.

"Darling! Darling! Gumising ka!" Medyo malakas na boses ko para magising ito at niyugyog siya. Pero hindi pa rin ito nagmumulat ng mga mata.

"Darling, wag mo kong lokohin! Gumising ka. Vice!" Medyo nagpapanic na ko sa nangyayari.

"TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI!" Sigaw ko para marinig ako nina Kuys Vhong. Agad namang tumakbo ang mga ito papunta samin.

"Anong nangyari?!" Tanong sakin ni Mariel.

"Ayaw gumising ni Vice, mukhang binabangungot siya!" Sagot ko naman sa kanila.

Agad naman nila itong pilit na gumigising. Pero hindi pa rin nagmumulat si Vice. Naiiyak na kami sa nangyayari. Hanggang sa buhusan ito ng malamig na tubig sa mukha nina Vhong. Agad naman bumangon si Vice nang gulat na gulat. Ang sama ng tingin niya saming tatlo nina Jhong at Vhong. Sinampal niya kaming tatlo. Gulat naman kaming napatingin sa kanya.

VICE POV

Gulat naman silang tumingin sakin dahil sinampal ko yung tatlo. Hindi naman ako nagpatinag sa kanila.

"Bakit mo kami sinampal, Darling?" Nagtatakang tanong sakin ni Ion. Sinusubukan naman niya akong hawakan. Pero hindi ko siya hinayaang gawin yun.

"Mga manloloko kayo! Ikaw Vhong at Jhong, kinunsinti niyo ang pagtataksil sakin ni Ion. Ikaw naman Ion, manloloko ka! May girlfriend kana pala, si Raissa! Niloko niyo ko!" Galit kong sabi sa kanila habang umiiyak. Tiningnan naman nila ako ng nakakalito.

"Vice, panaginip lang siguro yung sinasabi mo. Kasi kanina ka pa tulog, pagkatapos niyong magkabati ni Ion. Naglambingan kayo hanggang sa nakatulog kana. Vice, binangungot ka." Pagpapakalma sakin ni Ate Amy. Inisip ko naman ang nangyari, tama nga panaginip lang yun. Salamat sa, Diyos. Panaginip lang lahat ng mga yun. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Kwento mo samin napanaginipan mo, Meme." Kalmadong sabi sakin ni Buern. Ikinuwento ko naman lahat sa kanila. Napatawa naman sila sakin. Napasimangot naman ako.

"Sorry, Vhong, Jhong at Darling." Paghingi ko ng paumanhin sa kanila. Tumango na lamang sila sakin.

"Darling, okay kanaba?" Tanong sakin ni Ion.

"Oo. Pasensya na kung nasampal kita. Akala ko kasi totoo yung panaginip ko eh. Natakot ako na..... Na may mahal ka ng iba." Naiiyak kong sabi sa kanya. Ngumiti naman ito sakin at hinalikan ang noo ko. Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil dun.

"I'll understand, Darling. At saka alam mo namang ikaw lang ang mahal ko eh. Kahit kanino ka magtanong, hindi kita pinaltan kahit kailan. At saka diba sabi ko naman sayo, hindi ko kilala yung Raissa na yun. Kanina ko lang siya nakilala. Kaya wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano. Wag ka na umiyak huh. I love you." Malambing niyang sabi sakin.

"I love you too, Darling." Tanging nasabi ko na lamang at hinalikan naman niya ang mga labi ko.

"Una na kami sa inyo, pagpapahingahin ko na muna si Vice. Halika na kayo Savannah at Sky." Saad naman ni Ion.

"Hindi, samin na muna ang kambal niyo. Dito muna sila samin. At ang gamit nila nasa kwarto namin. Enjoy your night, ViceIon." Nakangiting sabi ni Anne. Napangiti naman ako sa narinig ko.

"Magpahinga huh, hindi magpapakapagod." Pang-aasar naman ni Jhong samin. Namula naman ako dahil dun.

"Pere keyeng shere." Pagpapabebe ko sa kanila. Napatawa naman sila.

"Salamat sa inyo huh." Nakangiting sabi ni Ion.

Nagpaalam naman kami kina Savannah at Sky. Nagbilin na rin ako kina Anne para sa kambal. Tinahak na nga namin ni Ion ang daan papunta sa kwarto namin. Todo ang dikit sakin ni Ion.

"Darling alam mo na huh." Makahulugang sabi sakin ni Ion at kinindatan pa ko.

"Ang harot mo, Ion." Saad ko naman kay Ion at napatawa na lamang kami.

Hinahalik halikan naman ni Ion ang leeg ko ng pasimple. Sinamaan ko naman ito ng tingin. Ang landi talaga nito.

Buti na lang panaginip yung kina Ion at Raissa. Kung totoo yun. Di ko na alam kung ano ang mangyayari samin.

Sigurado rin akong mapapasabak naman ang katawan ko nito kay Ion. May war na naman sa pagitan namin. Okay na rin yun, kesa naman iba.

#PanaginipLangPalaLahat

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now