Chapter 6

2K 75 23
                                    

ION POV

Ilang araw na simula ng maconfine si Vice sa ospital. Hindi pa rin siya gumigising. Simula nun, hindi kami umalis sa tabi niya. Pinalagyan ko na rin ng security si Vice at ang mga anak namin.

Nasampahan ko na rin ng kaso si Terrence o mas kilala ko bilang Ace. Pagkalabas na pagkalabas niya ng ospital, sa kulungan na ang diretso ng demonyong yun. May nakabantay na ring pulis sa kanya. Para hindi ito makatakas.

Napagpasiyahan kong puntahan ito. Buti na lamang gising pa ito. Tsk, nakaposas pala ang lalaking ito. Mabuti na rin yun para hindi siya makatakas.

"Terrence." Pagtawag ko sa kanya. Tumingin naman ito sakin.

"Alam mo na pala kung sino ako. Buti naman kung ganun." Natatawang saad nito.

"Bakit mo inilayo, itinago sakin sina Vice, Savannah at Sky? Inagaw mo sakin ang pamilya ko! Traydor ka!" Galit kong saad sa kanya.

"Iniligtas ko lang naman siya sa away niyo ni Alexander. Tsk, kung hindi ko ginawa yun madadamay siya  sa inyo. Masasaktan lang siya pati ang mga anak ko." Seryosong sagot niya sakin. Sinuntok ko naman ito dahil dun.

"Walang kwenta ang dahilan mo! HINDI MO ANAK, ANG MGA ANAK KO! TANDAAN MO YAN!" Madiing sabi ko sa kanya.

"AT SAKA NGA PALA, ANG KAPAL DIN NG MUKHA MONG SAKTAN ANG ASAWA KO! HINDI KO SINASAKTAN YUN, TAPOS SINASAKTAN MO LANG!" Dugtong ko pa at sinapak ulit siya.

"Hahaha, tapos ka na ba? Umalis kana rito." Tumatawang saad nito sakin.

"Aalis na talaga ako. Layuan mo ang asawa ko't anak." Pagbabanta ko sa kanya. Paalis na sana ako ng bigla itong magsimula muli.

"Magpakasaya kayo ngayon. Pero tandaan mo, babawiin ko sila sayo." Seryosong saad niya sakin. Nilingon ko naman siya at nginitian na lamang siya. As if namang hayaan ko na mabawi niya ang pamilya ko.

Habang pabalik na ko sa room ni Vice ay nakasalubong ko si Vhong na nakangiti.

"Tol, gising na si Vice. Bumalik na rin ang alaala niya." Saad nito sakin at tumakbo na nga kami papunta kay Vice.

Pagkapasok namin ay nakita ko si Vice na nakikipag-usap na sa lahat. Lumapit ako agad kay Vice at niyakap siya ng mahigpit. Tinulak naman ako nito.

"Sino ka ba? Bakit mo ko niyayapos?" Nagtatakang tanong nito sakin. Napatulala naman ako dahil sa narinig ko.

"Jhong, sino ba yan? Nasaan si Terrence? Yung asawa ko." Tanong nito kay Jhong. What the?! Sila naaalala niya, ako hindi. Nakita ko naman ang mukha ng iba na natatawa sakin. Ang lakas ng loob nila na tawanan ako, ang sakit kaya.

"Darling, ako to si Ion, yung asawa mo. Bakit hindi mo pa rin ako natatandaan? Ako yung asawa mo, hindi yung demonyong Terrence. Vice, ako to si Ion." Naiiyak ko ng sabi sa kanya. Pero nanatiling seryoso ang mukha nito.

VICE POV

Bumalik na ang alala ko. Isa yun sa magandang nangyari sa buhay ko ngayon. Pagmulat ng mata ko una kong nakita sina Mommy. Agad ko namang hinanap sa kanila ang mga anak ko. Ligtas naman daw ang mga ito kasama sina Nathalia. At si Ion naman daw ay pinuntahan pa si Terrence. Naisipan kong pagtripan si Ion, at sumang-ayon naman silang lahat sakin.

"Darling, ako to si Ion, yung asawa mo. Bakit hindi mo pa rin ako natatandaan? Ako yung asawa mo, hindi yung demonyong Terrence. Vice, ako to si Ion." Naiiyak na sabi sakin ni Ion. Pero nanatiling seryoso ang mukha ko, ngunit gusto ko na talagang tumawa. Pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"I'm so sorry. Pero di talaga kita kilala.  And hindi ikaw ang asawa ko." Pagdadrama ko sa kanya. Kita ko naman na paiyak na ang mga mata nito.

"Darling naman eh." Paiyak na sabi nito sakin. Di ko na napigilan ang sarili ko na matawa sa kanya. Miski sila tumawa na rin.

"Hahahaha, kung makikita mo lang ang mukha mo. Hahahaha, Ion." Saad ko sa kanya habang tumatawa. Nagseryoso naman ang mukha nito at inilapit ang mukha niya sakin.

"Pinagtripan mo lang pala ako, Mrs. Perez." Seryosong saad niya sakin. Napalunok naman ako ng dahil dun.

"Aalis na muna kami, huh. Lagot ka Vice. Panindigan mo yan hahaha." Pagbabanta sakin ni Jhong at lumabas na nga sila. Tumingin naman ulit sakin si Ion. Unti-unti siyang lumalapit sakin muli at tiningnan ako ng mapang-akit.

"Ano kasi.. Ion... Joke lang naman yun kanina... Darling.." Kinakabahan kong sabi sa kanya.

"Tsk, dapat sayo parusahan. Pinagtripan mo pa talaga ako." Nagbabantang sagot nito sakin. At hinalikan ng mabilis ang leeg ko.

"Dar... ling.. naman." Nauutal ko pa ring sabi sa kanya.

"Eto ang parusa mo." Saad niya sakin at hinalikan ako sa labi. Ang halik niya ay puno ng pangungulila, pagmamahal. Ilang minuto pa nga bago naghiwalay ang labi namin.

"I miss you and I love you, Darling." Buong pagmamahal na sabi sakin ni Ion. Nginitian ko naman siya at hinalikan muli ng mabilis ang labi niya.

"I miss you and I love you too, Darling." Sagot ko dito at naghalikan muli kami.

Pagkatapos ng mainit naming halikan ay nagkwentuhan kami sa nakalipas na panahon. Hindi siya humanap ng iba, samantalang ako. Napansin naman niya ang pananahimik ko.

"Don't worry, naiintindihan ko yung tungkol sa inyo ni Terrence. Niloko ka niya. Pero may isang bumabagabag sakin. May nangyari na ba sa inyo?" Tanong nito sakin. Napatawa naman ako sa kanya.

"Wala. Walang nangyari samin miski isa." Paninigurado ko rito.

"Kasi sa tuwing malapit ng may mangyayari samin. Titigil ako kasi, pakiramdam ko parang mali. Parang nagtataksil ako ng hindi ko alam. Kaya sa buong pagsasama namin hanggang halik lang siya sakin." Paliwanag ko pa sa kanya. Tumango-tango naman ito sakin.

"Mabuti naman. Darling, humanda ka pagkalabas mo rito sa ospital." Makahulugang sabi nito sakin. Napalunok naman ako ng dahil dun. Tumango na lang ako sa kanya dahil sa titig nito sa mga mata ko. Hanggang halikan muli ako nito at nilagyan ng marka ang aking leeg. Hindi lang isa, lima ang nilagay niya. Nahampas ko naman siya ng dahil dun. At pumasok na rin sina Jhong na may dalang pagkain.

"Wow, saglit lang kami nawala may marka na ah. Ano kuys nanggigil? Hahaha." Komento ni Jhong at tumatawa rin ang iba. Inirapan ko naman sila.

"Manahimik kang unggoy ka!" Sigaw ko kay Jhong. At tinawanan lang ako ng walanghiya pati na rin ni Ion.

Namiss ko sila pati ang kulitan namin. Sana naman wala ng maging problema. Wala ng manggulo pa samin muli. Dahil sa wakas nakabalik na muli ako sa tunay kong pamilya.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now