Chapter 11

1.9K 74 13
                                    

VICE POV

Inis na inis talaga ako kay Ion dahil sa babaeng unggoy na yun. Naisipan ko na lamang maupo sa may tabi ng dalampasigan para makapag-isip.

"Tulala ka ata, Vice." Napalingon naman ako kung sino ang nagsalita. Yun pala ay si Sebastian lang. Nginitian ko na lamang ito at hindi sinagot ang tinanong sakin.

"Anyway, agree ka ba kung kunin kitang model sa magazine?" Pagsasalita muli nito. Teka, tatanggapin ko ba? Papayag naman kaya si Ion?

ION POV

Nagalit si Vice dahil dun kay Raissa. Yung sinasabi niyang babaeng unggoy. Pagseselosin ko lang naman sana siya eh. Di ko akalain na magagalit na siya ng husto. Nakakainis. Paano to? Nasabunutan ko na lamang ang sarili ko.

"Ano ba nangyari sa inyo, Ion?" Pagtatanong ni Buern.

"Nagselos siya kay Raissa." Simpleng sagot ko naman. Napatingin naman sila sakin ng nagtataka. Si Jhong at Vhong tahimik lang dahil alam nila ang nangyayari.

"Sino naman yun?" Tanong ni Anne habang nakataas ang kilay.

"Yung babaeng lumandi sakin kanina. Iiwasan ko naman talaga dapat yun eh. Kaso nakita ko si Vice na nagseselos na kaya dineretso ko na." Sagot ko habang nagkakamot ang ulo ko. Narinig ko naman ang iba't iba nilang komento. Well, kasalanan ko naman talaga eh.

"Ayusin niyo yan, Ion. Samin na muna ang kambal." Saad sakin ni Ate Amy. Napatango na lamang ako sa kanya.

Nagulat ako ng kulbitin ako ni Buern na hinihingal pa. Tiningnan ko naman ito ng Bakit?

"Ion, sino yung kausap ni Meme dun sa may tabi ng dalampasigan?" Pagtatanong sakin ni Buern.

"Malay ko. Diba nandito ako, paano ko malalaman? Ano ba itsura?" Saad ko kay Buern. Nagtilian naman sina Buern habang inaalala ang itsura nung lalaki.

"Gwapo, maputi, matangkad at saka macho. Aaaaahhhhhhh, ang hot pa niya!!! Nakatopless siya!!!" Kinikilig na sabi ni Chad. Nagpanting naman ang tenga ko sa narinig ko.

"Magkausap pa rin ba sila? Magkatabi?" Pagtatanong ko muli sa kanila. Tumango naman ang mga ito ng sabay-sabay.

Agad naman akong pumunta sa direksyon kung saan sila nanggaling. Sumunod naman sila saking lahat.

VICE POV

Natapos na rin ang aming pag-uusap ni Sebastian at nagpaalam na ito para umalis. Nabigla naman ako ng dumating sina Ion. Niyakap naman ako ni Ion pagkalapit niya sakin.

"Darling, sorry na. Wag na tayong mag-away. Hindi ko kayang magkaaway tayo. Ngayon na nga lang tayo ulit nagkasama sama eh." Malambing na saad sakin ni Ion pero may bahid ito ng lungkot.

Hindi naman ako umimik sa kanya. Dahil naaalala ko pa rin yung nangyari kanina. Sino ba naman ang matutuwa dun? Humiwalay naman sakin si Ion ng yakap at nakita ko sa mata nito na paiyak na siya. Para namang nanlambot ang puso ko. Magsasalita na sana ako ng lumakad ito papuntang dagat.

"Kung hindi mo ko patatawarin magpapakalunod ako rito." Pagbabanta nito sakin. Napanganga naman ako sa narinig ko sa kanya miski ang mga kasamahan namin.

"Bahala ka sa buhay mo, Ion! Bahala kang magpakalunod dyan! Ako pa tinakot mo!" Sigaw ko rito. Makikipagbati na sana ako eh, kaso dumali ng ganun. Narinig ko naman ang tawanan nina Anne.

Nagdirediretso nga si Ion sa plano niyang 'magpapakalunod' daw. Nakatanaw lang naman ako sa kanya. Hanggang sa nakita ko itong lumubog na sa ilalim ng tubig. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin ito umaahon. Nakaramdam naman ako ng kaba. Napatayo na lamang ako at hinanap siya.

"Ala, Meme baka sineryoso yun ni Ion." Saad sakin ni Buern na parang kinokonsensya ako.

Agad naman akong lumusong sa may dagat. Hinahanap ko pa rin siya. Lumingon naman ako kina Anne pero nakangiti lang sila sakin at natatawa pa. Nakakainis naman kasi eh.

"ION! ION! ASAN KA NA BA?!" Sigaw ko naman. Pero walang nasagot at di ko rin ramdam ang presensiya niya. Nagdirediretso ako kung saan siya pumunta.

"Ion, lumabas kana dyan! Hindi na ko natutuwa sayo!" Sigaw ko muli. Naiiyak na ko, dahil kinakabahan na ko sa posibleng mangyari sa kanya. Baka tinototoo niya. Lumubog ako sa ilalim ng tubig at hinanap siya pero wala. Napaiyak naman ako dahil dun.

"Darling, asan ka na ba? Bati na tayo. Bumalik ka na." Umiiyak kong sabi. At bumuhos na nga ng husto ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Naramdaman ko naman na may yumakap sakin mula sa likod. Paglingon ko ay si Ion. Niyakap ko naman siya dahil sa kabang naramdaman ko.

"Bati na tayo Darling huh." Malambing na saad niya sakin. Humiwalay naman ako ng yakap sa kanya at pinaghahampas siya.

"Napaka walanghiya mo, Ion!  Tinakot mo ako ng husto! Akala ko kung ano na nangyari sayo!" Umiiyak ko pa ring sabi sa kanya.

"Sorry, Darling. I love you. Wag ka ring magselos dun kay Raissa." Saad nito sakin habang nakangiti. Napataas naman ang kilay ko. So, kilala niya na rin pala yun.

"Kilala mo na rin pala ang unggoy na yun? Hambalusin kita gusto mo? Bakit mo inalam ang pangalan niya?!" Inis kong pagtatanong sa kanya.

"Siya ang nagsabi ng pangalan niya, Darling. Wag ka magselos dun. Ikaw lang ang mamahalin ko wala ng iba. Alam mo yan, mula noon hanggang ngayon ikaw pa rin ang mahal ko." Panunuyo niya sakin habang nakatitig sa mga mata ko. Tumango na lamang ako sa kanya.

"I love you, Darling." Saad sakin ni Ion. At inilapit pa niya ko ng husto sa kanya. Wala ng space sa pagitan namin.

"I love you too, Darling." Sagot ko naman sa kanya.

Naglapat na nga ang labi namin. Inabot ng ilang minuto ang halik sa pagitan naming dalawa, bago kami naghiwalay.

"Darling, sa kwarto na ba natin ako matutulog?" Pagtatanong niya sakin habang nakapout. Kinurot ko naman ang pisngi nito at tumawa. Ang cute niya, mali ang gwapo pala.

"Oo, doon na." Sagot ko sa kanya at ngumiti ng matamis. Napasigaw naman ito ng 'yes'.

"Balik na tayo dun, Darling." Pagyaya ko sa kanya at hinigit pa siya.

"Teka lang, Darling." Pagtutul niya at hinigit ako palapit sa kanya. Nagkaroon muli ng halikan sa pagitan naming dalawa.

"HOY! KAYONG MAG-ASAWA DUN KAYO SA KWARTO NIYO GUMAWA NG MALIGRO! HUWAG SA DAGAT!" Sigaw ni Jhong. Napalayo naman ako kay Ion dahil dun. Nakita ko naman ang pagngisi niya. Bumalik na nga kami papunta kina Anne. Lumapit agad ako kay Jhong at kinutusan siya.

"Napakawalang hiya mo talagang unggoy ka!" Inis kong saad sa kanya pero tinawanan lamang ako.

Inasar asar pa nga nila kami dahil sa nangyari sa may dagat. Nasa amin na naman ang sentro ng usapan. Magaling, napakagaling talaga.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now