Chapter 27

1.6K 58 10
                                    

VICE POV

Maaga akong nagising dahil sa ingay ng kambal naming anak ni Ion. Napangiti naman ako ng nakita kong hinalikan ng mga ito ang kanilang Dada.

"Good morning mga anak!" Bati ko sa mga ito habang nakangiti.

"Good morning din, Mommy!" Sagot sakin ni Sky at humalik sa pisngi ko. Hindi naman nagpadaig ang anak kong babae at lumapit din sakin.

"Good morning, Mommmy! I love you." Malambing na sabi sakin ni Savannah at humalik din sakin. Niyakap ko naman ang mga ito.

Niyaya ko naman ang mga ito na maligo na kami. Pagkatapos naming mag-ayos na tatlo at pumunta na kami sa labas. Naabutan naman namin sina Nanay na nagluluto.

"Kids, go to your cousins and play with them. I will help them, okay?" Saad ko naman sa kambal. Tumango naman ang mga ito sakin.

"Good morning sa inyong lahat." Pagbati ko sa kanila nang nakangiti.

"Mukhang maganda ang gising mo anak ah." Pagpuna sakin ni Mommy.

"Oo naman po. Nakita ko po kasi ang mga anak ko na malambing sakin at pati na rin sa Dada nila." Sagot ko naman ng nakangiti pa rin.

"Nasan pala si Noi?" Pagtatanong naman sakin ni Nanay Zeny.

"Tulog pa po." Simpleng sagot ko naman.

Hanggang sa inasikaso na lang namin ang dadalhin para sa swimming. Habang nagkakasayahan kami ay tatakbong lumapit sakin si Vhong.

"Vice, si Terrence nasa labas. Gusto ka raw makausap." Saad sakin ni Vhong na medyo kinakabahan. Nabigla naman ako sa narinig ko. Anong ginagawa niya rito?

"Mommy totoo po ba na si Daddy Terrence nasa labas?" Tanong sakin ni Savannah na mukhang masaya.

Natigilan naman ako sa pagtatanong nito sakin. Sasagot na sana ako ng biglang tumakbo ang kambal papalabas ng bahay namin.

"My Gosh, Savannah at Sky!" Sigaw ko sa mga ito. Pero dire-diretso ang mga ito sa labas. Kaya naman wala akong nagawa kundi sundan ang mga ito. Sumunod din sila sakin.

Dali-dali akong lumakad palabas ng bahay nina Ion. Pagkarating ko ay nakita kong masayang nakayakap ang mga bata kay Terrence sa kabilang kalsada. Ngumiti naman sakin si Terrence nang makita niya ako. Lumapit naman ako sa mga ito.

"Kumusta ka na?" Pagtatanong sakin ni Terrence. Nanatili naman akong walang imik.

"I know that you're really mad at me. But, give me a chance to prove myself that I really change. Alam kong sobrang laki ng kasalanan ko sa inyo. Kaya ako nandito para humingi ng tawad sa inyong lahat." Sinserong paghingi ng paumanhin sakin ni Terrence.

"Napatawad na kita. Mas nangingibabaw sakin ang mga kabutihang ginawa mo samin ng mga anak ko. At masaya ako na nagbago kana. Sana magtuloy-tuloy na yun." Nakangiti ko namang sagot sa kanya.

"Group hug!" Sigaw ng kambal. Kaya naman napatawa kami ni Terrence. Lumuhod kaming dalawa at pumantay sa kambal para magawa nga ang group hug.

ION POV

Nabigla naman ako ng walang tao sa loob ng bahay lahat sila nasa labas. Agad naman akong pumunta sa kanila. Nagulat sila nang makita nila ako.

"Anak, tara dun sa loob." Pagyaya sakin ni Nanay Zeny na medyo natataranta. Napakunot naman ang noo ko. Parang may itinatago sila sakin.

"Asan po sina Vice?" Pagtatanong ko sa mga ito.

"Halika na pumasok na tayo." Pagyaya pa rin sakin nina Nanay. At humarang sila sa dadaanan ko papuntang labas. Kaya naman di ako nagpatinag sa kanila at mabilis akong nakapunta sa may labas ng bahay namin.

Laking gulat ko nang makita kong masayang nagyayakapan ang mag-iina ko kasama si Terrence. Bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa nakita ko. Masaya silang kasama ang taong dahilan din kung bakit kami nagkahiwa-hiwalay.

"Dada, good morning!" Sigaw sakin ni Savannah mula sa kabilang kalsada.

Bigla namang naghiwalay sa yakap ang mga ito. Bakas din ang gulat sa mukha ni Vice nang makita niya ako. Niyaya naman ni Vice si Terrence na lumapit samin.

"Darling, good morning. Alam kong wala good sa morning mo dahil sa nakita mo. Pero hayaan mo na muna magpaliwanag ang lalaki na ito. I know na nasaktan ka sa nakita mo. But, please let him explain first. Smile kana, ayokong nakasimangot ang taong dahilan kung bakit masaya ang puso ko, ang pamilya ko, ang pinaglilihian ko." Nakangiting sabi sakin ni Vice. Pero nanatili naman akong seryoso. Nakita ko namang nakanguso na ito at paiyak na.

"Akala ko ba mahal mo ako, bakit hindi mo ko pinapansin? Sorry na Darling. He just only said sorry. Wala ka dapat ipagselos dun. Darling naman eh." Pagmamaktol sakin ni Vice at umiiyak na. Niyakap ko naman ito at hinalikan sa labi ng mabilis.

"Oo na sige na. Wag ka nang umiyak. I love you, Darling." Pang-aamo ko sa kanya at ngumiti na ito sakin saka ako niyakap ng mahigpit.

"Kami rin sali." Singit ng kambal kaya binuhat ko ang mga ito saka kami nagyakap-yakap.

"Dada, Daddy Terrence is still here. He said he need to talk to you." Saad sakin ni Savannah. Tumango naman ako sa mga ito at pinapasok muna sa loob. Naiwan naman kaming dalawa ni Terrence sa labas.

VICE POV

Pumasok naman kami sa loob. Nakaramdam naman ako ng kaba dahil naiwan sa labas sina Ion. Nakatingin naman sakin ang lahat.

"Humingi siya ng tawad sa mga nagawa niya. Katulad nga po ng sinabi ko sa inyo napatawad ko na siya. Dahil nangingibabaw pa rin ang mga ginawa niyang kabutihan samin. Isa pa po, siya rin ang dahilan para malaman kung sino ang nasa likod ng may masamang balak sa pamilya namin. Kaya sana po, bigyan niyo rin siya ng chance na makabawi sa lahat." Mahaba kong paliwanag sa mga ito.

"Pero hindi mo pa rin maiaalis samin na magalit sa kaniya." Sagot naman sakin ng kapatid ni Ion.

"Naiintindihan ko po kayo." Simpleng sabi ko na lamang.

Pinag-uusapan pa rin nila ang nangyari kanina. Niyakap naman ako ng kambal. Kaya napaluha ako.

"Mommy don't cry. Mama Mary loves you." Nakangising sabi sakin ni Savannah. Napatawa naman ako sa narinig ko.

"Pasensya na kung na stress ka samin. Pero hindi kami galit sayo. Wag kang mag-alala, baka sa paglipas ng panahon mapatawad na namin siya." Saad sakin ng kapatid ni Ion. Tumango naman ako sa kanila.

Sabay naman na pumasok si Ion at Terrence nang nakangiti. Gulat naman kaming napatingin sa kanila. Ipinaliwanag naman nila ang lahat na okay na sila.

Hanggang sa naging okay na nga kaming lahat at naghanda na para makapagswimming na.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now