Chapter 12

1.9K 65 11
                                    

ION POV

Sobrang saya ko dahil nabuo muli ang aming pamilya. Hindi ko inaasahan na makakasama ko ulit sila. Ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng pamilya na katulad nila.

Nakangiti kong pinagmamasdan sina Vice, Savannah at Sky. Habang nakahiga si Vice sa may buhanginan ay tinatabunan naman ang katawan niya ng kambal. Tuwang tuwa ang kambal namin.

"Bumalik na yung dating saya sa mukha mo noon. Simula nung napalayo sayo ang mag-iina mo." Saad sakin ni Vhong habang tinatapik pa ang balikat ko.

Tumabi na rin samin sina Jhong, Jugs, Teddy at Ryan. Nakatingin kami kina Vice. Ramdam kong pati sila ay masaya dahil sa nangyayari.

"Buo na ulit ang tropa natin. Hindi ko akalaing mabubuo ulit tayo." Masayang saad ni Teddy.

"Oo nga eh. Akala natin lahat wala na sina Vice. Yun pala, buhay pa sila." Dugtong ni Jhugs. Bakas sa boses nila ang kasiyahan.

"Pero dun talaga ako di makapaniwala kay Ace." Sabi ni Ryan habang nakatingin samin. Bigla naman nag-init ang ulo ko dahil narinig ko ulit ang pangalan na yun.

"Pinagkatiwalaan natin siya noon, traydor naman pala." Inis na saad ni Jhong.

"Wag na natin siyang pag-usapan. Kasi pare-parehas lang tayong mag-iinit ang ulo." Simpleng saad ko naman sa kanila. Tumango naman sila sakin.

"Eto kasing si Ryan eh. Binanggit pa yung lalaki na yun." Saad ni Jugs. Nagtawanan na lamang kami dahil napasimangot si Ryan.

Habang nagkekwentuhan kami narinig namin ang malakas na pag-irit ni Savannah. Bigla naman kaming napatakbo sa dako nila.

"Bakiiiiiiiiit?" Natataranta kong tanong kay Savannah. Pero hindi naman ito umimik.

"Dada, si Mommy mabubulag na!" Sigaw ni Sky.

Napalingon naman ako kay Vice. May mga buhangin ang mukha niya at kita ko sa reaksyon niya na masakit ang mata nito. Agad naman akong lumapit sa kanya. Inalis ko ang mga buhangin sa mukha nito at hinipan ang mata niya.

"Okay na, Darling. Salamat." Nakangiting saad sakin ni Vice.

"Mommy, sorry." Sabay na sabi ng kambal namin habang umiiyak. Ngumiti naman sa kanila si Vice.

"It's okay, babies. Pwede bang alisin niyo na ang mga buhangin sa katawan ko?" Malambing na saad ni Vice kina Savannah at Sky. Lumingon naman siya sakin.

"Darling, anong oras na?" Saad niya sakin habang nakangiti.

"3:30 pm, Darling. Bakit?" Sagot ko kay Vice. Gulat naman ang naging reaksyon ng mukha nito. Bigla ko ring naalala na may meeting nga pala ito kay Sebastian na yun.

"Savannah at Sky, itigil niyo yan. Wag niyong tanggalin ang mga buhangin sa katawan ng Mommy niyo." Seryosong saad ko sa kambal.

"Why?" Nagtatakang tanong ni Sky.

"Oo nga, Tol. Bakit ayaw mong ipatanggal?" Tanong din sakin ni Vhong.

"Alam ko na kasi kung saan pupunta si Vice." Sagot ko naman sa kanila. Nanlilisik naman ang tingin sakin ni Vice.

"At saan naman ako pupunta?!" Inis na tanong sakin ni Vice.

"Diba may meeting kayo ni Sebastian?" Balik na pagtatanong ko sa kanya.

"Hindi na tuloy ang meeting namin. Maliligo na ko dahil nangangati na yung buong katawan ko. Nakakainis ka talaga, Benigno." Badtrip na sabi sakin ni Vice. Napakamot naman ako sa ulo ko.

"Sorry na, Darling." Nahihiya kong saad kay Vice pero inirapan niya lang ako.

"Tanggalin na natin, Babies." Pagyaya ko sa kambal. Tumango naman sila sakin.

"Dada, lagot ka. Mommy, is mad at you." Saad sakin ni Savannah.

"Dada, masama magalit si Mommy." Dagdag na pananakot sakin ni Sky. Napalunok naman ako dahil sa narinig ko.

Tinanggal naman namin agad yung mga buhangin sa katawan ni Vice. Pagkaalis ni Vice sa buhanginan ay agad itong tumayo at kinurot ako.

"Ikaw talaga na lalaki ka! Puro ka kalokohan. Bantayan mo yang kambal maliligo ako!" Utos sakin ni Vice.  Hindi na rin niya inantay na sumagot ako at umalis na ito ng tuluyan.

Inasar naman ako nila ako, dahil sa nangyari. Sabagay may kasalanan nga naman ako. Wala eh, seloso ako. Lumapit naman sa pwesto namin si Sebastian.

"Anong kailangan mo? Hinahanap mo ba ang ASAWA KO?!" Pagtatanong ko sa kanya. Diniinan ko rin ang salitang asawa ko. Napangiti naman ito sakin.

"Mr. Ion Perez, hindi naman siya ang pakay ko. Kun'di ikaw." Sambit niya sakin. Napkunot naman ang noo ko.

"Talaga ba? Baka naman gumagawa ka lang ng paraan para makita at makausap mo siya." Diretsang sagot ko sa kanya. Pero nanatiling nakangiti lang ito.

"Tama nga ang sabi niya, seloso ka. Sabi niya sakin, sayo daw ako makipag-usap tungkol sa inaalok ko sa kanya. Ibig sabihin sayo nakasalalay ang kasagutan niya." Saad nito sakin. Nabigla naman ako dahil dun. Hindi ko akalain na iniisip din pala ni Vice ang magiging kasagutan ko tungkol sa pagiging model niya sa isang magazine.

"Nandito na pala si Mrs. Perez eh." Saad ni Buern habang nakangiti.

Tiningnan ko naman ang reaksyon ni Sebastian at bakas sa mukha nito ang paghanga. Paglingon ko ay natulala ako sa asawa ko. Sobrang ganda niya talaga. Simple lang yung suot niya pero ang lakad ng dating niya.  Ang ikli ng suot niyang damit.

"Buti nandito kana Sebastian. Ano nakausap mo na ba itong asawa ko?" Nakangiting tanong ni Vice Kay Sebastian. Hindi naman agad ito nakasagot. Dahil napatulala na lang ito kay Vice.

"Ehem, baka naman matunaw yung asawa ko." Pagpaparinig ko. Agad naman nagbawi ng tingin si Sebastian kay Vice.

"Seloso ka talaga." Pang-aasar sakin ni Vice.

"Ikaw din naman ah. Mas matindi pa nga eh." Sagot ko naman sa kanya. Napatawa naman kami sa isa't isa.

"Mr. Perez, papayag ka ba sa alok ko kay Ms. Vice?" Muling pagtatanong sakin ni Sebastian. Napa ismid naman ako sa narinig ko.

"Para sa asawa kong si Mrs. Perez, ayoko sana eh. Ngayon na lang ulit kami nagkasama sama na buong pamilya. Ayoko na rin sana siyang magtrabaho katulad ng dyan sa magazine. Kaya pasensya na lang." Seryoso kong sagot sa kanya. Napatingin naman ako kay Vice at ngumiti siya sakin.

"Final answer na po ba yan?" Dismayadong paninigurado niya samin.

"Yup. Final answer na. Pasensya kana huh." Nahihiyang sabi ni Vice kay Sebastian.

"No problem basta ikaw. Sige, alis na ko Vice." Nakangiting saad nito at umalis na nga.

"Ang astig nun. Kay Meme lang nagpaalam, tapos satin hindi. Lalo na sayo,Ion." Hindi makapaniwalang saad ni Chad. Miski naman ako eh. Halatang type niya talaga ang asawa ko.

Napatawa na lang si Vice samin. Inirapan ko naman siya.

"Bakiiiiiiiiiit?" Panggagaya sakin ni Vice.

"Umiwas ka sa kanya, Darling. Halatang type ka nun." Nakanguso kong sabi sa kanya.

"Wala naman akong pake sa kanya eh. Ikaw lang naman ang mahal ko." Panglalambing niya sakin.

"I love you, Darling." Saad ko sa kanya.

"I love you too." Sagot naman niya sakin at naglapat ang aming mga labi.

"Ano ba yan?! Respeto naman sa walang jowa!" Saad ni Ryan.

Napatawa na lamang kami sa kanya. Back to normal na ulit kami. Masaya lang.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now