Chapter 38

1.7K 47 24
                                    

VICE POV

Pagkatapos ng pagniniig namin kagabi ni Ion ay nakatulog agad kami. Kaya ang kambal naming anak, doon nakitulog sa Lola nila.

Maaga akong nagising at iniwan ko si Ion sa kwarto namin. Pumunta naman ako sa may dalampasigan. Ang sarap sa pakiramdam. Narerelax ako, ngayon ko na lang ulit naramdaman yung ganito.

"Mommy! Mommy!" Sabay na sigaw nina Savannah at Sky.

Napalingon naman ako sa kanila. Masaya itong tumakbo papunta sakin. Si Nanay Zeny naman ay nginitian ako at bumalik sa kanyang kwarto.

"Hi, Babies. Kamusta ang tulog niyo?" Malambing kong tanong sa kanila.

"Sobrang sarap po, Mommy. Kinantahan kami ni Lola." Masayang kwento sakin ni Sky.

"Mommy, we miss you pati si Dada." Saad sakin ni Savannah. Hinalikan ko naman ito ng mabilis sa pisngi pati na rin si Sky.

"Namiss rin namin kayo." Saad ko sa kanilang dalawa saka ko sila niyakap.

Habang naglalambingan kaming tatlo. May naamoy akong pamilyar na pabango. Parang kay Terrence. Hindi ako pwedeng magkamali. Paglingon ko ay si Terrence nga.

Agad naman akong napatayo at hinila ko sa likuran ko ang kambal. Sinamaan ko siya ng tingin. Pero wala ako mabasa na miski ano mang reaksyon sa mukha niya.

"Daddy! Daddy!" Sigaw ng Kambal na natutuwa dahil nakita nila ang nakilala nilang ama.

"Stop, Savannah and Sky! Wag kayong lalapit sa kanya. Remember! He is not your real father." Saad ko sa kambal.

Ngunit hindi naman nakinig ang mga anak ko. Nakaalis sila sa pagkakahawak ko kaya naman nakalapit sila kay Terrence.

"Namiss ko kayong dalawa. How are you? Did you miss me?" Malambing na tanong ni Terrence sa Kambal.

"Yes, Daddy. We miss you." Sagot naman sa kanya ni Savannah. Niyakap naman ni Terrence ang Kambal.

"Totoo po bang hindi ikaw ang tunay naming Daddy?" Tanong ni Sky kay Terrence. Napatingin naman sakin si Terrence.

"Sabihin mo sa kanila ang totoo. Wag na wag mong subukan na magsinungaling." Seryoso kong sabi kay Terrence. Napatango naman ito sakin.

"Yes. Hindi nga ako ang tunay niyang ama. But, always remember. Mahal na mahal ko kayo." Malungkot na sabi ni Terrence at kita ko namang tumulo ang luha nito. Para namang kumirot ang puso ko ng masaksihan ko yun.

"If you love us, then, why did you cheated on Mommy? Is Mommy not enough?" Sunud-sunod na tanong ni Savannah. Nabigla naman ako sa tinanong nito.

TERRENCE POV

Nagulat ako sa tanong sakin ni Savannah. Alam pala nila ang nangyayari. Tiningnan ko naman si Vice pero miski ito'y nabigla rin.

"Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun. Sorry, if napaiyak ko ang Mommy niyo. But, I love your Mom. I really love your Mommy." May sinseridad kong sagot. Inirapan naman ako ni Vice.

"Pero tigilan niyo na po ang paglove kay Mommy. Kasi si Dada Ion ang totoo niyang husband." Saad sakin ni Sky. Para naman akong sinampal ng katotohanan dahil sa sinabi nito.

"Alam mo Terrence. Makinig ka sa mga bata. Itigil mo na yung mga kahibangan mo. Dahil ang unang maaapektuhan ay ang mga bata. Please, tigil kana. Habang may natitira pa akong....." Hindi naman tinapos ni Vice ang sinasabi niya sakin. Dahil tuluyan ng bumagsak ang mga luha nito.

"I'm sorry for everything. I know I've made a big mistake to your family. Okay, I'll stop. But, please forgive me." Saad ko sa kanya at saka ako lumuhod sa harapan niya.

"Anong ginagawa mo rito?!" Galit na saad ni Ion.

Paglingon ko sa likuran ay sinapak na agad ako ni Ion. Napahiga naman ako sa may buhanginan. Inawat ni Vice si Ion at dinig ko naman ang pag-iyak ng Kambal.

"Stop it, Ion! Natatakot ang kambal." Saway ni Vice. Kumalma naman si Ion dahil kay Vice. Ngunit kita ko ang galit sa mukha nito dahil sakin.

"Umalis kana! Ayaw kong makita na nalapit ka pa sa buong pamilya ko!" Galit na sabi sakin ni Ion.

"I'll promise na titigilan ko na ang pamilya niyo. Be happy and goodbye." Sagot ko naman sa kanila.

Niyakap ko naman ang kambal at tuluyan ng umalis. Tinawagan ko naman agad si Raissa.

On phone "Raissa"

"Hello, did I disturb you?" Panimula ko sa kanya.

"No. What is it? Sisimulan na ba natin yung plano mo?" Pagtatanong niya sakin. Napabuntong hininga naman ako.

"Tumigil na tayo. Ayokong madamay at masaktan pa ang mga bata." Sagot ko naman sa kanya.

"Owwwww, okay. Sige. Let's talk. Puntahan mo na lang ako sa bahay. I'll understand. Hindi ko na rin guguluhin sina Ion. Inom tayo." Saad niya sakin. Pinatay ko naman na ang tawag.

VICE POV

Tuluyan na ngang umalis si Terrence. Tiningnan ko naman si Ion. Pero bakas pa rin sa mukha nito ang galit.

"Kumalma ka na Darling. I know na titigil na si Terrence. Matatahimik na ang pamilya natin." Saad ko sa kanya at niyakap siya.

"Sana nga, Darling." Sagot naman nito sakin.

I hope na tuloy-tuloy na ang kapayapaan na natatamo namin.





Author's Note:

Isang chapter na lang po and tapos na ang story na ito. Then, siguro, I'll make a new story :) Sana suportahan niyo po:) Thank you.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now