Chapter 28

1.4K 50 39
                                    

ION POV

Nagising naman ako ng medyo masakit ang ulo ko. Pagkamulat ng aking mata ay nasa ospital ako. Agad naman lumapit sakin sina Nanay at sina Vhong.

"Asan si Vice at yung mga anak ko? Anong ginagawa ko rito?" Pagtatanong ko naman sa kanila. Agad naman kumunot ang mga noo ko.

"Anong sinasabi mo? Patay na sina Vice at yung mga anak niyo diba." Sagot naman sakin ni Vhong.

"Hindi, hindi sila patay. Diba nga nag-apply pa siya sa company tapos nagkabalikan kami." Sagot ko naman sa kanila na medyo naluluha. At kinuwento ko ang lahat ng detalye sa pagitan namin ni Vice.

"Anak, malabong mangyari lahat ng sinasabi mo samin. Mahigit tatlong buwan kang commatose. Mukhang panaginip mo lamang lahat yun. Anak, patay na sila. Tanggapin mo na yun." Sagot naman sakin ni Nanay Zeny. Natulala naman ako sa narinig ko.

"Ion, yung sinasabi mo ay si Iris Romeo. Oo, kamukha siya ni Vice. Pero hindi siya yun eh. Sa totoo lang, pagkatapos niyong magkita sa company kasama yung mga anak niya. Nag-inom ka hanggang sa maaksidente ka." Kwento sakin ni Vhong.

"Pero sa company niyo pa rin siya nagtatrabaho. Wag kang mag-alala makikita mo naman siya pagkalabas mo rito." Saad ni Anne sakin.

"NAGSISINUNGALING LAMANG KAYONG LAHAT SAKIN! HINDI PANAGINIP ANG LAHAT NG YUN!" Sigaw ko naman sa kanila.

Kita ko namang umiiyak ang nasa paligid ko. Ibig sabihin, totoo nga ang sinasabi nila sakin. Na panaginip ko lamang yun.

"Kung panaginip lang yun, bakit nagising pa ako? Sana kasama ko pa rin sila. Bukas na bukas din papasok na ako. Gusto kong makita si Vice." Seryoso kong sabi sa kanila.

Naipilit ko naman ang gusto ko na makapasok na bukas. Gusto ko nang makita ang asawa ko. Na pilit nilang sinasabi sakin na si Iris.

---Fast Forward----

Binati naman ako ng mga empleyado ko pagkapasok. Habang hinihintay ko ang pagbukas ng elevator. Ay may nakabangga sakin. Papagalitan ko na sana siya ng medyo pamilyar ang hugis ng katawan nito sakin.

"I'm so sorry po. Malalate na kasi ako. Ngayon kasi papasok si Mr. Perez. Sorry talaga." Nakatungong paumanhin sakin ng babae.

Sasagot na sana ako nang bumukas na ang elevator. Agad naman pumasok ang babae at sumunod na rin ako. Busy naman ito sa paggamit ng cellphone niya. May mga sumabay pa saming ibang empleyado.

"Good Morning, Sir. Perez." Saad nila sakin. Agad naman lumingon ang babaeng nakabangga sakin. Nabigla naman kami sa isa't isa. Dahil ang babae pala na yun ay si Vice.

"Pa...pasensya na po sa kanina. Good morning po, Mr. Perez. I'm Iris Romeo, your secretary." Nakangiting bati niya sakin.

"Good morning din sayo." Sagot ko rin sa kanya.

Nakapunta na agad kami sa may opisina ko. Agad naman itong pumunta sa may table niya. Pagkaayos sa mga gamit niya ay lumapit ito sakin ng may ngiti sa labi. Sigurado ako na siya talaga ang asawa ko.

"Sir, do you want coffee?" Pagtatanong nito sakin.

"No, maupo ka dyan. I want to hear your story. All the things about you. Ms.Iris." seryoso kong sabi sa kanya.

"Ahm, ako po si Iris Romeo. Tulad po nung una nating pagkikita may asawa na po ako si Terrence Romeo. May anak na rin kaming kambal. Kakabalik lamang po namin dito noong...." Sagot niya sakin. At marami pa siyang sinabi tungkol sa buhay niya. Ibig sabihin panaginip ko lamang talaga ang lahat ng iyon.

"Okay na Iris. Kung gusto mo, pwede mo dalhin ang mga anak mo rito." Saad ko sa kanya ng may ngiti. Gusto kong mapalapit sa kanya at sa mga anak nito. Malakas kutob ko katulad sa panaginip ko na sila pamilya ko.

"Ahm, Sir. Sabi po kasi ng asawa ko, wag ko na lang dalhin ang mga bata rito. Kasi nagtatrabaho ako, baka maistorbo pa ako." Sagot naman niya sakin. Nabigla naman ako sa sinagot nito.

"Sa totoo nga lang po, ayaw niyang magtrabaho ako rito. Gusto niya sa may company na lang namin. Pero hindi ako pumayag kasi gusto kong magtrabaho sa pinakatanyag na company na ito." Dugtong pa niya. Napatango na lamang ako.

"Kamukha mo ang aking asawa na si Vice." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Alam ko po, pero hindi po ako si Vice. Kamukha ko lang siya. Alam ko na rin ang kwento ng buhay mo. Sinabi po sakin nina Anne." Pagkwento na naman nito sakin. Ngumiti naman ito sakin. Kaya napangiti na rin ako.

Nagtitigan naman kaming dalawa. Bakit ganun? Yung nararamdaman ko noon kay Vice kagaya ng sa kanya.

"Hoy! Ano yan?! Bakit kayo nagtititigan?! Meron ba kayong hindi sinasabi huh?! Iris huh. Hinaharot mo si Ion. Lagot ka sa asawa mo." Nakangiti namang sabi ni Anne kay Iris/Vice.

"Hoy, wala yun. Nagkekwentuhan lang kami." Depensa naman ni Iris at kita ko ang pamumula sa mukha nito sa pagkahiya. Pumunta na rin ito sa lamesa niya.Natawa naman ako sa reaksyon nito.

"Tuwang tuwa ah. Parang walang nangyari kahapon." Pagpuna sakin ni Jhong. Ngumiti na lamang ako sa kanya.

"Pahinga ka pa rin, Kuys. Kakagising mo pa lang kahapon." Pagpapaalala pa sakin ni Vhong.

Agad naman lumingon sakin si Iris ng masama ang tingin. Sina Anne naman nabigla sa reaksyon ni Iris.

"Sir. Perez, bakit po kayo agad pumasok?! Dapat nagpahinga ka muna. Ano ka ba naman, Sir?!" May pag-aalalang sabi niya sakin. Nagulat naman ako.

"Uy... Nag-aalala si Iris. Ay, oo nga pala, crush mo si Ion hahahahaha." Saad ni Anne.

Namula naman si Iris dahil sa sinabi ni Anne. Agad naman itong napatungo. Tiningnan ko naman sila kung totoo ang sinasabi ni Anne at tumango naman sila. Ngumiti naman ako ng may halong kilig. Lumapit naman ako sa pwesto niya. Siguradong pagkatingala niya kaunting distansya na lang maglalapat na labi namin.

Tumingala na nga si Iris at laking gulat niya na magkalapit na ang mukha naming dalawa. Kita ko naman na namula muli ang pisngi nito.

"Crush mo pala ako. Wag kang mag-alala. It's a tie. I love you!" Malambing kong sabi sa kanya. Mas lalo naman itong namula. lumayo naman ito sakin.

"Si-sir, punta lamang po ako sa C.R." Madaling sabi nito sakin. At agad na tumakbo paalis.

Natawa na lamang ako sa reaksyon niya. Miski sina Anne. Magiging akin din siya.

Author's Note: Hope you like it, guys.

Way Back Into My Wife and Kids (COMPLETED)Where stories live. Discover now